Part 4: Yul

2476 Words
My Guardian Devil AiTenshi Part 4: Yul Si Yul Flandrez ay galing sa isang marangyang pamilya at siya ay kasalukuyang nag aaral sa kolehiyo. Siya ay  isang title holder sa international pageant na Mr. Asia Pacific at dito nag simula ang kanyang karera sa pag momodelo sa mga commercials at print ads. Walang bisyo si Yul at maganda ang imahe niya sa  mga taga hanga niya.  Siya ang tinaguriang Mr. Perfect na mayaman, gwapo, mabait, walang bad habits at higit sa lahat ay hindi playboy. Sa makatuwid siya ang perpektong depinisyon ng makabangong santo. Just kidding, sadyang mabait lang tong si Yul kaya malapit na siyang kunin ni Lord. Ang tanong ay KUNG sinong lord ang makaka dale sa kanya. Ipinag patuloy ako ang pag iikot ko sa bakuran ng magarbong tahanan ni Yul. Ang nakakapag taka lang ay kung bakit sa lahat ng bahay na pinuntahan ko ay dito lang mayroong mga kaluluwang ligaw na naka kubli sa mga puno, sa mga gilid gilid ng bahay. Ibang klaseng kagwapuhan talaga ang mayroon itong si Yul. Habang nasa ganoong pagmamasid ako, naupo muna ako sa isang table at doon ay namahinga, lumagutok pa ang likuran ko dahil nabinat ito pero sobrang sarap sa pakiramdam. Ang layo kaya ng nilakad ko kaya deserve na deserve kong mag pahinga ng ganito.Nag inat ako, ini-unat kong mabuti ang aking braso at mga hita. “Hay, mabuti nalang at may malamig ang four season juice dito sa lamesa. Mainom na nga ito,tamang tama nauuhaw na ako," ang sabi ko sabay tungga sa isang basong juice. "Refreshing!Ahhhhhh!” Mukhang busy pa naman si Yul sa pag mumuni muni o sa kung ano man ang iniisip niya habang naka higa sa gilid ng pool at naka pikit. Tahimik. Dahil sa sobrang nakakarelax ang kapaligiran ay hindi ko namamalayan na pati ako ay nakatulog rin. Ilang minuto rin ako nakapikit bago ko maramdaman umupo si Yul sa aking tabi, nag pupunas ng tuwalya sa buong katawan at saka itinapis ito sa kanyang suot na maiksing swimming trunks. "Oh nasaan yung juice ko?"ang nag tatakang tanong ni Yul habang abala sa pag tingin ng mga katalogo ng damit. Bumangon ako at inilingkis ang aking braso sa kanyang likuran. Inilabit ko ang aking mukh sa kanyang tainga at bumulong. "Hay naku Yul, wala ang juice mo,kung ako sa iyo ay magagalit ako sa katulong at pag titimplahin ko siya ng bago.Sige tawagin mo ang katulong nyo at pagalitan siya mula ulo hanggang paa. Pwede mo rin siyang ihulog ngayon sa pool at lunurin natin siya doon. Sakalin natin hanggang sa matigbak. Alam mong ang pag patay ang pinaka masarap na feeling sa lahat? Subukan mo na, tiyak na mag e-enjoy ka," ang wika ko sa kanya. Mabilis namang sumunod ito bagamat sa isip lang ako kumokonekta, isang bulong sa kanyang tainga ay kadalasang sumusunod ang kanyang utak."Yaya! Nasaan yung juice ko!!"ang sigaw nito na parang biglang uminit yung ulo. "Effective ah, ngayon naman gusto kong isaboy mo sa katulong ang dala niyang juice at sermunan siya mula ulo hanggang paa.Go na! Pokpok iyang katulong niyo, iniiyot niya yung tatay mo gabi gabi kaya siya ang sumisira sa pamilya mo,"ang bulong ko habang pinupunasan ang aking scepter gamit ang kanyang bimpong pamunas sa mukha. Maya maya ay lumingon siya sa likuran kaya agad kong binitiwan ang face towel at nahulog ito sa lupa. Kinuha niya ito at muling inilagay sa lamesa. "Ya, nasaan na? Kanina pa ko uhaw na uhaw!" ang sigaw nito. "Sige lang, mag mura ka naman. I wanna hear it from you babe. C'mon!" ang wika ko pa habang nakahiga pa rin sa upuan. "f**k! Nasaan naaaa?" mainit na ulong sigaw pa niya. "Wow ha, ang susyal mag mura. f**k talaga?" pag mayaman talaga maganda mag mura pero kapag mahirap naman ang pangit pakinggan at walang ka susyal susyal. Maya maya ay dumating ang katulong na may dalang isang basong orange juice."Sige isaboy mo yan sa kanya tapos ay itulak mo siya sa swimming pool at lunurin, para tapos na agad ang trabaho ko at makauwi na ko. Kapag natapos ko ng 72 hours itong misyon ko ay taas ang ranggo ko, ayaw mo bang mangyari sa akin iyon? Sige na, itulak mo na." Marahang kinuha ni Yul ang orange juice na dala ng katulong at tiningnan nya ito."Sige isaboy mo na, ano pang hinihintay mo? Tapos tadyakan mo na siya para mahulog siya sa pool,"muli kong bulong sa kanya. Tahimik. "Salamat po manang,may pag kain sa ref pag nagutom kayo wag kayo mahiyang kumuha, yung anak niyo po ba ay may sakit pa? Kapag hindi siya gumaling hanggang bukas dalhin na natin siya ospital, sagot ko na ang gastos,"ang sabi nito sabay bitiw ng matamis na ngiti sa katulong. "Naku sir Yul, maraming salamat po. Nahihiya na nga po ako sa iyo dahil pinag aaral mo rin yung anak ko. Napaka bait niyo po talaga, hulog kayo ng langit," ang wika ng kasambahay na naiiyak pa sa galak. "Wala iyon, malaki rin po ang utang namin sa inyo, maraming salamat sa pag tulong sa akin sa araw araw, basta kapag may kailangan kayo ay huwag kayong mahiyang mag sabi sa akin kaagad," ang sagot ni Yul habang naka ngiti. Ako naman ay napapangiwi lang habang nandidiri at nasusuka sa aking nakikita."Abat,nakakaloka tong tao nato,waepek ang bulong ko.Kung sabagay nakaka awa rin naman yung katulong kung bigla nalang nya itong bubuhusan o kaya lulunurin sa pool.Siguro ay mag iisip nalang ako ng isa pang ipapagawa sa kanya.Yung mas malupet at mas masama. Kailangan maka kota ako ngayong gabi dahil kung hindi ay tiyak na malilintikan ako kay Boss Lu nito," bulong ko sa aking sarili. Anyway hindi ko naman talaga ineexpect na susunod siya sa akin ng ganoon kadali. Ang pinaka best way na mai-drag ang isang ito sa impyerno ay ang malulong siya sa droga at sa bisyo. Sa ganitong paraan ay mas madali siyang susunod sa aking mga ipinag uutos. Siguro ay sasaniban ko nalang yung mga kaibigan niyang bukas ang katawan para ako mismo ang hihila sa kanya sa bisyong hindi niya matatakasan! "Makikita mo Yul Flandrez, hindi matatapos ang linggo na ito ng hindi ka nakakagawa ng krimen!" bulong ko sa aking sarili sabay tungga sa juice na tira nito. Makalipas ang ilang minuto ay nag lakad si Yul papasok ng bahay, ako naman ay parang aninong naka sunod sa kanya. At habang nag lalakad kami ay napansin kong may mangilan- ngilang kaluluwang gala na rin ang nasa paligid, may babae, may lalaki, may parang halimaw, may kakaibang anyo at mayroon ring walang mukha. Hindi ko maunawaan kung bakit maraming kaluluwang ligaw dito sa paligid. Dati bang sementeryo ang lugar na ito? O baka naman tambakan ng mga patay ito subdivision nila? Minsan ang mga kaluluwang ito ay mapanganib at nanakit bagamat wala naman silang laban sa aming mga guardian dahil nag tataglay kami ng lakas at kapangyarihang nahuhubog sa aming pag kakasala. Kapag naging guardian ka ay otomatikong bubuksan ni Boss Lu ang enerhiya sa iyong katawan kaya't mas magiging extraordinaryo ang iyong kakayahan. Ang pag lakas nito ay nakadepende nalang sa iyong pag sasanay. Nakasunod ako kay Yul hanggang sa loob ng bahay. Pag dating kanyang magarbong silid ay agad akong lumundag sa kama para mag relax, si Yul naman ay nag tungo sa CR para mag banlaw, umupo rin ito sa bowl at nag babasa ng magasin samantalang ako naman ay bored na bored, nakatingin lang ako sa kisame at pinag mamasdan ang magandang desenyo nito. Nakaka binging katahimikan rin ang nasa loob ng silid noong mga sandaling iyon. Nag patuloy si Yul sa kanyang pag paliligo, katakot takot na sabon, lotion at ritual ang ginagawa niya sa kanyang balat kaya naman pala napaka at napaka puti ng gago. Sinabon niya ng husto ang kanyang leeg, dibdib, kili kili pababa sa kanyang ari. Marahan niya itong hinimas himas hanggang sa tumigas ng bahagya. Maya maya ay kumuha siya ng pang ahit at binawasan ang makapal na buhok sa kanyang pag kalalaki. Ilang minuto rin siya sa ganoong posisyon hanggang sa mag banlaw siya ng katawan. Inapplyan ng kung anong aroma ang bath tub saka siya lumusong dito. Nag lagay siya ng earphone at naka nag relax pahiga. Madami siyang arte sa paliligo, ako nga sabon at shampoo lang ay ayos na. Tahimik.. Tumagal ng 15 minuto si Yul sa bath tub, parang naidlip ang loko hanggang sa mag ring ang telepono sa loob ng kanyang silid kaya napadilat ito at agad na umahon, nag punas ng tuwalya sa buong katawan at mabilis na lumakad sa aking kinalalagyan para sagutin ang tawag. Natayo siya sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga kaya naman nakatapat sa aking mukha ang t**i nyang latang gulay na may mapulang ulo at makinis na bayag. Pati singit ay sobrang kinis rin. Ni wala akong pakitang rashes at butlig sa kanyang balat. Matapos makipag usap sa phone ay napabuntong hininga ito at ibinagsak ang sarili sa kama, umiwas ako kaya sa tabi ko siya napahiga. Ang hubo't hubad na katawan niya naka buyangyang sa akin, naka bukaka pa ito at panandaliang natahimik habang naka pikit ang mga mata. Damang dama ko ang kakaibang lungkot at pagod sa isipan ni Yul noong mga sandaling iyon, tila ba mayroon siyang mabigat na problemang hindi ko lubos maunawaan. Pumikit siya.. Pumikit rin ako.. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naka pikit ni Yul basta nagulat nalang ako noong may lalaking nakahubot hubad rin naka patong sa kanya kaya. Nagulat rin ang lalaki at batid kong hindi ito buhay. Isa itong kaluluwang ligaw na may pag nanasa sa hubad na katawan ng binata sa aking tabi. At hindi ko alam kung bakit lalaki ang naka patong sa kanya, kitang kita ko ang dila nito na mahaba at dinidilaan na parang aswang ang tiyan ni Yul. Agad kong ikumpas ang aking kamay at itinulak ko palayo ang kaluluwa. “Ang libog libog mo naman leche ka!!” ang sigaw ko at inilakas ko pa ang aking pwersa dahilan parang ma-deform ang kanyang katawan. Nag sisigaw ito habang nasa ere at nililipad palayo sa bintana. Humangin ng malakas sa buong silid pati mga kurtinang puti ay nag liparan rin, kumundap ang ilaw ang buong kabahayan pero agad rin itong bumalik sa normal matapos mawala ang kaluluwa. Grabe itong kagwapuhan ni Yul, pati ang mga kaluluwang gala ay nalilibugan sa kanya. "Bakit kasi inahit mo pa tong bulbol mo, ayan tuloy kitang kita ang pinkish na yagbols at uten mo, pati singkit makinis grabe! Parang mannequin lang," ang wika ko sabay takip ng kumot sa kanyang katawan. KINABUKASAN.. Alas 7 ng umaga noong magising si Yul, agad itong gumayak para umattend sa kanyang mga commitment sa pag momodelo. Matapos isilid sa bag ang kanyang mga gamit ay sumakay siya sa kotse samantalang ako naman ay sumakay rin sa tabi ng driver's seat. Hindi ko alam kung anong iniisip niya noong mga oras na iyon, basta ang alam ko lang ay tahimik siya at napaka boring na tao. Maraming notifications sa kanyang social media account galing sa kanyang mga taga hanga pero wala ni isa ang isasagot niya sa mga ito. Makalipas ang ilang minutong pag ddrive ay huminto siya sa isang convinient store at bumili ng dalawang energy drink, ininom niya ang isa at inilagay sa aking tabi ang isa. Muli siya ng drive patungo sa set ng kanyang trabaho kung saan gagawin ang kanyang commercial. Kung tutuusin ay masarap ang work nitong si Yul, kagwapuhan lang puhunan at hindi na kailangan pang mag hirap. Pag dating location ay agad naupo si Yul sa dressing room kung saan siya inayusan ng stylist. Binubulungan ko siya na gumagawa ng eksena, mag sungit, mag mura, maging mainitin ang ulo pero parating may nakapasak earphone sa kanyang tainga kaya hindi ko alam kung tumatalab ang aking mga salita. Lumabas si Yul sa dressing room suot ang uniporme ng isang estudyante. Ang commercial ay tungkol sa isang sikat na mag aaral at siya nga iyon. Pinag kakaguluhan kunwari siya ng mga mag aaral, napaka popular ng dating niya. Hanggang sa dumating ang isang magandang babae at nakasalubong niya iyon. Babatiin niya ito ng "Hi" pero naamoy niya na mabaho ang kanyang hininga kaya napahinto siya at nag alinlangan. Dito na pumasok ang produktong toothpaste na ishi-noot sa loob naman ng magandang cr ng isang bagong gawang lababo sa campus, nakaharap siya sa salamin at nag sipilyo. Ilang beses ring kinunan ang scene na hihinga siya sa kamay at aamuyin ito saka hahangin ng malamig na parang fresh breath ang datingan. Muling lumakad si Yul sa hallway at noong nakasalubong niya ang babaeng maganda ay binati niya ito. Ipinakita ang kanyang maputing ngipin at matamis na ngiti. Natuwa ang babae at lumingkis sa kanyang katawan saka sila nag kiss. Hindi ko alam kung bakit nauwi sa halik ang dulo ng eskena basta ang alam ko lang ay sumigaw ng "cut at good take" ang direktor at doon nag tatapos ang commercial nila Yul ng toothpaste. Alas 3 ng hapon noong matapos ang shooting, pumasok ang lalaking may dalang pag kaing naka lagay sa styro foam, kumuha si Yul dito ng dalawang bottled water at dalawang pag kain. Kinuha niya ang isa at ang isa naman ay inilapag niya sa kanyang tabi, sa aking harapan kung saan ako mismo nakaupo. Napatingin ako sa kanya habang siya naman ay abala sa pag pindot sa kanyang cellphone. Noong mga oras na iyon ay naisip ko na baka nakikita niya ako pero imposible iyon dahil yun ngang kaluluwang nakapatong sa kanyang kagabi ay hindi niya naramdaman, paano pa kayo ako na may kapangyarihan pang taglay. Isang buong araw akong nakasunod sa trabaho ni Yul, nag eenjoy rin naman ako na panoorin siya dahil sa kabila ng kanyang pagiging tahimik ay nag iiba ang kanyang imahe sa spot light at sa harap ng flash ng camera. Noong mga sandaling iyon ay pilit kong kinikilala si Yul, sino ba talaga siya at bakit parang may kakaiba sa kanya hindi ko maunawaan. Sa tuwing tumitingin ako sa kanyang mga mata ay parang may nakikita akong imahe na hindi ko lubos mawari kung ano. May pag kakataon rin na napapatingin ako sa kanya at nahihirapan lumapit o mag salita dahil protektado siya ng gintong liwanag na nag mumula sa kanyang katawan. Habang lumilipas ang oras ay parang napag tatanto ko na magiging mahirap ang misyong ito, pero ayoko namang pang hinaan ng loob bagamat ganoon na rin iyon. Habang abala siya sa pag d-drive pauwi ay nakatanaw lang ako sa madilim na daan. At mula dito ay isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Laging mahirap ang misyon na natatapat sa akin nitong mga nakakaraang taon, ngunit ang isang ito ang sa tingin ko ay pinaka komplikado sa lahat. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD