CHAPTER 18: Butterfly Haven

1602 Words
JENNICA’S POV Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama at nakipagtitigan sa puting kisame. Hindi ko na ginugustong gumalaw dahil tinatamad ako sa halos lahat...pati kumain, pati mag-isip ng kung anu-ano. Pilit kong kinakalimutan ang mga bitterness ko sa katawan ngayong magdadalawang buwan at going strong sina Jace at Gwen. Hindi nga ako nagkakamali ng mga kutob ko. Nagawang ipakilala sa akin ni Jace si Gwen. Nakakainis isipin dahil hindi ko mapigilang maikumpara ang sarili ko sa kanya. I can’t help but to feel small because Gwen is one, sophisticated, smart-looking, lady with a class. While me? Parang wasted at kiti-kiti sa life. The way I would see Gwen is that, she’s the kind of girl that every guy would be proud to have, or better yet, introduce to the world because she has all the positive qualities in the world every woman should have. Mahinhin magsalita, kahit pagtawa wala kang makikitang ikakapangit niya. While me? When I tried speaking like her, I sounded like a joke. ‘Yung tipong manghahamon ng away ang tono ng pananalita ko. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili ko na mainis sa kanya. Siguro, more of being envious because I can’t do many things that she effortlessly does. Dagdag pasakit pa sa akin ang pagiging chaperon ko sa date nila noong nakaraang Sabado. Kasalanan ko naman kasi eh. I was too excited to tell Jace of my free time when I attempted to invite him to go to the mall, almost forgetting the fact that he can’t go with me without accompanying his girlfriend. Well, as famous as he is, if I am the girlfriend, natural lang na babakuran ko kung ano ang akin. Gwen is not very vocal but I can feel that she’s also very possessive of Jace. Tsk! Girl’s instincts. I always knew that Jace is not treating me the way he would treat his so-called "princess" kasi alam ko naman sa sarili kong parang kapatid lang talaga ang turing niya sa akin. Iyon na yata ang pinakamasakit damhin. Kahit labag man sa loob ko noon, ok na lang na magkasama sila kahit ang peg ko ay third wheel lang. I’m often left out when they’re together. They forgot that I am following them. Yes, he care but I know he's just concerned about what am I doing with my life. Minsan, hindi ko maiwasang mainggit kay Gwen kasi kahit tingnan ko sa mata si Jace, nandoon 'yung pagmamahal at buong-buo niya itong ipinapakita kay Gwen. Kahit hindi nga sila masyadong sweet kapag nariyan ako, masasabi ko pa ring sweet sila the way they would act and care for each other. Ang sakit lang. Napabangon ako at napaupo sa kama ko. I folded my legs at napayakap ako sa mga tuhod ko. I tried comforting myself but no matter how I tried, hindi ko pa ring mapigil ang pag-iyak at paggunita sa nakaraang pwede ko pang makasama si Jace kahit saan o kahit kailan ko gugustuhin... "Halika." Hinatak agad ako ni Jace pagkatapos niyang sabihin 'yun. Ano na naman ba ang plano ni crush? Nagpatianod naman ako sa mga kamay niya at nakasunod lang sa kanya habang hila hila ako. Papunta kami sa likod ng library at ang kasunod na nakita ko ay nagpasaya sa akin ng husto. "Wooowww! Jace! Ang gaganda nila!" Napapalakpak pa ako habang tinitingnan ang mga iba't ibang uri ng paru-parong nagsisiliparan sa iba't ibang kulay ng bulaklak. Karamihan sa kanila ay dumadapo sa mga bulaklak na naroon sa hardin na iyon. May iba’t ibang kulay at hugis ang bawat isa sa kanila na siya namang ikinamangha ko nang husto. I really can’t help but to feel uplifted because Jace brought me here in this place... "Alam kong gustung gusto mo 'yan kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras na yayain ka dito." Ang ganda ng sikat ng araw. Palibhasa masyado pang maaga noong mga oras na iyon. Maaga akong nagising dahil tinext ako ni Jace kagabi na may surpresa daw siya sa akin. Hindi naman ako nagsisisi dahil gustong gusto ko talaga ang mga paru-paro since I was still a kid. I even remembered buying stuffs as long as it's "butterfly" inspired. Napaiyak ako ng kaunti. I never had this fun. Seeing everything that I liked in the middle of my misery? Heaven! "Sana gumaan 'yung pakiramdam mo kahit paano 'dyan." Masiglang sabi niya. "I am the happiest Jace! Salamat." Hindi ko napigilang mapaluha sa sobrang touched dahil sa ginawa niya. I am still on the verge of moving on from Kyle after what happened at nagpapasalamat ako kay Jace dahil parang siya na rin mismo ang pumupuno sa kung ano ang nawala sa akin all this time. "Siguro masuwerte ang magiging girlfriend mo sa'yo, Jace. Ang bait mo. You're a perfect guy every woman could ever dream of...and I think I am becoming one of those hopefuls for your attention and love." Hindi ko na nagawang sambitin ang huling mga salita dahil nahihiya ako. It was my budding secret na hindi niya dapat malaman. "Sus. Ayaw ko pang mag-ganoon. Okay na ako sa mga kaibigan ko at mga ka-close ko...kayo ng mga barkada ko. Wala naman halos pinagkaiba 'yung magkaroon ng gf sa wala, hindi ba? Enjoy naman ako na walang girlfriend eh." Inakbayan pa ako ni Jace at naku, ngumiti na naman ang mokong. Bakit kaya ang cute ng dimples niya? Nakakatunaw din 'yung mga titig niya. Ang lakas lakas ng appeal niya kapag sa malapitan mo siya tinitingnan. Napayuko ako at parang maiiyak na naman. "I think I will not trust any guys anymore, Jace. Wala eh...I am not a virgin anymore." Napakuyom na naman ako ng kamay ko at sunud-sunod ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Niyakap na naman ako ni Jace ng mahigpit. “If someone really loves you, ang naging kawalan mo sa sarili mo ay hindi nila papansinin. They will love you wholeheartedly for who you are, not for what you’ve experienced from the past.” He smiled, a reassuring one. “You think so?” “Yes. May magmamahal sa’yo na hindi na iisipin ang nakaraan mo. Ang magiging importante para sa kanila ay ‘yung kinabukasan na kasama ka na nila sa buhay nila.” “Pero--” "Tama na...huwag mong masyadong isipin 'yan, okay? Ang importante ay nagsisimula ka ulit sa buhay mo. I'll help you recover. Tara, kain tayo 'dun sa cafeteria libre ko." "Ohhh God! luha naman ehhh...utang na loob!" Naibulalas ko at napakuyom pa ako ng kamay. Para akong tangang nag-eemote at binabalikan ang nakaraan at ang mga sinabi niyang iyon. Nauulinigan ko pa kasi ang mga words of assurance ni Jace sa akin noong mga panahong malungkot ako at nag-iisa. I slowly wiped my tears using my hanky that's located on my bedside table nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Jen?" Narinig ko si kuya Ken na tinatawag ang pangalan ko habang kinakatok ng marahan ang pinto. "Andito ako kuya..." Mahina at medyo napapiyok pa ako ng kaunti. Tuluyan namang pumasok si kuya Ken dala-dala ang isang tray ng pagkain. "Dinalhan na kita ng pagkain kasi nakikita kong wala ka talagang plano na lumabas para sumabay sa amin ng mga pamangkin mo. Ano na namang drama 'yan, sis?" Nangungunot-noong tanong niya na medyo seryoso. "Anyare kuya? nag-away ba kayo ni Kylie?" Sinubukan kong tumawa pero nanatili siyang seryoso. Mukha 'yatang hindi effective. "Don't change the topic. Hindi kami nag-away. Ikaw naman, ano ang nangyayari sa'yo? You're not okay." Nakakatakot na ngayon ang boses niya dahil dinaig pa 'ata ni kuya ang pagiging imbestigador ng bayan sa tanong niya sa akin. "It's nothing, kuys. Alam mo naman na midterms na ngayon hindi po ba? I am studying very well, tingnan mo 'yang lamesa ko." I showed my study table at nagkalat nga ang napakaraming mga libro dahil nagbabasa ako kanina ng mga lessons na hindi ko pinakinggan sa mga lectures ng professors namin. "I hope so, Jennica. Andito lang ako, okay? Magsabi ka sa akin kung ano ang pinoproblema mo. Ay nga pala, pinapasabi ni mom na nahulog niya na 'yung allowance natin sa bank accounts natin. Nacheck mo na ba 'yung sa'yo?" "Not yet. Kelan daw ba sila uuwi ni dad?" Napatingin ako sa mata ni kuya na siya namang iwas niya agad. "With that, I don't know." Nagkibit-balikat pa ito at nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. "Tsk. Ano pa nga ba? Mas importante pa 'ata sa kanila ang mga pera nila eh." I coldly replied. "Kumain ka na sis. I just dropped by to say these things to you. Magpakabait ka ha. May date ako ngayong gabi with Kylie. Ikaw, huwag magpaumaga ng gala. Be a good sister." "Umasa ka kuya." I sarcastically answered then grinned. "Jennica..." Pagbabanta ni kuya na siya namang ikinatawa ko. "Joke lang. Sige na, layas sa kwarto ko. Uwi ka agad ha, kuya?" I smiled at him at pinisil pa niya ang pisngi ko na parang nanggigigil. "I will." "Aaarraaay..." Natatawa ako habang pinipisil ko ang nananakit kong mga pisngi dahil sa kagagawan ni kuya. Natawa naman ako nang patakbo niyang nilisan ang kwarto ko at sakto namang tumama sa pinto ang throw pillow na sana ay sa kanya pero dahil sa naisara niya agad ang pintuan ay hindi siya natamaan. I heard him giggled sa labas. "What am I doing with my life..." I managed to ask myself as I sighed heavily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD