My Guardian Devil
AiTenshi
October 13, 2020
Part 3: Ang Simula ng Misyon
Isang linggo ang lumipas at dumating ang araw ng aking bagong assignment sa bitang nag-nangangalang Yul. Sa mga nag daang araw ay hindi ko pa rin malimutan yung pangitain ko noong nakaraang linggo. Halos gabi gabi ko itong naaalala. Ang kilabot at ang takot ay nandoon pa rin bagamat hindi naman talaga dapat ako makaramdam ng ganito. Ewan, ngunit sa tuwing pumipikit ako ay nakikita ko yung pag ulan ng mga nag liliyab na balahibo sa ere at yung kalangitan ay sobrang pula na animo may nagaganap na digmaan ibabaw ng mga ulap nito. Basta mahirap ipaliwanag kahit ako mismong naka saksi ay naguguluhan rin.
"O edi huwag mo na isipin kung naguguluhan ka dahil mahirap mabuang noh. Yung tipong demonyo ka na nga tapos buang ka pa? Double kill iyon kaya you better stop thinking," ang wika ni Santi na parang sobrang init ng ulo.
"Ang init yata ng ulo mo Santi? Ayos ka lang ba? Ano nga palang nangyari sa bagets na binabantayan mo?"
"Edi ayun naabot na niya ang langit!" ang sagot nito habang naka guso.
"Naabot ang langit? Ang ibig sabihin ay doon siya umakyat? Nabigo ka?" tanong ko naman na may halong pag kagulat.
"Kasi ganito ang nangyari, nag times up ang metro ng buhay ng lolo mo, edi bago siya matsugi ay sinigurado kong lamang yung metro ni bad deeds doon sa banga. So after two minutes na tegi na nga siya, tapos ay may iniwan pala itong diary na nakalagay doon ang pag hingi niya ng tawad sa parents niya at sa mga taong nasaktan niya. Mega cry naman ang lahat habang binabasa yung diary sa buong angkan. Ang ending ay tumaas yung good deeds ng 10% at natalo yung mga ginagawa ko, eh hindi ko naman alam na may bearing pala yung letter noh, kaya ikaw kung may diary yang si papa Yul ay sunugin mo na agad para makatiyak kang mag wawagi. Nakipag hilahan pa nga ako doon sa kaluluwa niya pero talagang malakas ang pwersa ng nasa itaas kaya wala rin akong nagawa," ang tugon niya habang naka guso.
"O, edi sana kumuha ka nalang ulit ng bagong babantayan tutal naman ay tapos na ang kontrata mo doon sa isa," mungkahi ko naman habang nakangiti.
"Kaya nga mainit ang ulo ko ay dahil galing na ako kay Boss Lu at binigyan nanaman ako ng matanda, nakakasawa na, kundi bata ay sobrang thunder bird naman. Hindi man lang ako matapat sa isang gwapo at yummy na lalaki may tirik na tirik na ari kapag nagagalit ito," ang pag mamaktol nito na may halong pang-gigigil.
"Oy pareng Santi gusto mo palit nalang tayo? Eto yung babantayan ko isang sexy magandang babae," ang wika ni number 100 habang humahabol sa amin.
"Ayoko nga niyan, laki laki ng s**o niyan e, baka mag dilim pa ang paningin ko at ako na mismo ang sumaksak ng tinidor sa dibdib niyan," ang sagot nito na may halong inggit. "Oy ikaw number 100 ha, isang kudlit na pag kakamali mo lang ligwak ang aabutin mo. Kaya huwag kang sasablay kasi yari kang bata ka," ang dagdag pa nito.
"Kaya nga, kapag ginalingan ko naman at napromote ang ranggo ko ay tiyak na alin lang sa
inyong dalawa ni Devon ang maliligwak. Diba 98 at 99 kayo? Kaya nag dedelikado kayo sa akin!" ang sagot nito.
"Aba nanakot pa to. Eh kung barilin na kaya kita right here, right now, yeah yeah, yeah yeah!" tanong ni Santi samantalang ako naman ay tawa lang ng tawa. "Kayo naman hindi na kayo mabiro, basta galingan nalang natin para walang maligwak sa atin, right?" tanong niya.
"Right! Kaya galingan natin! Walang lugar sa pag kakamali," ang sagot ni Santi sabay hila sa akin palayo kay number 100. "Bakit nag aapura ka?" tanong ko.
"Huwag tayong masyadong dumidikit dyan kay 100 dahil may balat sa pwet iyan at may sumpa ito. Malas iyang lalaki na iyan," ang bulong nito.
Pumasok kaming dalawa sa tirahan niya (Santi) at tinulungan ko siyang mag ayos ng gamit. Tuloy tuloy kasi ang kanyang duty dahil maagang natapos yung dati at kapos ito sa oras kaya kinabukasan ay ipag papatuloy niya ang kanyang misyon. "Sure ka ba talaga na ayaw mong makipagpalit sa akin? Hindi naman na batang makulit ang babantayan ko ngayon e," ang hirit nito at hindi pa rin sumusuko sa kanyang nais na makipag palit.
"Eh bakit sino ba yang babantayan mo?"tanong ko naman may halong pagtataka.
"Eto eh, isang negosyanteng biyudo na may dalawang anak," ang pagmamaktol nito nakanguso nanaman na animo isang susong kuhol. "Oh ayun naman pala eh,anong problema doon?"nagtataka kong tanong, batay sa larawan ay mukhang bwiset naman yung lalaki at maloko sa kanyang ngiti.
"Ayun na nga, dating Pari ang lolo mo edi ayun mahihirapan ako, baka maya maya holy water pa ang pinapaligo nitong gagong to noh. Ano kaba fwend isang pagkakamali ko nalang ay spluk na ang beauty ko sa pagiging guardian. Hello pang 99 kaya ako at isang ututan nalang waley na ang ganda ko, kumbaga sa tae say sampiyad nalang ako sa bowl. Paano nalang yung pangarap kong maging isang star ng pasko ngayong taon?"
"Matagal pa namang mag pasko dahil Oktubre palang, dadaan pa yung Undas, saka bakit pasko? Eh kapanganakan ng boss sa itaas iyon gusto mo bang masunog?" tanong ko naman.
"Figure of speech lang naman iyon, alam mo nung nabubuhay pa kami doon sa ibabaw ng lupa, kaming mag kakabarkada ay nag papasiklaban para maging isang star ng pasko. Ang ibig sabihin ay sikat ka, center of attraction, windra ang ganda mo sa lahat ng aspeto ng buhay. Kaya't maraming naghahangad na maging star nga pasko!" ang wika nito habang inaalala ang kanyang nakaraan.
"Wow, sana all nakaka-alala pa ng past, ako kasi wala na e, wala na akong matandaan," wika ko naman.
"Actually, wala na rin akong matandaan, yung mga naalala ko ay isinusulat ko para hindi ko makalimutan. Diba nabanggit ko sa iyo na dati akong writer sa Wuttybook kaya't bago ko makalimutan ang lahat ay itinala ko na yung mga naalala ko para pag dumating ang time na mag-zero memory na ako ay mayroon akong mababalikan," ang nakangiting sagot niya na sana ay ginaya ko rin para kahit papaano ay mayroon din akong maalala kahit kaunti lang.
Natahimik ako at napatitig sa sahig.
"O bakit ka natahimik?" tanong niya.
"Hindi ako nakapagsulat ng nakaraan ko kaya wala na akong maalalang kahit ano," ang malungkot kong salita.
"Alam mo minsan maganda rin yung wala kang maalala kahit ano sa nakaraan mo, lahat naman tayo dito ay nag commit na malaking pag kakamali maswerte ka at hindi mo na naalala yung kasalanang ginawa mo kaya nandito ka ngayon. Iyon ang paulit ulit kong kinakalimutan pero parang multo pa rin itong naka sunod sa akin," ang wika niya sabay tapik sa aking balikat. "Saka huwag kana nga malungkot dahil mawawala ang kagwapuhan mo," dagdag pa niya habang nakangiti.
Maya maya ay siya naman ay tumalikod at saka umiyak, "bakit ikaw naman ang nag-iinarte ngayon?" tanong ko rin.
"Nag w-worry lang ako, sagad to the bones ang pangamba ko na baka hindi na ako maging ng pasko at sumablay ako dito sa biyudo na ito," ang wika niya na may matamlay na mata.
"Hindi ka sasablay, huwag mong isipan iyon. Kayakailangan ay galingan mo ang pagiging B.I. sa matandang hukluban na iyan para maging star ka ng pasko at maabot mo ang lipad ng iyong pangarap.Ohpaano tinatawag na ako sa taas. Baka trapik nananaman doon sa lagusan sa dami ng mga Guardian na umuuwi at umaalis. Bukas ka pa naman mag du-duty diba? Relax ka lang dito at magkita tayo sa itaas, ang ibig kong sabihin ay ibabaw ng lupa. So paano text text nalang! Sisimulan ko na ang work ko doon kay Yul. See you around," ang wika ko habang naka ngiti.
"Teka frend ano yung B.I.?"ang tanong nito habang hinahabol ako.
"Edi Bad Influence bobang to! Ang slow mo naman! Bye!" ang sagot ko pa.
"Tse! Goodbye! Parting is such a sweet sorrow! Goodbye!!" ang wika nito na parang si Juliet."Diyan kana sumakay sa bagong upgraded na Devil's Train, mas comfortable, mas convinient at mas peaceful ang byahe," ang pag habol pa niya.
"Hala, may tama na talaga tong si Santi. At mabuti naman dahil may tren na palang dumaraan dito hindi na ako mapapagod sumakay hanggang dun sa duluhan ng siyudad,"ang bulong ko sa aking sarili sabay sakay sa tren patungo sa lagusan o portal patungo sa mundo ng mga mortal. "Station 6?" tanong ng mama sa bungad.
"Ano yun? Wala naman ganito dati ah," ang tugon ko naman.
"Iba na nga ngayon bata, mayroon na tayong stop over na station 1 to 6. Mayroon tayong anim na portal na dadaraanan. Ang station 1 ay ang portal patungo sa probinsiya doon sa ibabaw ng lupa. Ang station 2 naman ay sa mga kabundukan, station 3 sa mga karagatan, station 4 sa kagubatan, 5 sa siyudad at 6 naman ay sa mga dating station na babaan at datingan ng mga pasahero. Ito ay panukala ng bagong management para hindi na nahihirapan ang mga biyahero, medyo may dagdag lang sa bayad pero sulit naman. Saang station ka hijo?" tanong niya sa akin.
"Ah e, dito sa siyudad. Station 5 yata ito," ang sagot ko naman habang naka tingin sa address ni Yul.
"Dito ang patungo sa station 5 halika sumunod ka sa akin," ang wika ng lalaking assistant at sinamahan niya ako sa isang upuan sa tren na may kakaibang anyo. "Upo kana dito hijo, relax ka lang ha," ang dagdag pa nito.
Wala naman akong nagawa kundi ang umupo nga sa natural bakal na silya. "Kapit kang mabuti," ang wika ng mama, nagtataka ako kung kailangan kong kumapit e banayad naman ang takbo ng tren dahil naka levitation ito.
"O hijo kumapit kang mabuti," ang wika pa niya ulit. "Eh bakit po ba kailangan ko pangkumapit?" pag tataka ko.
Ngumiti siya at nag wika "Station 5, Going to the city. Right away!" ang parang announcer na boses niya sabay pindot sa buton sa kanyang tabi.
Nag liwanag ang bangkuan kung saan ako naka upo, nagbukas ang bubong ng tren at dito parang isang rocket na sumibat ang aking inuupuan patungo sa itaas.
Nagsisigaw dahil sa matinding pagkabigla, ngayon ko lang naexperience ang ganitong uri ng pag bbyahe! Napaka sinungaling ng tren na iyon! Ang sabi nila ay komportable ng byahe ang offer nila pero bakit ganito! "Mamamatay na yata ako! Oo nga pala matagal na pala akong patay! Double dead nalang!!!" ang sigaw ko habang sumisibat sa ere.
Nag tuloy tuloy ang pag sibat bakal na upuan paakyat sa ere hanggang sa makarating ako sa isang kulay pulang portal, agad akong hinigop nito patungo sa loob. "Walanghiya ka Santi! Sabi mo convinient at comfortable!! Hayup!!" ang sigaw ko habang paikot ikot na nilalamon ng portal.
(Nabahing si Santi habang nag aayos ng gamit. Suminga pa ito sa kanyang kumot.)
Pag lusot ko sa kabila ay parang kometang bumulusok ang silyang aking kinalalagyan pababa sa lupa at lumikha ito ng malaking butas. Mabuti na lamang at walang tao sa paligid kaya't walang nakapansin ng pangyayari. Kung sa bagay ay wala naman talagang makaka kita sa akin dahil imbisibol ako at hindi nakikita ng ordinaryong mata.
Umuusok ang silya, nagkadurog-durog ito at sumabog. Samantalang ako naman ay maitim na maitim ang mukha at puro alikabok na dami ng lupang at makapal na usok na bumalot sa akin. Wala akong nagawa kundi ang umubo hanggang umaakyat paitaas mula sa nahukay na lupa.
Ang mahal ng bayad ng walang hiyang Devil's Train na iyon pero papatayin naman ako sa nerbyos. Pero mabilis nga ang byahe dahil wala pang kalahating oras ay nandito na agad ako. Hindi katulad dati na tumatagal ng 6 hours ang pag bbyahe patungo sa istasyon na mag dadala sa amin sa portal paakyat sa mundo ng mga mortal. Mula doon ay pipili ka pa at aabutin ng karagdagang 4 na oras na nakatayo.
Pag tapak ko sementadong lupa ay bumulaga na agad sa akin ang maingay na paligid, hindi naman ako sanay sa ganitong kagulong mundo dahil ang pag kakatanda ko ay probinsiyano ako noon bagamat talagang burado na ito sa aking isipan.
Matao sa paligid, nakakahilo, kanya kanya sila ang agenda sa buhay. Ang pinagtataka ko lamang ay nakikita ko sa masters list ni Kamatayan ang bilang ng taong natetegi sa bawat pero parang hindi naman sila nababawasan at parang parami pa ng parami habang tumatagal. Crowded as always!
Agad kong hinanap ang address ni Yul, siyempre ay walang budget ang lolo niyo kaya lakad nalang ako kasabay ng mga tao sa paligid bagamat hindi naman nila ako nakikita o nararamdaman. Sige Devon, lakad lang, tang ina naman may pa tae sa daan, sige iwas lang, o may lubak pa, sige lunda lang! Grabe ang hirap ng trabaho ko tapos ang usok pa dito sa Edsa ang daming jeep ang ingay ingay,hinihikain ako sa tindi ng polusyon buti nalang ay may dala akong face mask.
Doon sa amin sa Impiyerno ay mas organize pa, kung pag kukumparahin ang mundo namin sa mundo ng mga mortal na ito ay baka mas pagkalaman pang impyerno ang mundong ito kaysa doon sa amin. Mula dito sa aking kinatatayuan ay makikita mo rin ang isang malaking billboard ng isang brand ng damit kung saan naroon ang mukha ni Yul na naka suot ng sando habang naka taas ang kamay sa batok na halos ibinuyangyang kanyang kili kili sa buong bansa.
Halos ilang oras din akong naglalakad ng matagpuan ko ang lugar ng taong babantayan ko at iimpluwensyahan ng kasamaan."Infairness ang laki ng bahay nya, mansion at puro salamin pa. Mayaman nga talaga ang Mr. Perfect na ito," ang sabi ko sabay akyat sa malaking gate sa harap. Para akong akyat bahay noong mga oras na iyon,natural naman nakasara ang gate kaya umakyat nalang ako kesa abutin ako ng umaga dito.
Pumasok ako saloob hawak ang aking scepter na may apat na tulis sa dulo.At buong poise akong lumakad sa gilid ng swimming pool sa loob ng magarbong hardin nila. Magandang bakasyon dito, kung kasama ko si Santi ay tiyak mag e-enjoy kami ng husto.
Habang nasa ganoong pag lalakad ako ay biglang may umahon na isang matangkad na lalaki sa swimming pool. Nakasuot ito ng swimming trunks na hapit na hapit ,maganda ang hubog ng katawan,walang kataba taba ang tiyan at may bakas ng malapandesal na tinapay dito. Bagamat madilim ang paligid, kitang kita mo pa rin ang maputi at makinis na katawan nito. Sa palagay ko ay nasa 5'11 ang taas niya at napaka gwapo kung iyong pag mamasdan, kung sa bagay ay isa siyang modelo kaya't ganito ka perfect.
Lumapit pa siya sa akin..
Nakaka demonyong kagwapuhan ang tumambad sa aking harapan, kulay itim ang kanyang buhok, maamo ang mukha na parang hindi gagawa ng masama, matangos ang ilong at maganda ang hugis ng mga labi at parang may bote ng C2 sa loob ng trunks.
"Abah,gwapo ah,"ang bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ito. Bagamat hindi naman niya ako nakikita kaya malakas ang loob kong pagmasdan siya.
Tahimik..
Nag bitiw ako ng isang malalim na buntong hininga.
Dito mag sisimula ang aking misyon, at si Yul ang lalaking babago sa takbo ng aking kapalaran bilang isang Guardian.
Itutuloy.