My Guardian Devil
AiTenshi
Part 6: Mga Kalaban sa Dilim
Habang nasa ganoong pag munimuni ako ay bigla nalang bumukas ang bintana at walang ano ano ay nag pasukan ang mga nilalang sa labas. Nag tatakbo ako sa harap ng higaan ni Yul at hinarang ko ang aking katawan kasabay nito ang pag liliwanag ng aking tungkod, kulay pula ito at nag aapoy ng husto.
Tumingin ako ng matalim sa kanila..
Nag liwanag ang aking mata at ang dulo ng scepter kasabay noon ang pag siklab ng apoy sa aking katawan!
Sumigaw ako. "LAPIT!" ang hamon ko sa mga nilalang na nasa labas habang isa isang nag papasukan ang mga ito sa loob. Kanya kanya silang itsura at kasarian.Ang iba ay duguan, ang iba ay basa ang katawan, ang iba naman ay hindi mga mukha tao na parang mga entity na nang gugulo lamang sa mga taong nabubuhay. Ang hindi ko lang lubos maunawaan ay kung anong mayroon dito kay Yul at sinusundan siya ng mga ito. Patuloy na nag liwanag ang aking katawan at lumikha ako ng harang sa pagitan namin ng mga ito. "Anong kailangan niyo?!" ang sigaw ko pero wala silang sagot sa akin. Basta naka titig lang sila at maya maya ay nag simulang yumanig ang paligid, nag spark ang mga kable ng kuryente nawalan ng power sa buong kabahayan.
(Nag spark rin ang mga kable sa labas at gumapang ito buong siyudad dahilan para mag black out sa buong paligid.)
Patuloy ang pag yanig at umikot ikot ang aking buong paligid pero hindi ako nag patalo sa kanila. Itinarak ko ang aking scepter sa sahig at nag labas ito ng malakas na pwersa tumulak sa mga kaluluwa layo na parang nilipad ang mga ito ng hangin.
Gayon pa man ay hindi lahat ay tumilapon dahil natira yung mga entity na may kakaibang anyo at mas malalakas kumpara sa normal na kaluluwang ligaw lang. Sila yung mas matitibay, mas mga tuso at walang kinatatakutan. Lahat sila ay nag pakita ng matinding galit at isa isa silang nagtakbuhan palapit sa akin.
Hindi ako nag pasindak, isa akong Guardian at mas malakas ang aking taglay na lakas! "Focus lang Devon!"ang sigaw ko sa aking isipan at mas lalo pang lumakas ang apoy sa aking scepter.Mula sa apat na tulis nito sa dulo ay lumabas ang parang mga balang nag liliwanag na aking ginagamit sa pag patay sa mga nakakalaban kong masamang nilalang saImpyerno, lalo na yung presong galing sa Hell Prison.
Ang tulis sa aking scepter ang nagsisilbing baril at gamit na pang tanggol sa aming mga sarili, ngunit marami pa itong gamit, hindi ko pa nga lang nadidiskubre. Ngunit ilan lamang ang napapag kalooban nito dahil ang ilan sa mga guardian ay walang kakayahan sa pag gamit ng tungkod ng mga demonyo.
Maliit ang espasyo sa kwarto ni Yul at isa pa ay hindi ako pwedeng lumayo sa kanya dahil ang mawawala ang barrier na aking ginagawa kaya nanatili lang ako sa aking kinatatayuan at lahat ng sumusugod sa akin ay sinasaksak ko ng trident scepter, sinusuntok at binabaril para makalayo. Bukod kasi sa pag atake sa akin ay inaatake rin si Yul kaya't kailangan ko itong harangan.
Gumapang ang dilim sa buong silid hudyat na wala ka kami sa aming orihinal na dimensyon.
"Bakit ang kukulit ninyo? Kung ano man gusto ninyo ay hindi pwede! Ako ang naka bantay dito at para siya kay Lord Sate! Huwag na kayo umepal mga panget!" ang sigaw ko habang isa isang itinataboy palayo. Mahirap para sa akin ang lumaban ng walang nauunaawan, basta noong mga sandaling iyong proteksyon ng aking binabantayan ang mahalaga.
Isa isa kong binaril ang mga ligaw na nilalang at sobrang dami nila ay halos hindi ko na alintana kung may mga nasisirang gamit sa loob ng kwarto.Sino ba naman ang mag aakala na may nagaganap na labanan dito sa loob ng silid lalo't hindi naman ito nakikita o naramramdaman ng mga normal na tao. Maybe may static silang nararamdaman, pero hanggang doon nalang iyon. Dahil kapag gumagamit ng enerhiya ang masasamang espiritu ay nag babago ang demensiyon ng paligid na kahit mawasak ang buong silid ay bigla itong babalik sa dati na parang walang nangyari sa oras na matapos ang labanan.
Sa makatuwid ang kwartong pinag lalabanan namin ngayon ay may ibang demensyon o maaaring sabihing nagiging portal ito ng dilim na kung tawagin "karimlan" o "further."
Ang enerhiya ng masasamang espiritu ang nag c-convert sa buong silid para maging isang dimensyon kung saan sila mas magiging malakas at agresibo. Parang ganoon sa pelikulang international kung saan gumagamit ang kalabang multo ng kapangyarihan para gawing isang madilim na demensyon ang buong paligid kung saan sila mas magiging malakas. Halos ganito rin ang nangyari ngayon sa kwarto ni Yul dahil halos parang wala na kami sa normal na mundo, nandito na kami isang madilim silid kung saan nagagamit ng mga kalaban ang kanilang mga espesyal na kakayahan.
Patuloy sila sa pag salakay, ako naman ay nakahanda at hinahataw ng aking sandata ang mga kalabang lumalapit. Ang ilan sa kanila ay nakatago lang sa dilim saka aatake sa hindi inaasahang pag kakataon.
Wala pang ilang sandali ay napansin kong mas dumami pa ang mga kalaban sa paligid na parang hindi sila nauubos! Halos malagutan ako ng hininga sa daming mga sumusugod na kalaban sa akin. Ay sorry hindi na pala malalagot ang hininga ko dahil patay na ako noon pa. Pero nakakaramdam pa rin ako ng pagod at sakit kahit ganito ang aking katawan.
Patuloy pa rin sila sa marahas na pag atake, mayroong humahaba ang dila, kamay at mga kuko. Ang iba sa kanila ay halos kalmutin ako at kagatin para lang makalapit kay Yul ngunit hindi ako natitinag sa aking pag kakatayo. Tuloy pa rin ako sa pag sunog at pag baril sa kanila.Yung ibang malapit ay sinusuntok ko at sinisipa."Ang dami na nila!s**t! Napaka kukulit niyo, hindi ako aalis dito! Mag kamatayan na kahit matagal na akong patay!" ang sigaw ko sabay upak sa isang malaking entity sa aking harapan.
Tumagal ng ilang minuto pa ang labanan pero halos hindi na ako makagalaw sa tabi ng kaluluwang ligaw sa paligid. Sa tingin ko ay hindi naman sila nababawasan, parami pa sila ng parami! Kaya naman agad kong dinukot ang aking cellphone at tumawag ng back up! "Hello Santi! Sinasalakay kami! Tulungan mo ko! Emergency ito!!"ang sigaw ko sa linya.
"Fwend,matulog kana muna, alam mo stress lang iyan buhat kagabi. Baka naman nanaginip ka lang. Pagod ako bukas ka nalang tumawag okay, wala kang idea kung gaano ako nag hihirap sa baliw na matandang binabantayan ko,"ang sagot nito na parang iiyak naman.
"Putang ina naman Santi, hindi ako nag bibiro! Seryoso ito! Sinasalakay kami ni Yul ng mga agresibong kaluluwang ligaw! Tulong! Hindi ako nag bibiro!" ang sigaw ko habang kinukuyog ng mga ligaw na nilalang. Yung iba ay itinutulak ko nalang para hindi makalapit.
"True ba yan fwend? Baka maya maya inaarot arot mo lang ako ha,"tanong nito.
"Mukha ba kong nagbibiro? Bilisan mo na! Hingal na hingal na ako baka hindi mo na ako abutang buhay!"ang sigaw ko sabay suntok sa isang panget na halimaw habang ito ay nakakagat sa balikat ko. “Umalis ka nga dyan tangina mo!” ang sigaw ko sabay saksak sa aking tungkod sa mukha nito.
“Ano naniniwala ka na ba?” tanong k okay Santi at bilang patunay ay hinuli ko ang isang kaluluwang lalaki at hinawakan ito sa buhok “Hindi ako nag bibiro Santi, pakinggan mo to!”
“ARRRGGHHH GGRRRR” ang wika ng kaluluwa
“Narinig mo? Bilisan mo baka mamatay na ako dami nila!”
"Gaga patay kana no, o siya nandiyan ako! Waitsung lang, paki ON yung tracker sa bewang mo para mas madali kitang mapupuntahan!," ang sagot nito sabay baba sa kabilang linya.
Ilang minuto pa ang lumipas ngunit ganoon pa din ang aking sitwasyon. Bagamat marami na akong naitumbang kalaban, parang hindi parin nababawasan ang bilang nila. Pinag masdan ko si Yul at tila wala itong kamalay malay sa mga nangyayari. Mahimbing ang tulog nito at hindi niya alam na nakikipag laban ako para sa kanya.
Maya maya ay nagliyab ng kulay pink sa paligid at mula dito ay sumulpot ang back up ko na si Santi. "Surpirse!"ang sigaw ni Santi sabay putok ng kanyang baril sa mga kalaban na parang chinese fireworks na pumutok sa kadiliman dahilan para mag layuan ang mga tao."Pak na pak sa entrance! Waging wagi! Dramatic sa recall at spawn effects!"
"Mabuti naman dumating kana! Muntik mo na kong di maabutan ng buhay ah!"pag mamaktol ko habang inaalis ang putol na kamay na naka sakal sa aking leeg.
"Patay kana frend noh, so nothing to worry about! Teka anong mga klaseng nilalang ba ito? At bakit nandito tayo sa further? Galit na galit at sobrang agresibo ng mga entity na ito at parang may gusto silang i-possess kaya't nagawa nilang i-convert into darkness ang room ni papa Yul," ang wika nito habang isa isa nyang binabaril ang mga ito. Literal na baril ang gamit ni Santi dahil hindi ito marunong gumamit ng tungkod."Napaka conyo namang explanation mo, gustong i-possess? Anong ibig mong sabihin?" pag tataka ko.
"May gusto silang ikemberlin kaya nandito sila. Eh ibang reason ka bang naisip kung bakit sila nanditey?" tanong ni Santi
"Wala e. Hindi ko alam, bigla na lang nagsugudan yan dito, wala akong ideya na ganito sila kaagresibo!" ang sagot ko naman.
"Kasi nga may gusto sila i-Chenelyn Mercado, baka like nila ang soul ni papa Yul o ang brain nito o literal na gusto nila ito dahil gwapo, perfect ang katawan at mukhang lalaban sa long term harvatan!"
"Sira, puro ka kalokohan diyan eh!" ang sagot ko naman sabay hila sa kanya sa aking likuran, "dito ka sa likod ko at ako naman sa harap!"
Nag talikuran kaming dalawa at ipinag patuloy ang pakikipag laban sa mga nilalang s kadiliman. "Wwoooo! Ngayon lang ulit ako nakipag fight ng ganito! Ang sarap talaga sa feeling!" ang sigaw ni Santi.
"Sira! Ikaw lang yung nag eenjoy! Ni hindi ko nga alam kung kailan matatapos to! Tangina talaga!" ang sagot ko naman.
"Pero infairnes ha, ang gwapo gwapo ni Papa Yul, tingnan mo yung lips at yung katawan niya, parang gusto ko na tumabi sa kanya ngayon! Ikaw Devon ha, napaka selfish mo! Sinasarili mo siya! Gusto mo ikaw lang ang star ng pasko!" ang sagot nito habang bumabaril, maya maya kumapit ito sa balikat ko at saka sumipa ng malakas kalaban.
"Nainggit ka pa talaga? Nakita mo naman na delikadong bantayan yung gago na iyan, teka diba nakikipag palit ka sa akin? Gusto mo game na?" tanong ko.
"Hmm? May sinabi ba akong gusto kong makipag palit sa iyo? Parang wala akong natatandaan frend!" ang sagot niya sakin.
"Tangina amnesia agad?" tanong ko naman na may halong inis.
Habang nasa ganoong pakikipag laban kami ay biglang may pwersang malakas na bumalot sa buong silid. Mistulang itinulak kami ni Santi wa mag ibang direksyon. "Ano yun? Parang may dumaan na isang malaking version ng rolling pin, parang ginulungan tayo ng kung ano! Arekup, napilay yata ako! s**t! Arrrgh! Napilay nga ako frend!" ang sigaw ni Santi na napunta sa likod ang braso. At mula gitna ng kadiliman ay dumating ang malaking lalaking naka harap ko noong nakaraang gabi.Entrada palang nito ay halatang malakas na dahil tumilapon kami ni Santi sa malayo.
"Arekupppp! Napilay rin yata ako!"sabi ko habang tumatayo."Siya yung sinasabi ko sayo!"
"Jusko! Halimaw na iyan ah! Siya ba yun?Ang panget niya frend, mas panget pa sa inaasahan ko!"ang sagot ni Santi sabay yakap kay Yul sa kama. "Natatakot ako papa Yul!" ang wika nito na parang isang lintang yumakap sa natutulog na binata kaya naman hinila ko siya, "Oy! Halika nga dito, baka magising si Yul!" ang wika ko naman.
Pareho kaming tumayo ni Santi sa harap ng lalaki. "Anong kailangan mo? What do you want from me?!" tanong ni Santi.
Nangiti ang lalaki sa dilim, kitang kita namin ang kanyang nakaka kilabot na ngipin at kuko. Hindi ito sumagot bagkus itinuro niya ang kinalalagyan ni Yul. "Bakla kaaa! Si Yul ang kailangan mo? Napaka bakla mo!!" ang gigil na sigaw ni Santi.
Lalong dumilim sa paligid at mas lalo pang bumigat ang aming pakiramdam na para bang may nakadagang kung ano sa aming likuran.
Nakita kong palapit ito kay Yul kaya't pilit akong kumilos at hinarang ko ang aking katawan para itinulak ito palabas. "Santi ikaw na bahala kay Yul! Ilalayo ko lang ang isang ito!"ang sigaw ko sabay gamit ng aking tungkod upang mas mailayo ko ang lalaking ito sa kwarto. Alam ko kasing mapanganib ito at hindi dapat siya makalapit sa mortal.
"Sino ka? Saan ka nag mula?"ang tanong ko habang pinipigilan ko ito
"Wala kana dun, walang makapipigil sa akin!"ang sagot nito at hindi ko maipaliwanag ang boses nya, masyado itong malalim at mahirap maunawaan.
"Kung ganoon hanggang dito ka nalang dahil hindi kita papayagang lumapit doon kay Yul o kahit na sino pang gustong lapitan tang ina mo!"
"Talaga?!" tanong nito sabay sipa sa akin dahilan para sumadsad ang katawan ko sa lupa, hinablot rin niya ang aking dibdib at kinalmot ito. Masyadong mabigat ang aking katawan dulot ng kanyang maitim na pwersa.
At dulot na rin ng pagod kaya't hindi na ako makalaban ng maayos.
Gumulong ako sa lupa at tumama ang aking katawan sa mga baka na poste ng kuryente.
"Arekupp!" hindi pa ako nakakabangon ngunit isa nanaman malakas na tadyak ang lumanding sa aking tiyan dahilan para sumuka ako ng dugo at mamalipit sa sobrang sakit.
Agad itong nag tatakbo pabalik ng kwarto ni Yul, ngunit hindi ako pumayag na makalayo siya, gamit ang aking tungkod binaril ko ito ng maraming beses, mabilis akong tumayo para sumugod ng bigla nanaman itong nawala. Pero sigurado akong tinamaan ko siya ng maraming beses pa."Frend okay kalang ba?"sigaw ni Santi sa bintana.
"Ayos lang ako, hinihingal lang ako at nag karoon lang ako ng kaunting galos!"ang sagot ko sabay hubad ng aking punitpunit na damit.
"Kaunting galos ha, ang dami mong sugat frend, sa inasta mo ay parang boyfriend na nag tanggol kay Yul, pinaka mabuti siguro ay bumalik na muna tayo sa ilalim para makapag report narin at magamot ka," ang mungkahi ni Santi sabay alalay sa akin.
"Gusto ko sana pero hindi natin maaaring inawan si Yul dito habang hindi pa sumisikat ang umaga.Kaya ko pa naman,wag mo kong alalahanin."
"Sure ka ha?oh sige ako nalang ang mag rereport nito kay Boss Lu, ikukuha narin kita ng mga gamot. Relax ka lang dito ha."pag papaalam nito sabay kumpas sa kanyang kamay at bigla itong nawala.
Inikot ko ang aking mga mata at nakita kong bumalik na sa normal ang lahat, nabuo na ang mga gamit na nasira dulot ng matinding pakikipagaway naming dalawa ni Santi. At natutuwa ako dahil maayos naman ang kalagayan ni Yul.Wala itong kamalaymalay sa nangyayari sa kanyang paligid habang tulog siya at wala rin siyang alam na nageexist ang isang katulad ko. "Matulog ka lang, babantayan kita"bulong ko habang inaayos ang higaan nito.
Itutuloy.