Part 5: Anino

2699 Words
My Guardian Devil AiTenshi Part 5: Anino "Gising na baby boy, umaga na. Siguro masyado kang nasarapan sa pag jajakol mo dalawang beses kagabi kaya himbing na himbing ka," ang wika ko habang bumabangon sa sofa kung saan ako natulog. Wala naman akong kakaibang naramdaman kagabi, wala ring bakas ng mga kaluluwang ligaw na pagala gala sa paligid ng bahay. Dumilat si Yul at agad chineck ang orasan. Noong makita niyang alas 7 na ng umaga ay agad ito nag inat ng katawan, binali ang braso, hita at leeg. Saka siya nag push up ng 300 times at sit ups ng 300 ulit. Nag tungo rin ito sa treadmill at tumakbo ng 30 minuto. Ako naman ay naka higa lang sa sofa at bored na bored habang pinapanood siya. Iyan ang hirap sa mga mortal kailangan i maintain ang magandang katawan. Hindi katulad sa aming mga guardian na naka fix na ito kahit kumain pa kami ng marami ay nacoconvert lang sa literal na energy o powers ang pag kain kaya okay lang. Noong araw ring iyon ay lagi ko nang sinusundan ang bawat kilos ni Yul, lagi ko itong binubulungan na maging pasaway at mangasar, mamerwisyo ng kapwa, yung iba sinusunod nya, yung iba naman deadma lang. Kahit sa trabaho niya sa modeling ay pinipilit kong pag initin ang kanyang ulo para maka kota naman kung sakaling manakit siya ng walang dahilan. Sinubukan ko rin siyang kontrolin pero hindi ko ito magawa dahil pakiwari ko ba ay mayroong pader na humaharang sa amin. Mga bagay na hindi ko maunawaan kahit noong unang araw palang na maramdaman ko ito. Tuloy pa rin ang pang hihikayat ko kay Yul na maging pasaway. Minsan nga nag dala itong babae sa kwarto nya, ang sabi ko mag"s*x" na sila o kaya ay hipuan nya yung babae sa maselang parteng katawan nito tutal silang dalawa lang naman sa kwarto paniguradong walang makaka alam ng gagawin nya. Pero sa halip na sundin ako ay pinauwi nalang nya yung babae at pumasok nalang ito sa banyo para magjakol .Pero infairness may ipagmamalaki talaga ang lolo nyo dahil pang amerikano ang taba at haba ng ari nito, makinis pa at napaka puti. Samantalang gigil na gigil naman ako dahil ayaw niya akong pakinggan at nagagawa niyang labanan ang aking mga utos kaya madalas akong pumapalya. "Arrghh! Bakit hindi mo ginawa? Ayaw mo bang masarapan? Pag kakataon mo na iyon para naging masigla ang buhay mo. Yung babae na nga ang nag bibigay ng motibo hindi mo pa pinatos. Tsk! Siguro bakla ka kaya ayaw mo sa pekpek!" ang sermon ko sa kanya habang abala ito sa pag sagot ng mensahe sa kanyang social meda account. Syempre kahit ano namang sigaw ko ay hindi rin naman ako maririnig ni Yul kaya't balewala lang rin ito. Sayang lang ang laway at boses ko kaka sermon sa kanya. "Nakakainis ka! Bakla! Napaka bakla mo! Takot ka sa pekpek!" ang sigaw ko sa kanyang tainga at maya maya ay kinuha niya ang insecticide at saka winisik sa aking direksyon dahilan para maubo ako. Kasabay nito ang pag lipad ng langaw sa aking harapan. Hindi ko tuloy alam kung yung langaw ba talaga ang bunugahan niya o ako mismo. Pero anyway balik tayo sa pagiging bad influence ko, nahihirapan na ako dahil masyado siyang mabait at malakas ang panlaban sa tukso.Kaya naman minsan sa halip na bulungan siya ng masama, hinayaan ko nalang sya habang ginagamit ko nalang ang laptop niya at nag bubukas ako ng twitter at f*******:. Isa pa ay parang may something sa kanya na kakaibang awra na hindi ko maunawaan. Kaya nga pag day off ko ay mag a-ask ako ng additional information kay Boss Lu tungkol dito kay Yul. Baka maya maya ay dati itong kawal ng kalangitan o kaya ay baka isa siyang star ng pasko doon sa itaas! Mahihirapan ako kapag nag patuloy ito! Facebook Status: "Ang hirap maging bad influence huhuhu.mag pakabait nalang kaya ako?" with selfie na sad face. Umani ako 400 likes sa ilang minuto lamang dahil sa aking mga friends. Comments: Santi: Go fwend push mo yan. Namimiss na kita, gumala naman tayo sa day off! Boss Luciper: Ipush mo yan Devon. Sige lang selfie pa. Huwag kang mag papa huli kay Yul. Remember isang sabay nalang ay nag hihintay na si Number 100 sa pwesto mo! Kapricious: Ang panget mo, lavarn lang! Wag ka nga mag emote dyan dahil hindi naman maaalis ng sad face ang stress mo. Ayokong mag comment back kaya nilike ko nalang lahat ng comments nila.Anyway ini-upload ko nga ang picture ni Yul sa wall ko at humakot ng likes ang gago. Ang daming na gwapuhan sa kanya lalo na yung mga babae at beki doon sa impyerno. At syempre maraming kabekihan sa ilalim ng lupa ang naiinggit sa akin lalo na si Santi na gigil na gigil at gustong makipag palit. May iba naman na nag sabi na bagay daw kami dahil pareho kaming gwapo at malakas ang dating. Hindi naman sa pag mamayabang pero gwapo rin ang tingin sa akin doon, at kinukuha rin ako artista sa ilalim ng lupa dati bago maging guardian. "Si Yul Flandrez ay isa lang ordinaryong tao naka takdang mamamatay ngayong taon, kaya ang aim mo lang ay dagdagan ang sin meter niya para mahila natin siya dito. Mag babaka sa sakali lamang tayo," ang wika ni Boss Lu habang kumakain kami sa McDevils. "Aha! Huli ka boss! Anong mag babaka sakali lamang tayo? Meaning ay hindi ka sure na mad-drag nga natin itong si Yul sa imyerno? Eh bakit mo sa akin ibinigay ang hindi sure na misyong ito? Gusto mo ba talaga akong mawala sa league ng Guardian? Pang 98 na ko boss, pag sumablay ako dito ay lagot na ako! Napaka sama mo talaga!" ang galit kong salita sabay subo ng fries. "Ano ka ba, talagang masama na tayo no, ano pa bang inaasahan mo. Kung gaano kagusto si Lord Sate si Yul ay ganoon din siya ka-like sa itaas. Simula bata itong si Yul Flandrez ay binasbasan na ito ng sagradong sakramento kaya may anik anik na gintong liwanag minsan sa paligid niya." "At kaya malabo ang tiyansang maging masama siya?" inis kong tanong. "Correct, atlease naipakita natin kay Lord Sate na sinusubukan natin diba?" ang sagot ni Boss Lu. "s**t! Tangina! Hayup! Madahpaker!" ang sunod sunod kong pag mumura. "Bakit ganyan ka? Akala ko ba ay kakampi kita? Bakit parang sinasabutahe mo ako? Bakit sakin mo pa ibinigay pwede naman kay Santi nalang o kaya kay number 100!" ang paninisi ko. (Nabahing si Santi likod ng biyudong binabantayan niya, may lumabas na sipon dito na tumama sa batok ng matanda. Naramdaman ng matanda ito at kinuha niya ang uhog na green at saka tinikman. "Tangina sipon to ah! Mabuti nalang di ako nadumihan ng todo," ang wika ng matanda. "Aha! Napag mura din kita ex Father! Araw araw kitang sisipunan para araw araw kang mag mumura!" ang bulong ni Santi habang naka ngisi) "Alam mo Devon, kaya ko sa iyo ibinigay ang assignment na ito ay dahil para na kitang anak, alam kong handa kang mag sakripisyo para sa mga kasamahan mo. Diba?" tanong ni Boss. "Hindi ah! Ayoko na doon! Babalik ako doon at makikipag palit ako kay Santi! Bakit ang sama sama mo arrgghhh!" ang sigaw ko sa kainan sabay snap at nawala ako sa kanyang harapan. Natagpuan ko ang sarili sa entrance ng tren kaya naman at noong makapasok ako dito ay tinanong agad ako kung saan station. "Station 5 doon sa city," ang sagot ko. "On the go sir!" ang wika ng assistant sabay pindot sa bunton. "Teka! Hindi pa ako naka upo!" ang sigaw ko pero huli na ang lahat. Nag liwanag ang katawan ko at itunulak ako ng sahig ng tren paitaas! Kung dati ay silya ako, ngayon ay purong katawan nalang na paikot ikot sa ere bago tuluyang lamunin ng portal. Dumaan ako sa lagusan at doon ako mismo bumagsak sa swimming nila Yul kung saan siya naliligo. Gulat na gulat ito noong biglang parang may sumabog sa tubig. "Hi babe!" ang bati ko kay Yul bagamat di naman niya ako naririnig. "Hi babe!" ang sagot niya dahilan para mapaatras ako. "s**t! Nakikita niya ako! Lalong hindi ito pwede!" ang sigaw ko sa aking sarili nang muling mag salita si Yul, "nandito lang ako sa bahay, wanna come over?" tanong nito sabay ayos ng wireless na earphone sa kanyang tainga, umahon ito pool saka kinuha ang kanyang cellphone. Napahinga ako ng malalim. "s**t, akala ko talaga ay ako yung kausap niya," ang bulong ko sa aking sarili na parang nahimasmasan. Humiga ako sa tubig at nag palutang dito. Hinayaan kong marelax ang aking sarili. Ipinikit ko ng marahan ang aking mata. Tahimik.. Habang nasa ganoong posisyon ako ay nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan at noong imulat ko ang aking mga mata ay laking gulat ko noong makitang nakalutang na ako sa tubig ng dugo! At mula sa itaas ay mayroong bumagsak na siyang sagradong sibat na nag liliwanag. Mabilis itong bumulusok sa aking kinalalagyan at tumusok sa aking katawan dahilan para lumubog ako sa tubig ng dugo at mapatid ang aking hininga. Ramdam na ramdam ko ang kirot at sakit dulot ng pag baon nito sa aking katawan hanggang sa bumulwak na rin ang dugo sa aking bibig at humalo ito sa tubig sa paligid. Huminga ako ng malalim at sinubukang idilat ang aking mga mata. Pag buga ko ng hininga ay bumalik sa normal ang lahat at natagpuan ko ang aking sarili sa malinis na swimming pool na hingal na hingal. Wala na si Yul sa paligid, batid kong pumasok na ito sa loob kaya umahon na rin ako at naupo sa gilid. Noong maayos na ang aking pakiramdam ay pumasok ako sa loob at inirelax ang aking sarili. Alas 10 ng gabi, muli akong bumalik sa silid ni Yul para bantayan ito. Day off ko kasi noong nakaraang araw kaya umuwi muna ako sa impyerno para ikompronta si Boss Lu at lalo lang akong na highblood sa mga sagot nito sa akin! Nakaka asar talaga! Pag pasok ko sa kwarto ay  balak ko sanang asarin ito(si Yul) ngunit nadatnan ko itong natutulog na kaya naman kinuha ko ang kumot niya at inayos ito ng maiigi, iniayos ko rin ang kanyang katawan sa pag kakahiga. Mas gwapo siya pag tulog at hindi maitatanggi na napaka pula ng kanyang labi na tila kay sarap halikan. Alam niyo ,nagtataka lang ako kung nasaan kaya ang mga magulang nitong si Yul, kung bakit halos ilang araw na akong naka buntot sa kanya ay wala pa akong nakikitang magulang na lumalapit sa kanya."Ulila na ba ang isang ito?"ang tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang kanyang maamong mukha. Maya maya ay dumilat ito ng bahagya at hinila ang kumot para itakip sa kanyang nakahubad na katawan. Inihilig niya ang mukha sa unan at saka muling humimbing ng tulog. Tahimik.. Pinag masdan ko lang siya sa kanyang pag tulog, naupo ako sa kanyang paanan at isinandal ang aking likod sa pader. Habang nasa ganoong pag babantay ako, ay parang may  nakarinig akong ilang malalakas na kalampag sa labas ng bahay, parang may kung anong gustong pumasok sa kwarto niYul. Nung pansinin ko ito ay biglang tumahimik ang paligid. Maya maya ay laking gulat ko ng biglang may isang malaking itim na taoang sumulpot sa kwarto at lumapit ito sa natutulog na katawan ni Yul."Hoy! At sino ka? Tress passing ka brad!"ang tanong ko sabay balikwas ng tayo. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalakin ngunit alam kong hindi ito isang mortal."Anong kailangan mo?!"ang tanong ko dahilan para mabaling sa akin ang atensyon nito at walang ano ano’y nilundag ako at sabay kaming nahulog sa labas ng bahay. Sinakal ako nito at hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ako inatake agad.Kaya naman wala akong ibang pamimilian kundi ang lumaban. Habang naka dagan ito sa akin at ramdam ko ang pag baon ng matulis nyang kuko sa aking leeg ay pilit kong kinuha ang aking tungkod at tinusok ko ito sa kanyang katawan dahilan para bumitiw ito ng pagkakasakal sa akin."Argh,sino ka?!"ang tanong ko habang hinihimas ko ang aking leeg. Ngunit bigo akong makakuha ng sagot sa kanya, humarap lang ito sa akin at ipinakita ang kanyang pangil bago ito tuluyang mawala. Noong gabi ding iyon, masakit man ang aking katawan, hindi ko magawang iwan si Yul lalo at alam kong siya ang puntirya ng lalaking itim nai yon. Hindi man malinaw sa akin ang pangyayari ang mahalaga ay ligtas si Yul habang natutulog ito ng mahimbing. KINABUKASAN. Maaga akong bumalik sa Impyerno para mag report sa HNP o mas kilala sa tawag na Hell National Police. Kasama ko doon si Santi at si Boss Lucifer para malaman kung sino at anong klaseng halimaw ang sumalakay sa akin kagabi. "Maitim na lalaki, matangkad ito at malakingangkatawan, nakasuot ng itim na mahabang coat, mapula ang mata at matutulis ang pangil!"ang pag lalarawan ko batay sa aking natatandaan. "Baka binibiro kalang nun frend" ang sabi ni Santi habang naka upo sa aking tabi. "Hindi ako binibiro nun!Tingnan mo nga halos maputol na ang leeg ko sa tinding pagkakasakal sa akin! Ang kuko niya ay parang patalim na sobrang nakakahiwa!” ang pag rerekla mo ko naman. "Nakaka sigurado akong isa iyon sa mga preso niyo rito na nakatakas matagal na panahon na ang nakakalipas,"ang sabi ni Boss Lu habang sinusuri ang sugat sa aking leeg. "Wag kayo mag alala, aalamin naming kung sino ang lalaking suma lakay kay Devon sa lalo't madaling panahon boss Lu,"ang sabi ng pulisya. "Dapat lang no,saka bakit kailangan ako pa ang sugurin niya kung pwede naman itong si Santi nalang!"ang pagmamaktol ko dahilan para matawa sila ng impit.. "Ano ka ba frend,wag ako no. Alam mo namang matatakutin ako,saka hindi pang war ang beauty ko." "Oh paano bumalik na kayo sa mga duty ninyo. Kung sakaling sumalakay muli ang itim na lalaking iyon wag ka mag dalawang isip natawagan ako maliwanag ba?" ang bilin ni Boss Lu pero ngumiwi lang ako. "Fault mo ito Boss at di ako nakakalimot agad!" ang sagot ko sa kanya. KINAGABIHAN. Binantayan kong muli si Yul sa kanyang pag tulog. Ngunit sa pagkakataong ito ay alerto na ako sa maaaring mangyari.Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at hawak ko ang aking mahabang scepter. Katulad ng naunang pangyayari, nakarinig nanaman ako ng kakaibang ingay mula sa iba't ibang direksyon. Parang kung anong kumakalampag sa labas ng bahay niYul, partikular sa gawing bintana nito sa mismong balkuhane sa ikawalang palapag kung saan naroon ang kanyang silid."Naku Yul, anong klaseng tao kaba? Bakit pati mga halimaw sinusundan ka?" ang bulong ko sa kanya sabay balikwas at tinungo ko ang bintana. Inikot ko ang aking mga mata. Laking gulat ko ng tumambad sa akin ang hindi lang isa kundi maraming nilalang sa labas ng kanilang bahay at lahat sila ay nag tatangkang pumasok sa loob. Yung mga ingay na naririnig ko ay gawa ng mga nilalang na ito."Mga ligaw na kaluluwa at napakarami nila, ano bang nangyayari? Sa tagal kong naging guardian ay ngayon lang ako naka encounter ng ganitong senaryo!" Hinakawan kong mabuti ang aking scepter dahil ano mang saglit ay tiyak na mapapalaban ako."Sige Yul, matulog ka lang dyan. Kaya ko na ito baby boy!"ang sabi ko sabay lunok ng laway sa kaba. Paano ko ba ipapaliwanag sa aking sarili na isa akong demonyo ngunit ngayon ay lalaban ako sa mga kapwa ko lamang lupa para lang ipagtanggol ang lalaking hindi ko naman kaano ano at hindi ko lubos na kilala. Habang nasa ganoong pag munimuni ako ay bigla nalang bumukas ang bintana at walang ano ano ay nag pasukan ang mga nilalang sa labas. Nag tatakbo ako sa harap ng higaan ni Yul at hinarang ko ang aking katawan kasabay nito ang pag liliwanag ng aking tungkod, kulay pula ito at nag aapoy ng husto. Tumingin ako ng matalim sa kanila.. Nag liwanag ang aking mata at ang dulo ng scepter kasabay noon ang pag siklab ng apoy sa aking katawan! Sumigaw ako. "LAPIT!" Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD