At nasundan pa nga ang paglabas-labas namin. Basta mid-shift kami, gora kami sa mga banda-bandang iyan. Minsan nga sa Marikina pa kami nakakarating basta may gig sila. Minsan din kasama namin ang iba pang mga girls. Kagaya na lang ngayon, nandito kami sa Okavango to celebrate the birthday of Shen, at siyempre dito niya kami ililibre. “Wow, ang layo ng birthday Celebration huh!” sabi ni Ayen nang makarating sila nila Janice, at Thummy sa bar kung saan namin i-ce-celebrate ang birthday ni Shen. Bumeso ang mga ito sa aming tatlo nila Shen at MJ. Nauna na kasi kami roon dahil pareho kami ni Shen ng schedule, samantalang off naman ni MJ ngayon. At ang tatlo ay mid shift, kaya naman sakto lang ang dating nila sa Okavango. “Happy birthday Shen!” magkapanabay namang bati nila Janice at Thummy