Isang lingo ang matuling lumipas. Wala nang Dred na nanggugulo sa akin at ang matindi, in-unfriend niya ako sa Friend Zone! Grabe talaga ang bitter niya. Pero kung maka-post na in a relationship naka-public mga besh! Para siguro makita ko. Ang isip bata lang talaga niya! Mid-shift kami ni Shenny ngayong buong lingo. Kaya kampante akong may makakasabay akong bumiyahe pauwi. Nasa locker kami ngayon at nagbibihis nang magsalita si Shenny, “‘Nay, gusto mong sumama?” tanong niya sa akin habang nagbibihis. “Saan naman ‘nak?” kunot-noong balik tanong ko sa kaniya. “Diyan lang sa Cubao ‘nay gimik tayo!” Yaya niya sa akin. “Anong mayroon doon?” Hindi naman kasi talaga ako gumigimik kaya hindi ako interesado. Tumayo siya sa tapat ko habang nakahalukipkip. Mukhang tapos na itong mag-ayos ng sa