Maaga siyang nagising dahil may usapan sila ni Kate na sabay na silang papasok sa University nila. May kotse ito kung kaya't makakalibre siya ng pamasahe. Tumanggi siya sa alok ni Kate kahapon ngunit sadyang mapilit at makulit itong Kate kung kaya't umu-o nalang din siya. Pagkatapos niyang maligo, agad siyang nagpalit ng kanyang uniporme bago inayos lang ang kanyang mukha at buhok. Wala siyang kolorete na nilalahid sa kanyang mukha dahil hindi naman siya katulad ng ibang kababaihan na nagiging color coded na ang mukha ng mga ito! Sinuot na niya ang kanyang anti-radiaton na salamin dahil hindi siya mabubuhay kung hindi niya maiisuot ito. Palagi siyang pinipilit ng kanyang Nanay Clarita nag magsuot ng contact lens para hindi hassle kumpara sa eyeglasses niya. Nagmumukha daw siyang nerd na ewan sabi ng mga taong kabiruan niya sa Isla pero para sa kanya sakto lang. Pinasadahan niya ulit ng tingin ang kanyang kabuuan sa salamin at nang matansya na ayos naman danampot niya lang ang earphone niya bago sinalpak ang isa sa kanyang tainga. Listening to music is the second thing that makes her happy and completed her whole day. Hindi mabubuo ang araw niya kung hindi siya nagpapatugtug kaya kahit saan siya lumipana ay dala-dala niya palagi ang kanyang wireless earphone.
“Are you, ready?” Bungad sa kanya ni Kate habang sinasarado ang pintuan ng silid nito. Ngumiti siya bago tumango bilang sagot. “So, then, lets go!” Yakag sa kanya at sumunod naman siya kaagad. Sa ilang buwan niyang pamamalagi sa kanyang boardinghouse masasabi niyang si Kate ang mabilis na naging kaibigan niya. She's an introvert person na walang pakialam sa mundo ng iba at tanging mundo niya lang ang palagi niyang iniikot sa araw-araw kapag nasa boardinghouse siya. Kaya minsan naiisip niya na maganda din pala ang may mga kaibigan kahit ilan lang at kung si Kate lang din at Riki ay ayos na ayos na sa kanya. Ayaw niyang bumuo ng circle of friends kung ang iba naman ay mga marites lang at puro pa kikay. Ayos na siya sa isang chinitong lalaki na bangkero at isang englisera na madaldal at makulit ngunit may ginintuang puso naman.
Sumampa na siya sa loob ng kotse kung saan binuksan ni Kate ang pintuan sa may passenger seat. May pag alinlangan siyang sumampa sa harapan ngunit napansin 'yon ni Kate kung kaya't biniro siya nito.
“Don't be shy, Oli. We're friends and besides, you are too beautiful to be shy. Natotomboy nga ako sa'yo, eh!” Pabirong saad ni Kate sa kanya. Basta naman siyang napa-umis dahil sa sinabi nang kaibigan niyang englisera. Madaldal si Kate kung kaya't hindi mapapanis ang kanyang laway kapag kasama niya ito. Halos magkasing-edad lamang sila kaya medyo magkasundo sila.
“Do you have a boyfriend, Oli?” Walang prenong tanong sa kanya ni Kate. Ngumiti siya ng bahagya bago iniwas ang paningin sa paninitig sa kanya ni Kate habang nagmamaneho ito.
“W-wala... Wala akong boyfriend,” mahina niyang tugon.
“What about the guy I saw last day?”
Awtomatiko siyang napatingin kay Kate habang nagmamaneho ito.
Anong meron kay Riki? Kay paks niya?
“Ah! Si Riki? Kaibigan ko lang 'yon,“ mabilis niyang depensa. Bahagyang tumawa lamang si Kate bilang sagot. Hindi narin naman siya nakipaghuntahan dahil wala naman talaga silang label ni Riki. Nakakatawa lang dahil may mga tao yata na nag-iisip na boyfriend niya ang binata.
Pagkababa niya ng kotse ni Kate, matiyaga niya iting hinintay sa labas habang may kausap pa ito sa cellphone habang nasa loob pa ng kotse nito. Inikot niya ang paningin sa palibot ng campus dahil hinahanap niya si Riki dahil may usapan sila na dadalhin nito ang kanyang mga naiwang mga corales. Sayang din naman kung mapapatapon iyon dahil pwedi pa naman iyon magagawan ng paraan para mapaganda at gawing bracelet 'o di kaya ay kwentas. Sa galing niyang gumawa ng ibat-ibang klase ng mga designs tiyak hindi masasayang ang mag 'yon.
“Tama na ang paghahanap sa akin, andito na'ko.” Untag sa kanya ni Riki. Inakbayan siya nito kaya napatingin siya kaagad sa hitsura nitong nakangiti na halos mawalan na ng mata dahil sa sobrang singkit.
“Nadala mo ba?” Aniya.
“Yes, Ma'am!”
“Akin na daw.”
“Kiss muna!”
“Huy! Riki Nishimura!?”
Pagkasabi niya niyon ay bigla siyang humiwalay kay Riki dahil sa sinabi nitong nakapagpagitla sa kanya. Sanay naman siya sa ugaling mapagbiro ng kanyang kaibigan kaso ibang-iba ang reaksyon niya ngayon dahil bukod sa madaming nakakarinig, nahihiya din siya dahil nakatingin sa kanila si Kate na ngayon ay nasa tapat na nang kotse nito. Nakahalukipkip ito na nakatingin sa kanila. Seryoso ang mukha habang dikit ang paningin kay Riki. May pagtataka niyang binalingan ng tingin si Riki ngunit tanging kibit balikat lamang ang sagot nito sa kanya.
“Let's go, Oli.” Yakag sa kanya ni Kate. Nagpatangay siya sa paghila sa kanya ni Kate at hindi na nakapagpaalam kay Riki ngunit bago paman niya simulan na magpatangay bumaling muli siya kay Riki.
“Mamaya ko nalang kukunin, paks.”
Sumaludo si Riki sa kanya bilang pagtugon. Mamaya nalang niya kakausapin ang kaibigan niya dahil masyadong nagmamadali si Kate kung kaya't nagpatangay na siya ng tuluyan. Hini niya alam kung bakit basta nalang siya hinila ni Kate ng walang dahilan at nakikitaan niya iyon ng kabastusan!
Anong problema niya? Bakit parang hindi maganda ang tingin niya kay Riki?
“See you later, Oli. By the way, I'm sorry for being rude kanina.” Paalam nito sa kanya at paghingi ng pasensya. Nginitian niya lang ito ng pilit kahit sa kaloob-looban niya ay medyo nag dududa siya sa pinakita nitong asal kanina na hindi niya nagustuhan. Sa halip na tanungin niya kung may problema ba ito, hindi na niya nagawa dahil nasa loob na ng room nila ang kanilang professor. Pagkapasok niya nakita agad niya si Riki na nakangiting tinapik-tapik ang upuan na katabi lamang nito. Kapag gano'n ang galawan ni Riki alam na niya ang gagawin niya. Doon siya uupo sa tabi ng kaibigan para malaya silang makapagdaldalan.
“Tatawid ka ba mamaya sa Isla?” Pabulong na tanong nito sa kanya.
“Bakit, may iba pa ba akong pinupuntahan bukod sa Isla kapag ganitong byernes na?” Pamimilosopo niya. Naningkit basta ang mga mata ni Riki dahilan para matuwa siya!