Kinabukasan sa store, inabutan ko si Aga na naghihitay sa labas. Malamang wala pa ang manager namin kaya nasa labas pa siya ng store. “Ang aga mo naman Aga!” bati ko sa kaniya sabay tawa ko, parang ang redundant kasi eh. Aga ni Aga, ahahaha! “Oo nga ate eh,” parang malungkot ang itsura nitong sagot sa akin. “Bakit naman parang ang lungkot mo? kahapon lang ang saya-saya mo pa ah! May nangyari ba?” Tumabi naman ako nang upo sa kaniya. “Wala po. ‘Yong girlfriend ko inaway na naman ako. Pero okay lang iyon, palagi naman niya akong inaaway eh. Kapag hindi ko nasusunod ang gusto niya, nagagalit siya sa akin.” Pilit na ngiti ang pinakawalan niya matapos magsalaysay. “Wala, pero inaway ka ng jowa mo? Eh, di may nangyari nga! Hayyy, oh, ano ba iyong gusto niya na hindi mo nagawa? Saka sure k