Ilang buwan din ang matuling lumipas. Kami pa rin ni Aga ang magka-buddy, kaya hirap akong ma-corner si Ayen. As of Aga, mukhang okay naman na siya. Hindi naman na rin ako nang-uusisa sa love life niya, kaya totally wala akong alam. “Ate, may gagawin ka ba mamaya after work?” narinig kong tanong ni Aga sa akin. Naghihiwa ako ng mis-en-place sa pantry ng mga oras na iyon. Saglit akong huminto upang lingunin siya. “Wala naman bakit?” balik tanong ko sa kaniya, saka ko itinuloy ang ginagawa ko. “Gusto mong sumama?” muli niyang tanong sa akin. “Saan naman?” sagot ko sa kaniya habang itinutuloy ko pa rin ang paghihiwa. “Birthday ko kasi ngayon eh. May kaunting salo-salo sa bahay, baka lang naman gusto mong sumama,” tila nahihiyang pahayag niya sa akin. Nagkamot pa siya ng kaniyang batok