Fifteen Years After.....
Halos lahat ng kanyang buhok ay sumagi na sa mukha ni Riki habang naka-angkas siya sa motor nito. Nag pumilit si Riki na ihatid siya sa kanyamg boardinghouse bago ito bumalik sa pantalan. Kahit may helmet siya hindi niya parin mapigilan na hindi pumikit dahil sa bilis kung mag patakbo ng motor itong kaibigan niyang kaskasero. Wala siyang lusot kapag si Riki na ang nagpumilit dahil kahit anong katwiran niya ay hindi nito pinapakinggan kaya para siyang tuta na basta nalang din sumusunod.
“Paki-salikop naman yang buhok mo, paks! Nakakaistorbo sa paningin ko, stk!” Malakas na utos sa kanya ni Riki habang nagmamaneho ng motor. Walang sabi niyang sinalikop ang buhok niyang nililipad ng malakas na hangin papunta sa mukha ni Riki. Gamit ang isang kamay niya hawak-hawak niya iyon lahat habang ang isa naman ay naka-kawit sa baywang nito.
“Dahan-dahan lang naman kasi sa pag mamaneho, paks! Masyado pa akong bata para mapapunta sa langit.” Pahiyaw niyang tugon. Awtomatiko naman na naging mahina ang pagtakbo ng motor ni Riki kung kaya't napangisi siya ng pilya. “Takot ka rin naman palang mawala ako, eh.” Pilyaw kantyaw niya ng makababa na ng motor nito. Habang tinatanggal ang suot na helmet hindi niya mapigilan na hindi mag atungal ng reklamo kay Riki dahil nagulo niyang buhok! Kung kanina lamang ay nasa maayos pa iyon at sumusunod pa sa galaw, ngayon parang buhok na ito ng manika. Gulong-gulo at buhaghag! Ngumisi lamang si Riki sa kanya at nginisihan niya rin hilaw pabalik bago hinawakan niya ang mga mata nitong sobrang singkit. Paano ba naman dahil kapag tumatawa itong kaibigan niya ay pati mga nito ay nakikitawa din na halos pumikit na dahil sa sobrang kasingkitan. Si Riki ay may lahing hapon kaya gano'n na lamang ang hubog ng mukha nito at singkit ng mga mata.
“Kailan ang balik mo sa Isla, para masundo kita dito,” seryosong tanong nito sa kanya. Nangunot bigka ang kanyang noo dahil kararating niya palang sa kanyang boarding house eh yoong pag-uwi na agad niya ang tinatanong nito!
Seryoso ba siya?
“Hindi pa ako nakakatapak sa loob ng boarding house ko pero tinatanong mo na agad ako kung kailan ang uwi ko. Bakit? Mamimiss mo ako?” Pamimilosopo niya kay Riki. Humalakhak naman ng malakas si Riki dahil sa kanyang sinabi.
“Palibhasa sobrang hangin kanina. Stk! Sige na nga! Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka,” anito.
“Sige, na. Mag-iingat ka ha, mag dahan-dahan ka naman sa pagmamaneho! Kala mo naman pagmamay-ari mo ang kalsada kung makapag drive ka.” Mahinang anas niya kay Riki. Sumaludo ito sa kanya bago sumampa ng motor at sinimulan nang patakbuhin ang motor nito palayo sa kanya. Halos magkasing-edad lang sila ni Riki kaya nagkakasundo sila sa lahat ng bagay. Kahit sabihin niyang parehas sila ng ugali yoong tipo ng may pagkamatigas ang ulo nagkakasundo parin sila dahil sa kanilang dalawa si Riki palagi ang umiintindi sa kanyang hindi kagandahang attitude. Introvert siyang babae at hindi niya alam kung bakit naging malapit niyang kaibigan si Riki. Siguro dahil ito ang tumulong sa kanya noon kung kaya't nasa mabuting pangangalaga siya ng mga taong umampon sa kanya. Sa mga nakalipas na taon simula nang tumapak siya sa Isa hinding-hindi na niya binalikan ang masalimoot niyang nakaraan! Kahit ang ama-amahan niya hindi narin niya magawang isipin kung ano na ang buhay niyon! Kung buhay pa ba 'yon o' may asawa na namang iba 'o baka patay na! Hindi niya binibigyan ng permiso ang kanyang utak na isipin ang mga taong may kagagawan ng paglayo niya! Mabuti nalang dahil kahit papaano ay mabait sa kanyaang diyos. May pinadala itong isang tao na higit na makakatulong sa kanya at dahil sa taong iyon nasa mabuting kalagayan siya. Malaki ang utang na loob niya kay Riki kaya kahit hindi niya man sabihin ng personal dahil hindi siya magpakita 'o mag express ng kanyang emosyon, nagpapasalamat parin siya ng husto kay Riki dahil kung hindi dahil sa kanyang kaibigan hindi niya makikilala ang Nanay Clarita niya. Si Nanay Clarita ang umampon sa kanya at nag bihis sa kanya at ang nagbigay ng pag-asa para pagtibayin ang kanyang sarili at harapin ng matapang ang kasalukuyan niyang buhay sa Isla.
“Uy, Oli! Kararating mo lang? May dala ka bang mga bagong design ng bracelet? Patingin naman, oh! ” Dire-diretsong tanong sa kanya ni Kate. Ang ka boardmate niyang madaldal at englisera. Tinanggal niya ang nakapasak na headphone sa kanyang kaliwang tainga para pagtuonan ng pansin ang tinatanong sa kanya ni Kate. Nilapag niya ang ang dala niyang duffle bag at binuksan iyon para kunin ang isang ziplock na plastic na may laman na mga ibat-ibang klase ng bracelet na yari sa mga maliliit na shell. Napa o-shape naman ang mga labi ni Kate ng makita nito ang mga bagong design na ginawa niya.
“Iyan lang ang mga bago kong mga nagawa.” Nahihiya niyang saad habang sinasara ang hawak na plastic ziplock.
Simula nang makarating siya sa Isla at nang magtagal na siya doon kinaugalian na niya ang mamulot at mangolekta ng maliliit na shell at ibang ligaw na mga coral reefs sa tabi ng dagat. Ginagawa niya itong mga kwentas at polseras at binibenta niya sa pantalan kapag naroroon siya at nang matuklasan ng mga ka-boadrmate niya at nang mga kaklse niya ay bumibili narin ang mga ito sa kanya hanggang sa hindi nagtagal ay ginawa na niya itong hanap buhay. Kaya, sa tuwing umuuwi siya sa Isla ay nilalaan niya ang kanyang oras sa panglilimot ng mga shell at coral reefs.
“Bibilhin ko na 'yan lahat,” Ika ni Kate. Ngumiti siya ng malapad bago ito pinasalamatan. Inabot na niya ang bayad nito na buong isang libo at dumukot na siya sa kanyang bag ng panukli ngunit mabilis nang umalis si Kate kung kaya't sinigawan niya ito.
“Huy, babaeta, may sukli ka pa.” Malakas niyang hiyaw at narinig naman iyon ni Kate kaya hinarap muna siya nito.
“Keep the change, Oli. Gawa ka ulit, ha.” Nakangiting sigaw ni Kate sa kanya.
“Thank you!” Pasalamat niya kahit nakatalikod na sa kanya si Kate. Pakiramdam niya magiging kasundo niya si Kate dahil kahit madaldal iyon na kasalungat sa kanyang ugali, may magandang puso naman ito.