Part 2: Supremo de Guardine

2704 Words
My Guardian Devil AiTenshi   Part 2: Supremo de Guardine   "Kailan daw mag-sstart yung bagong assignment mo?" tanong sa akin ni Santi habang kumakain.   "Next week pa, may time pa ako para mag-relax. Ikaw kumusta yung assignment mo?" tanong ko rin sa kanya.   "Okay naman, gusto mo palit nalang tayo? Kasi ayoko talaga ng makulit na bata e, pakita nga sa iyo?" ang alok niya sabay kuha ng papel ng sa akin tabi at binasa niya ito.   Tahimik.   Maya maya ay nanlaki ang mata niya, "I know him! Siya yung gwapong lalaki doon sa billboard sa siyudad. I mean, doon sa ibabaw ng lupa. Siya si Yul at mayroong marangyang pamumuhay at super yummy. E, pero bakit siya?" pagtataka nito.   "Hindi ko alam, siguro dahil wala siyang masyadong ginagawang kasalanan kaya kailangan ay hilahin siya sa hell. Saka sabi ni Boss Lu ay gusto siyang gawing guardian nito kaya kapag namatay itong si Yul dapat ay bababa siya sa ilalim ng lupa at hindi doon aakyat sa itaas," ang tugon ko sabay kuha ulit ng papel.   Naka ngiti lang sa akin si Santi at nanatili ito sa ganoong posisyon ng ilang sandali. "Oh, bakit ganyan kang maka tingin? Pagnaka ngiti ka ng ganyan ay parang mayroon kang kalokohang iniisip," ang tanong ko sa kanya.   "Friend ilang years na nga ba tayong mag kaibigan?" tanong nito sa akin. "Ewan, matagal tagal na rin mag buhat noong mamatay ako sa ibabaw ng lupa. Bakit ganyan ang tanong mo?" pagtataka ko naman.   "Dahil close naman tayo at nagmamahalan tayo na parang tunay na magkapatid, gusto mo bang mag-swap nalang tayo ng assignment? Akin nalang si papa Yul, please?"   "Bakit naman? Hindi ka ba masaya at nag-eenjoy doon sa bagets na hawak mo? Mas madaling pasunurin ang mga bata," ang pagtataka ko.   "Wala kang idea kung gaano ko ka crush si papa Yul, gusto ko siyang panoorin habang naliligo, habang nag titikol sa loob ng banyo niya. Gusto ko siyang maging boyfriend," ang hirit nito dahilan para matawa ako. "Sabi na nga ba may maitim kang binabalak. Dati kapag ako ang nakikipagpalit sa iyo ay ayaw mo," kantiyaw ko sa kanya.   "Paano naman kaso puro matatandang gurang ang hawak mo noon, iba ngayon dahil si papa Yul ito, please naman pumayag kana Devon!"   "Hindi pwede, pagnalaman ni Boss Lu ito ay pareho tayong malalagot. Nagdedelikado na ako kaya tiyak na isang pagkakamali ko nalang ay baka mawala na ako sa Top 100. Paano nalang yung pangarap kong makatrabaho sina Xadre at Clement?" tanong ko.   "Xander Del Viuri at Clement La Vous? Sure ka Devon? Huwaw ha, super taas ng dream mo. From 98 to Top 2 agad? Mahirap nang abutin si Xandre, Clement at Nicolo saka yung iba pang nasa top 10. Lahat sila ay member ng Supremo de Guardine o yung matataas na Guardian. Sila ay nagtataglay na ng malalakas na kapangyarihan ka lebel ng Diyos. Basta mahirap silang maabot, suntok sa buwan iyon Devon. Kung sasabihin mo sa akin na si number 75 o si number 65 ang gusto mong talunin, suportanan kita! Itumba na natin sila ngayon. Pero sina Nicolo? Anak ka ni Satanas! Hindi natin kaya!" ang nalolokang wika ni Santi.   "Wala naman akong balak maabot yang Supremo de ano na iyan. Okay na sa akin yung makasama sa work sina Xandre at Clement."   "Supremo de Guardine! Basta ang masasabi ko lang ay ingatan mo ang lipad ng pangarap. Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay. Kam'tin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal. Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay!" ang hirit niya.   "Hindi ka kaya kumanta? So ang ibig mong sabihin sobrang lalakas na ng nasa Supremo de Guardine na iyan?" tanong ko ulit.   "True, alam dito sa mundong ginagalawan natin ay mayroon talagang mga nilalang na malalakas at nagtataglay ng walang kapantay na talento. Basta long road pa ang tatahakin natin kaya huwag na natin silang pag-usapan dahil maloloka loka lang tayong dalawa. Mag-focus tayo sa mga assignment natin at gawin natin ang ating best!" ang wika ni Santi sabay taas sa kanyang inumin.   "Para sa tagumpay, cheers!" ang wika nito.   "Cheers! Para sa tagumpay natin," ang sagot ko naman habang nakangiti.   Habang nasa ganoong pag inom kami ay dumating si Boss Lu at saka tumabi sa aming dalawa ni Santi, "mukhang seryosong usapan ninyo ah."   "Paano itong si Devon kung ano anong sinasabi sa akin," hirit ni Santi.   "Sinasabi katulad ng?" tanong ni Boss Lu.   Nangiti si Santi sabay bulong sa aming Boss. "Aahh sshhh aasshhhh."   Maya maya ay nag tinginan sila at parehong humagalpak ng katatawan na umagaw sa atensiyon ng mgw nasa kainan. Ako naman ay kapakunot noo dahil alam kong ako yung pinag tatawanan nila ng harapan.   Tapos ang nakakapikon pa ay muli nanamang bumulong si Santi at sabay nanaman silang tumawa ng malakas. Halos parehong nakahawak sa kanilang tiyan dahil sumasakit na ito. Sa kabila ng pag hagalpak nila ay ang kakaibang inis na aking naramdaman sa kanilang pag-titrip. "Seryoso ka Devon? Sa sobrang taas ng pangarap mo ay baka naman lumagpas pa iyan sa kaharian ng kalangitan," ang pang-aasar ni Boss Lu.   "Mga pashnea! Lalo na ikaw Santi! Hindi na ako makikipag-swap ng assignment sa iyo!" ang galit kong sagot sabay hampas ng tinapay na may palamang hotdog sa kanyang ulo.   "Ito naman, binibiro ka lang naman namin, anyway suportado namin ni Boss Lu kung anuman iyang trip mo sa buhay. Nasa likod mo lang kami, promise iyan!" ang sagot ni Santi sabay dampot sa nahulog na hotdog sa lamesa at saka ito kinain ng buo.   "Aba, deepthroat! Wala akong idea na iyan pala ang talent mo Santi. Bukod sa pagiging pasaway ay magaling ka rin palang kumain ng hotdog na buong buo, walang sabit at walang hingahan," ang papuri ni Boss.   "Mas magaling ako kung hotdog na buhay! Kaya nga sinasabi ko dito kay Devon na palit kami ng assignment dahil hindi ko deserve magbantay ng uhuging bata na umuutot kada isang oras! Di bale sana kung purong utot lang e kung minsan may tae pang kasama, to think na 10 years old na iyon ha. Awwrk! Hanggang ngayon ay naduduwal pa rin ako!" ang reklamo ni Santi.   "Alam mo yung batang binabantayan mo? Hanggang 12 years old nalang ang itatagal non. Mamatay iyon sa katakawan dahil pati sirang pagkain sa kusina ay kakainin niya. Kaya nga make sure na dito sa atin mapupunta iyon dahil pwede ko siyang gawing Little Devil," ang wika ni Boss Lu.   "Wala kang idea kung gaano ako naboboring sa kanya. Yung batang iyon? Malapit ko na siyang ituhog sa kawayan at gawing lechon. Nakaka-highblood talaga!" ang reklamo ni Santi   Tawanan kami.   "Ano kaya ang ginagawa ng mga members na Supremo ngayon?" tanong ko naman habang nakatanaw sa malaking gusali sa di kalayuan.   "Walang ginawa ang mga supremo kundi ang mag meeting. Ang totoo noon ay hindi ko pa rin nakikita ang iba sa kanila dahil may kaniya kaniya silang mga personalidad. Katulad ni Nicolo na nasa Rank 3, ang ugali nito ay hindi maunawaan dahil tuso ito at hindi raw mapagkakatiwalaan kahit ang mga kasamahan ay tinatalo. Si Clement naman ay tahimik lang at madalang kumibo, kapag kinausap mo ito ay tingin lamang ang isasagot sa iyo. Wala na akong ideya sa iba pa, yung dalawa lamang na iyon ang nakaharap ko noong mag karoong ng pag pupulong sa gusali ng Guardine," ang paliwanag ni Boss Lu.   "Yung kapangyarihan nila? Anong mayroon sa kanila?" tanong ko naman na manghang mangha. "Hoy Devon, sobrang fanatic na iyang dating mo ha. Kinabog mo pa yung fanboy sa f*******:,” hirit ni Santi.   "Si Clement ay tumutugtog ng violin, sinasabi ang musika nito ay tumatawag ng mga masasamang elemento at pag narinig mo ang musika ng kamatayan ay kusa ka nalang mabubura sa mundo. Pero ang pinakamalakas daw talaga kay Clement ay ang kanyang utak kaya kahit si Xamdre ay hirap na labanan ito.   Si Nicolo naman ay nagtataglay daw ng mainit na hininga, hindi literal ang ibig kong sabihin, maaaring bumubuga siya bolang apoy o mainit na enerhiya sa bibig kaya't ganoon ang pag lalarawan sa kanya. At siya ay dating hari ng mga manlikmot,” Si Xandre naman ay sinasabing dati daw itong anghel na tumiwalag sa itaas kaya tanglay rin niya ang kapangyarihan ng liwanag. Pero ang mga ito ay wala akong patunay, naririnig ko lamang rin at wala akong alam sa kanila," paliwanag ni Boss.   "Boss Lu, hindi bat ikaw ang may hawak sa mga Guardian? Edi ikaw rin ang nag-recruit sa kanila?" tanong ko.   "Hindi ko na hawak ang Supremo de Guardine, may sarili na silang desisyon. Ang may hawak sa kanila ang kaataas taasang pinuno mismo. Ang hawak ko lang ay ang mga mababang ranggo na parating sumasablay sa kanila ako naka focus katulad niyo ni Santi, kayong dalawa ay nanganganib nang mawala sa Guardian. So paano good luck nalang sa inyong dalawa at please lang, parang awa niyo na, kahit ngayon lang ay huwag niyo na ako bigyan ng sakit na ulo," ang pakiusap ni Boss sabay kumpas sa kanyang kamay ay kusa nalang itong nawala sa aming tabi. "Ang sama at ang mean ni boss no? Biruin mo ay isinama ka niya sa mga weaklings, sa inyo daw siya nag f-focus," wika ni Santi.   "Sira, kasama ka rin kayang nai-mention hano. Ang sabi niya ay "si Santi ang pinakamahina at pasaway sa lahat!" Kaya nga naka focus sa iyo si Boss!" ang hirit ko habang natatawa.   "Parang hindi naman yata ganoon ang pag kakarinig ko," pag tataka niya habang naka kunot noong naka tingin sa akin.   Ilang oras rin kaming nakatambay ni Santi sa kainan bago ko maisipang umuwi at mag handa para aking assignment. First time kong maa-assign sa isang binata, kasi kadalasan puro bagets na malilikot at walang kasing pasaway ang napupunta sa akin, nakakapagod dahil takbo ako ng takbo, suot dito at suot doon ang  laging ginagawa. Feeling ko tuloy isa akong yaya .Isang malaking "Amf" talaga yun para sa akin, gayon pa man ay nagagawa ko naman ng maayos ang aking misyon at natatapos agad ito.   Paano ba natatapos ang isang misyon o kontrata sa pagitan ng Guardian at ng kanyang iniimpluwensiyahan?   Ang mga pinipiling mortal para padalhan ng Guardian ay yung mga takdang mamatay o yung may mga taning na ang buhay at nakalista na ito sa schedule ni kamatayan. Ang target lang naman kasi ng isang Guardian Devil ay ang pagawain ng masama ang mortal habang siya ay may oras pa, kailangan ay madagdagan ang kasalanan ng mga ito para kapag sila ay namatay ay otomatikong kakainin ng lupa ang kanilang kaluluwa. Pero depende pa rin iyon sa sitwasyon dahil kung minsan ay kahit gaano kasama ang mga nagawa nito ay KUNG mas matimbang pa rin ang kanyang mga kabutihang ginawa sa kanyang buong buhay ay sa itaas pa rin ang bagsak niya.   Kung ang isang mortal naman ay gumagawa ng kabutihan at gumagawa rin ng kasamaan sa kanyang buong buhay at mag hihilaan ang metro ng kanyang kaluluwa at kung ano ang mas matimbang ay doon siya babagsak.   Katulad na lamang noong nakaraang binatilyo na binantayan ko. Sa 15 years ng kanyang buhay ay gumagawa siya ng kabutihan bilang isang mabuting kaklase at kaibigan pero taglay niya ang maitim na sikretong pag nanakaw, pamboboso at pag nanasa sa katawan ng kanyang mga kaklase g babae. Sa katapusan ng kanyang buhay ay umakyat pa rin sa itaas ang kanyang kaluluwa dahil mas mataas ng 15% ang kanyang kabutihang nagawa.   Pero kung ang isang mortal ay nakagawa ng matinding kasalanan katulad ng pagpatay ng dalawa o higit pa ay otomatikong bababa ang timbang kanyang kabutihang ginawa at mapapalitan ito ng kasamaan. Kaya ang ending ay sa Impyerno agad ang bagsak mo, walang usap usap at walang pag tatalong magaganap.   Ang kontrata sa pagitan ng Guardian Devil at ng mortal ay otomatikong mag tatapos kapag ang mortal ay mamatay na. Ang kontrata sa pagitan nilang dalawa ay kusang masusunog at maaari nang bumalik ang guardian sa impiyerno para mag hintay ulit ng panibagong mortal na kanyang hihikayatin para gumawa ng masama.   Ito ang patunay na ang balanse ng mundo ay patuloy pa rin. May kabutihan, may kasamaan. Ang liwanag ay katumbas na kadiliman. Ang araw ay may kasamang gabi. Kaya sa huli ng iyong paglalakbay ay ikaw pa rin ang bahala kung saan ka papanig. Maaaring ito ay by choice o maaari ring tawag ng pag kakataon.   Matapos kong mag ayos ng aking mga gagamitin ay nag tungo ako sa labas ng aking tirahan at pinag masdan ko ang tahimik na kapaligiran. Ni hindi ko malaman kung gabi na ba o madaling araw lamang dahil ang kulay ng kalangitan ay puro asul, malamlam ito at walang mga bituin. Noong mga sandaling iyon ay pilit kong inaalala ang aking nakaraan, kung sino ba ako o kung anong klase tao ako noong ako ay nabubuhay. Pero ang lahat ay malabo na, kahit ang imahe ng aking ina o ama sa aking isipan ay halos nag laho na rin. Basta ang alam ko lang ay may isang kaganapang bumago sa aking buhay, ito yung gabing binalot ng dugo ang aking mga kamay. May pag kakataon ring nalulungkot ako dahil pilit kong binabalikan ang ala-ala ng kahapon ngunit sa bandang huli ay sumasakit lamang ang aking ulo. Sa mga sandaling binabalot ako ng lungkot ang tanging ginagawa ko lamang ay humarap sa salamin at pag masdan ang aking sarili. Kawangis ako ng aking ina at ganito rin ang kanyang anyo sa akin. Kawangis rin ako ng aking ama kaya't marahil ay ganito rin ang kanyang anyo. Pagkatapos kong titigan ang aking sarili ay ngingiti ako bagamat may luha sa aking mga mata.   Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, dito ay nahiga ako sa damuhan at tahimik na pinag masdan ang kalangitan.   Habang nasa ganoong posisyon ako noong may makita akong kumikinang na bagay na marahang nahuhulog mula dito. Marami ito at tila magagandang diamanteng kumikinang ere. Agad akong tumayo at isinahod ang aking mga kamay. Dito ay malapitan kong napagmasdan ang mga bagay na nalaglag sa mula sa alapaap. Ang mga ito ay mga balahibong kumikinang, parang mga nalagas na piraso ng puting pakpak.   Nanatili akong nakatingala at namamangha sa aking nakikita, napaka bihirang maka kita ako ng ganitong ka ekstraordinaryong pangitain. Para akong nasa loob ng isang magandang panaginip, pero batid kong totoo ito dahil nararamdaman ko ang kakaibang galak ng aking dibdib habang nakakatitig dito.   Dahil sa tuwa ay isinahod ko ang aking palad at hinayaang bumagsak ito sa aking kamay, ngunit ang ikinagulat ko ay hindi pa ito dumidikit sa aking balat ay nasunog na ito at parang naging isang abo. Dito ko napansin na ang lahat ng kulay feathers ay nasusunog kapag dumidikit sa aking balat!   At sa muli kong pagtingala ay nakita nasusunog ang na ang buong kalangitan, ang magandang tanawin kanina ay naging nakakakilabot. Ang aking tinatapakan ay nagkaroon ng maraming dugo, bumubulwak ito mula sa lupa. At mula dito ay hinila ako ng maraming kamay sa aking kinatatayuan hanggang sa mapahiga ako at mapa lubog sa dugo animo nag mistulang kagaratan o lawa.   Hinila ako ng hinila ng mga kamay palubog hanggang sa nakita ko ilalim ng mapulang tubig na animo dugo. Dito ay inaanod ang daan daang bangkay ng mga Guardian at ang pinaka huli kong nakita ay ang aking patay na katawan na nakagapos ng gintong tanikala sa dalawang kamay, paa at sa leeg.   Napasigaw ako sa matinding takot at kasabay noon ang pag balikwas ko ng bangon mula sa damuhan.   Kumakabog ang aking dibdib ngunit batid kong masamang panaginip lamang ang lahat at wala ni isa sa mga ito ang totoo.   Huminga ako ng malalim at muling ibinagsak ang aking katawan sa damuhan. Napatingin ako sa aking palad na may bahid ng dugo at mga nasunog na kung ano.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD