Kinabukasan, dahil trainee ko si Aga, kami na ang magkasabay ng shift. Pareho kaming pang-umaga kaya lahat ng mga buhat-buhat, sa kaniya ko ipinapagawa. Wala naman siyang angal eh, subukan lang niya. Biro lang! “Kuya Raffy, sabay tayong kumain mamaya ha? Mid-shift kasi si Ayen ngayon eh, kaya hindi ko siya makakasabay sa pagkain,” sabi ko kay kuya Raffy, habang iniaabot sa kaniya ang mga kawaling ginamit namin sa pagluluto. “Ayan si Aga oh!” pabirong sagot naman nito sa akin, sabay turo sa likod ko. “Naku, for sure kikitain niyan iyong jowa niya mamayang break time. Saka hindi kami pwedeng magsabay ng break,” sagot ko naman kay kuya Raffy. Nakita ko pa na nagkamot ng ulo si Aga, malamang narinig niya ang sinabi ko. Maski noong nasa ibang branch pa kasi kami ni Aga, madalas siyang luma