Kanina pa dikit ang mga mata niya kakatitig kay Janessa na para bang yamot na yamot siya sa klase ng mga tinginan niya. Sa loob ng ilang oras na magkakasama sila ay wala siyang ginawa kundi ang palagi nalang magsalubong ang kanyang dalawang kilay habang nakatingin kay Riki at Janessa na naka-upo sa bench habang nag kukwentuhan while Kate is sitting silently beside him. Abala ito sa pagkakabit ng bracelet na binili kay Janessa.
“Babe.. Please help me to lock this bracelet,” malambing na pakiusap sa kanya ni Kate. Awtomatiko naman siyang bumaling kay Kate at ni-lock ang bracelet na nakasuot na ngayon palapulsuhan nito.
“Thank you,” mahinang pasalamat ni Kate sa kanya ngunit tipid niya lang itong nginitian.
Hindi niya alam kung bakit napapayag siya ni Kate na lumabas para gumala at makipag-double date gayong iba naman ang pakay niya! In the past few weeks na pananatili niya sa Isla may mga plano siyang dapat na aksyunan at gawin ngunit na naiwan iyon sa ere dahil sa isang ginawa niyang desisyun na hindi man lang pinag-isipan. Isa din sa purpose niya ang maagang pag-uwi dahil sisiguraduhin niyang tama ang mga hinala niya tungkol sa isang babae.
“Rik, can we talk?” Untag niya kay Riki na nakikipag-usap kay Janessa. Medyo salubong ang kilay niya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanya.
“Bakit, may problema ba?” Tugon ni Riki habang naglalakad sila patungo sa isang bench. Kasalukuyan silang nasa isang resort kung saan siya ang may-ari niyon na malimit din nilang puntahan ng mga kaibigan niyang nasa Maynila.
“Why didn't you tell me that girl was Kate's friend?” Seryoso at medyo masungit niyang saad kay Riki. Naitaas naman ni Riki ang isang kilay nito dahil sa sinabi niyang medyo nag papanting ng tainga ni Riki. That girl? He was referring to Janessa. Bakit? Anong meron kay Janessa na dapat niyang ikasungit? Is she a bad influence to his girlfriend that sooner or later ay magiging ex-girlfriend na niya! Ngumuso si Riki habang prenti itong nakapamulsa at deritso ang tingin kay Janessa na masayang nakikitawa kay Kate.
“Bakit? Importante pa ba 'yon? Si Kate lang naman ang palagi at dapat na ibalita ko sa'yo, ah.” Diretsong sagot sa kanya ni Riki. Naningkit ang kanyang mga mata habang nakayuko siya at sinisipa-sipa ng kanyang paa ang mga buhangin. Ano nga ba ang pinupunto niya? Ano naman kung kaibigan ng syota niya ang babaeng hindi niya alam kung kinagagalitan niya nga ba! “Are you interested to her? Segunda ni Riki dahilan para tingnan niya ito ng may pagtataka.
“No!? What is it about that girl that I need to be interested in?”
“Ano nga ba? Bakit gano'n nalang lagi ang yamot mo kapag nakikita siya kahit alam mo naman na wala siyang ginagawang mali na dapat mong ikayamot. Enemies to lover ba ang pakay mo?” Sunod-sunod na litanya ni Riki. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Dala ng kayamutan mabilis niyang nahawakan ang laylayan ng damit ni Riki sa leeg bago hinila iyon pataas at tila nag hahamong ng away. He is mad! But why? Sino may dahil? Gayong wala namang masama sa sinabi ng kanyang kaibigan and for the first time since they are friends for almost a decade ngayon niya nalang nagawa ang ganitong bagay kay Riki! Damn! He never used to be like that but look at him now, he is like a lunatic bastard!
“Huy! Ano, ba!? Bitawan mo nga si Riki! Papatayin mo ba siya?” Malakas na awat ni Janessa sa kanya habang tinapik-tapik nito ang kanyang kamay na maigting nang inaangat sa ere ang laylayan ng damit ni Riki sa leeg. Awtomatiko siyang nahimasmasan nang makita ang mangiyak-ngiyak na mga mata ni Janessa and it makes his soul melted. Agad niyang nabitawan ang damit ni Riki saka sumipa sa mga buhangin na para bang hindi makapaniwala sa kanyang ginawa.
“Ano ba kasi ang nangyari? Ba't ba kayo tahimik na nag papandalihan?!”
Rinig na rinig niya kung paano nanggagalaite si Janessa sa pag usisa sa kanyang kaibigan at hindi niya kaya na hindi tingnan ang mga ito pero agad naman niyang naibaling ang kanyang paningin nang tingnan siya ng nakakamatay na tingin ni Janessa. He felt sorry but he didn't have the courage to ask for forgiveness because he thought that Riki might not accept it. Hinanap ng mga mata niya si Kate ngunit hindi niya nakita kaya tahimik siyang nagtungo sa cottage kung saan naroroon ang mga pagkain at mga inumin na nakalatag sa lamesa. Kailangan niya ng pampakalma kaya beer at alak ang hahanapin niya!
Alas singko na ng hapon at kitang-kita niya kung paano unti-unting lumulubog ang araw sa kaduluduluhan ng dagat. Mag isa parin siyang nakaungkot sa cottage habang kaharap ang mga beer at alak. Nagbabakasakali siyang sabayan siya ni Riki sa kanyang pag-iinom pero bigo siya dahil si Riki ay mag-isa ding naka-upo sa buhangin na malayo sa cottage na inuukupa niya. Tahimik lang din itong nakatingin sa malayuan. Nilagok niya ang natitirang beer na nasa lata at napangiwi siya dahil sa latak na mapait na nalalasahan. Pagkalapag niya ng lata ng beer sa lamesa naisandal niya ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang inuupuang kawayan nang makita niyang papasok si Janessa sa cottage kung saan naroon siya. He is speechless when he saw Janessa. Para siyang nawalan ng dila ng tingnan siya nito ng masakit. Nasan na ang tapang niya? Saan napapunta? Sinundan niya ng tingin ang bawat kinukuha ni Janessa at doon naka-imik siya ng makita niyang kumuha ito ng dalawang lata ng beer.
“It's bad to your health,” tipid niyang sermon.
“Pakialam mo ba?” Supladang asik ni Janessa sa kanya. Itinaas niya parehas ang kanyang paa sa upuan kung saan halos pumantay na sa mukha niya ang mapuputing tuhod niya bago naisipang tugunan ang pagsisinuplada nito sa kanya.
“Hindi ko alam na ganyan ka pala ka suplada.”
“Hindi ko rin alam na ganyan ka pala ka bastardo.” Pilosopong saad ni Janessa bago siya tinalikuran. Naiiling nalang niya ang kanyang ulo at pilyong ngumisi na parang loko. Hindi niya alam kung natutuwa ba siya na makita na palaging nanggagalaite sa galit sa kanya si Janessa.
“Suplada...” Sambit niya bago inisang lagok ulit ang beer na bagong bukas.