CHAPTER-4

1031 Words
Nakangiti na naman siyang namumulot ng mga shells at ibang maliliit na corales habang naka-upo sa basang buhangin bago padamping inaalon ng tubig ang kanyang paa. Alas singko palang ng umaga at tulog pa ang mga tao sa Mansion pero siya nasa tabing dagat na. Inugali na niya ang manguha ng mga shells kapag umuuwi siya ng Isla kaya pinababayaan nalang din siya ng kanyang Nanay Clarita. Si Nanay Clarita ang nag ampon sa kanya simula nang tumapak siya sa Isla Verde. Si Riki ang naging tulay kung bakit niya nakilala ang matanda at gano'n na lamang ang pasasalamat niya sa kanyang kaibigan at hindi matatawaran ang ibinigay na tulong nito sa kanya. Utang niya ang pangalawang buhay niya kay Riki kaya kahit hindi niya man ito sabihin araw-araw, pinapadama niya naman ito sa paraan na alam niya. “Hindi ka ba nilalamig? Ang aga-aga nakababad kana d'yan sa tubig.” Untag sa kanya ni Riki. Tiningala niya ito at bigla nalang nag salubong ang kilay niya ng makita itong walang pang-itaas na suot bago basang-basa pa ang buong katawan na kahit ang suot nitong short ay tumutulo pa ang tubig sa laylayan. Klaseng katatapos lang din nito na lumangoy. “Bakit ikaw, hindi rin nilalamig? Mas basang-basa ka pa nga sa akin eh!” Pamimilosopo niya. Ngumisi ito na halos ikawala na naman ng mga mata nito. Ginulo-gulo pa ni Riki ang buhok nitong mahaba dahilan para tumalsik sa mukha niya ang ilang tubig na galing sa basang bubok nito. Umiwas siya ng tingin kay Riki bago pinunasan ang kanyang mukha dahil natalabsikan iyon ng mumunting tubig galing sa buhok nitong winasiwag. “Ang bastos naman talaga!” Asik niya. Mabilis itong umupo sa buhangin at dikit siyang tinabihan kaya umisod siya palayo sa kanyang kaibigan. “Bastos na agad 'yon? Ang pagkaka-alam ko sa isang nambabastos ay yo'ng nambubuso. Binubusuhan ba kita?” Nakangisi nitong paliwanag sa kanya. Pagkasabi no'n ni Riki sa kanya ay agad itong tumayo at lumayo sa kanya. Napatawa siya ng malakas dahil alam nito kung ano ang sunod niyang gagawin kapag namimilosopo ang kanyang kaibigan. “Alam kong gaganti ka pero 'wag mo nang ituloy, paks.” Pakiusap nito sa kanya. “Akin na nga yang mga shells mo, bibitbitin ko na para makauwi na tayo,” segundang saad nito sa kanya kaya tumayo narin siya. Alam na alam nito kung paano kuhanin ang pasensya niya kaya lihim na napa-umis na lamang siya habang inaabot ang timbang maliit kung saan puno iyon ng mga kinolekta niyang shells at mga corales. Nasa bandang labas palang sila ng Mansion at akmang papasok palang sila sa gate nang makita nila parehas ni Riki si Aling Meding na hingal na hingal na sinasalubong silang dalawa. Sinalubong naman agad ito ni Riki dahil baka kung napapaano na ito o' baka may problema sa loob ng Mansion na may kinalaman kay Nanay Clarita nila. Pero hindi eh, dahil kung sa matanda lang naman ay wala siyang dapat na ikabahala dahil may sariling nurse at doctor ito na palaging naka-monitor sa kalusugan ng matanda. “Ano po ba ang problema Aling Meding? Bakit po kayo takbong-takbo? May nangyari po ba? Ano po iyon?” Sunod-sunod niyang tanong habang hawak ni Aling Meding ang dib-dib nito dahil sa pagkahingal. “Pahingahin mo naman muna ang matanda paks bago mo usisain.” Grabe ka naman kung makatanong ng sunod-sunod,” bulong sa kanya ni Riki kaya naituptup niya ang kanyang isang palad sa kanyang bibig para hindi mahalata ang pagtawa niya ng biglaan. “S-si Pinky kasi u-umanak na,” mahingal-hingal na imporma sa kanila ni Aling Meding. Nanlaki bigla ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ng matanda. Ipinaubaya niya muna ang matanda kay Riki at umuna nang pumasok sa loob para puntahan si Pinky. Pero bago iyon nanghagilap muna siya ng ilang damit niyang hindi na niya sinusuot bago kumuha siya ng bagong gunting. Hinagilap niya rin ang alcohol niya at kumuha narin ng sinulid. Agad na siyang pumunta sa baral kung saan naroroon nakahiga si Pinky, pero bago paman siya makarating sa turil ni Pinky ay naro'n na si Riki at ilan na ang nailabas na anak ni Pinky. “Ang bagal mo naman! Halika kana dito, putulan mo na ito ng buntot at pangil.” Pang aapura nito sa kanya. Inabot niya ang hawak ni Riki na teeth clipper para sa mga pangil na puputulin sa mga anak ni Pinky. “Heto na nga, oh! Nanginginig pa.” Pamimilosopo niya bago hinimas muna ang ulo ni Pinky bago tumungo sa baral kung saan naroroon ang mga biik. Habang hawak ni Riki ang biik na may konteng dugo pa hinawakan naman niya ang buntot ng biik bago ginupit ng sagad ang buntot niyon. Sorry piggy... Nang matapos nilang gupitan ng buntot ang mga biik sinunod naman nilang ginupit ang mga pangil ng mga biik. Si Riki parin ang naghahawak sa biik habang binubuka ang bibig ng biik at siya naman ang gumugupit ng mga pangil. Hindi niya alintana ang hirap ng kanyang ginagawa o' makaramdam man lang ng pandidiri dahil sa loob ng ilang taon na pagtira niya sa Isla nakasanayan na niya iyon. Hindi siya katulad ng ibang mga babae na makakita lamang ng bagong anak na baboy ay karaka'y mandidiri na! Iba siya! Ibang-iba sa lahat kaya hinahangaan siya ng kanyang kaibigan na si Riki at nang mga taong kilala siya sa Isla Verde dahil kahit sobrang yaman ng kanyang napuntahan at umaruga sa kanya hindi niya pinagmamalaki iyon bagkus tumutulong pa siya sa mga gawaing bahay at sa iba pa niyang kayang gawin. Katulad nalang ngayon sa pag papaanak ng alagang baboy nila ni Riki na si Pinky. Magkaagapay palagi sila ni Riki sa lahat dahil parehas silang ampon ng Nanay Clarita nila. Si Nanay Clarita na tinuturing nilang tunay na kapamilya. “What the fúck are you two doing here?” Napatingin siya bigla sa isang lalaki na basta nalang nag mura ng mariin habang nakatayo ito na nakapamulsa! Gano'n na lamang ang pagdagundong ng malakas ng kanyang dib-dib na halos umulwa na ito sa kinalalagyan nang mamukhaan niya ang lalaki na nag mura ng malutong!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD