Wala siyang ka ide-ideya kung bakit gano'n na lamang ang reaksyon sa kanya ng babae na kasama ng kaibigan niyang si Riki. Tila gulat na gulat ito nang makita siya. Ngayon lang ba ito nakakita ng guwapo na kagaya niya? O' baka naman na love at first sight agad ito sa kanya! He was struck by curiosity that's why he chose to ask Riki pero bago paman niya isambit ang mga salita na dapat niyang itatanong ay nakita niya nalang na basta may dumaloy na munting luha sa pisngi ng babae at nang muling mag tama ang kanilang pangin ay basta yumuko ang babae at pasimpleng pinunasan ang luha nito. Ang nakita niyang 'yon ay lalo lang nakapagpa-isip sa kanya. Kararating niya galing sa mahabang biyahe at gusto niyang matulog at magpahinga pero bakit tila hindi siya makakatulog nito! Dahil ba sa babae? Interesado siya? What is it about that girl that interest him? May girlfriend na siya kaya bakit pa siya magkakainteres sa iba!
Damn, interaction!
Out of nowhere sinundan niya ng tingin ang papalayong babae. Naibalik lamang ang wisyo niya nang tapikin siya ni Riki.
“ Si Janessa 'yon, bagong anak-anakan ni Nanay.” Untag sa kanya ni Riki.
“Since when? Bakit hindi ko siya nakikita noon?”
“Simula no'ng ipadala ka ni Nanay sa Europe.”
Tumango-tango siya bago ibinalik ang paningin kay Riki. Inakbayan niya ito bago niyakag nang tumungo sa loob ng Mansion. May kuryisidad man siyang nararamdaman pero pinagsawalang bahala niya iyon. Masyado naman yata siyang nagpapa-apekto sa presensya ng Jnessa na 'yon! He needs to rest dahil baka bukas na bukas ay mapagpasyahan niyang bisitahin ng palihim ang kanyang girlfriend. May hindi sila pagkaka-intindihan ng kanyang girlfriend at nag dulot iyon ng pagkakalabuan nila kung kayat naisipan niyang tatapusin na lamang ang lahat. He does not deserve to be cheated because he is the only one who has the right to cheat. Yan palagi ang pinagyayabang niya sa kanyang mga kaibigan noon.
“Hijo,”
Bungad ng kanyang Mamita. Bumitaw siya ng pagkaka-akbay kay Riki at agad na niyakap ang matanda na naka-upo sa wheelchair. Hindi niya pinansin ang bulto ni Janessa na nasa likuran ng kanyang Mamita habang hawak-hawak nito ang wheelchair. Itinuon niya ang atensyon sa kanyang Mamita na nakangiti at naghihintay ng kanyang mainit na yakap.
“I missed you, Hijo. How's your trip?”
Bulong sa kanya ng kanyang Mamita habang nakayakap ito sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang maputing kamay ni Janessa na nakakapit sa hand holder ng wheelchair. Tila naaakit siyang hawakan iyon ngunit napigilan naman niya ang kanyang sarili at agad na binawi ang paningin.
“Magpapahinga lang po ako, La.”
Pamamaalam niya at hindi man lang tinugon ang tanong ng matanda sa kanya. Nilampasan niya ang bulto ni Janessa at hindi man lang tinapunan ng ni katiting na tingin. Why would he do that if he didn't know her? Pero bakit kakaiba ang tinginan niya sa mga daliri ng dalaga? Ang weird niya sa part na naaakit siya sa maputing balat nito ngunit wala naman siyang intensyon na kilalanin ito o' kaibiganin man lang.
Tsk!
“By the way Quinn, say hi to—”
“I know her, La. I'm going up,” suplado niyang putol sa sasabihin ng kanyang Mamita.
He knows Janessa? Well, siguro kanina nang sinabi ni Riki. Thanks to his friend dahil nakilala niya ito kahit hindi naman talaga!
Mabilis siyang umakyat dala ang kanyang back pack at duffle bag. Kanina pa naman dapat niya ginawa 'yan nang makarating siya pero dahil sa hindi malamang dahilan nagpunta agad siya sa likod ng kanilang Mansion kung saan naroon ang mga baboy na alaga ng kanyang kaibigan na si Riki. Alam niyang doon palagi tumatambay ang kanyang kaibigan kapag wala ito sa pantalan. He and Riki became friends since Riki adopted by his grandmother. Hindi bahay amponan ang kanilang Mansion ngunit dahil mabait na tao ang kanyang Mamita at bokal sa puso nito ang tumanggap ng panauhin na naliligaw ng landas kung kaya't nagagawa nitong umaruga ng mga taong walang kakayahan na tumayo sa sariling mga paa. At sa lagay na 'yon hinahangaan niya ang kanyang Mamita. Ang pamilya nila ang pinakamayaman sa Isla kung saan halos ang kabuunan ng Isla Verde ay sila ang nag mamay-ari. Hindi niya pinagmamayabang iyon dahil wala sa dugo nila ang pagiging mayabang.
By the way, he is Engineer Quinn Rush Salem. A well-known engineer inside and outside the country. A famous womanizer engineer back then. He just didn't know if he was still a womanizer until now. Siguro nawala na 'yon sa kanyang katawan simula nang ilang taon siyang nanirahan sa Europe kasama ang kanyang Daddy. Maybe. Marahil posible din. Bakita siya magpapakita na maging stick to one sa kanyang long time ldr girlfriend kung babaero parin siya!
Imposible sa iba lalo na sa mga kaibigan niya pero para sa kanya it's possible.
Padapa niyang ibinagsak ang kanyang sarili sa kanyang malapad at malambot na kama. Tila nasa alapaap siya habang dinadama ang kanyang malambot na kobre kama. Na-miss niya ang kuwarto niya. Na-miss niya ang klima ng Isla at higit sa lahat na-miss niya ang kabataan niya. But wich one? His current youth or the past?