CHAPTER 17: Ongoing miseries

1581 Words
"I love you..." Kasabay noon ang pagdampi ni Gwen ng halik sa pisngi ni Jace. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang KTV room dahil napagpasyahan nilang magdate pagkatapos ng kani-kanilang klase. "I love you more..." Ganting ibinalik ni Jace ang halik niya sa pisngi din ni Gwen. Nakahawak ito ng mikropono at bahagyang natawa sa ginagawa nilang pareho. "Madaya." She whispered on his ear that made him shiver a bit. Napangiti naman ng wagas si Jace sa ginagawa ng nobya. Lubos siyang nasisiyahan sa mga nangyayari. Indeed, having a girlfriend is not bad at all. Maraming beses siyang niloko ng kanyang maling akala. He would always think that having a girlfriend in your life is one, big hindrance to everything. Hindi pala siya magiging masaya ng lubos kung wala ito sa buhay niya. Ngayon lang niya ito napagtanto buhat nang sagutin na rin siya sa wakas ng nililigawan niya. Hinawakan niya ang kamay ni Gwen at bahagyang pinisil iyon. Napatingin naman si Gwen sa ginawa ni Jace. He held her hand closer to his lips and gave it a kiss. Namula naman si Gwen sa ginawa niya. "I am so in love with you I don't know why. Masyadong matapang ang gayumang ipinakain mo sa akin...grabe." Hindi inaalis ni Jace ang tingin kay Gwen habang si Gwen naman ay pinisil ng marahan ang pisngi ng nobyo at hindi niya napigil ang bungisngis sa inaasal ni Jace. Bakas ang kasiyahan sa mukha niya kahit na simple lang ang date na iyon. "Hindi ka mahirap mahalin Jace. You're sweet and sincere. Alam ko at confident naman ako na kahit marami ang nagkakandarapa sa'yo, ako at ako lang naman ang mahal mo. Right, bhe?" Taas-noo niyang sabi habang inaayos ng kaunti ang mahabang buhok. Hinarap naman siya ng bahagya ni Jace at inilagay ang ilan sa mga hibla ng buhok niya sa gilid ng tenga nito habang nakatingin sa kanyang mga mata. "I love it when you do that. It would always be a turn on for me. Ang ganda mo Gwen." He look at her intently. Ang mata niyang punung puno ng pagmamahal sa nobya. Ipinilig naman ni Gwen ang ulo niya sa balikat ni Jace. Masaya silang magkatabing umuupo sa loob ng KTV room. Kanina pa sila walang humpay na nagkakantahan at nagkakatuwaan. "Sana palagi na lang ganito 'noh? Parang wala lang problema. Lagi lang masaya. Wala kang inaalalang malulungkot na mga sandali." Mahinang naiwika ni Jace at napaangat naman ng ulo si Gwen ng kaunti. "Yeah. Gusto ko rin niyan. Pero alalahanin mo Jace, normal ang mga problema at mga pagsubok sa buhay. Sana andyan ka pa rin at hindi mo ako iiwan kung darating man 'yung mga 'yun." Wala sa sariling naisambit ni Gwen. Nagpakawala naman ng hininga si Jace at medyo napaisip sa sinabi ng nobya. Ano ang ibig niyang sabihin? She's always looking at him to study his reactions and the way he'd respond to her opinions. "Oo naman. Importante ka sa akin Gwen. Mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaang lilipas ang kahit isang sandali na hindi mo 'yun mararamdaman." "I am very lucky to have you." Pinisil na naman ni Gwen sa pisngi si Jace at bahagya silang natawa pareho. “Me too. I think you’re the best that happened to me this year.” “Hala, ngayong taon lang?” Medyo natawa namang tanong ni Jace sa sinabing iyon ni Gwen. “Hindi ah. What I mean is, the previous months are really experience to both of us. Masayang isipin na palagi din tayong magkikita dahil kasama din kita sa publication. Nakikita kita kung kailan ko gugustuhin.” “Of course. Someone will never be too busy when it comes to their priority. You’re my priority, Gwen.” Hindi niya napigilang mapangiti sa narinig. "Thank you, love. Oh, you know what? I love to see this always." She traced Jace's cheek at itinuro ang dimple niya. "How I love to think that I am one of the endless reasons why this little cutie is always showing. Ang gwapo gwapo ng boyfriend ko! Gosh!" Napahawak pa si Gwen sa dalawang pisngi niya na animo'y kinikilig at natawa naman si Jace sa inakto ng girlfriend. "Halika nga dito. Tama na 'yang pagbubuhat ng bangko ko para sa akin. Ang sipsip mo nang masyado." Inilapit ni Jace si Gwen sa kanya at niyakap siya ng mahigpit sa tagiliran niya. Tumugon naman si Gwen sa mga yakap nito. "Masyado tayong PDA." Gwen whispered softly as she giggled. Napatingin siya sa mga tao na nanduon din sa dakong iyon ng KTV room kung nasaan sila. "Hayaan mo sila. Yakap lang naman eh." Bumitaw sa pagkakayakap si Jace at hinalikan ang noo ni Gwen. Napapikit naman si Gwen at napangiti. "Mahal na mahal kita." Gwen smiled as she looked upon his eyes. “Mas mahal kita.” Sagot naman ni Jace at kumanta pa sila ng maraming beses at kumain sa mga kainang hindi nila nakainan dati. Those days seemed to be endless. Sa kasamaang palad, naroon din pala paminsan-minsan si Jennica na nakamatyag lang sa paligid at nakatulala habang nakatingin sa kanila. “Gosh, alam mo ba kanina pa ako kinakagat ng langgam...hahaha” Pang-aasar ni Trina habang katabi si Jennica na para bang manunugod na sa inoobserbahan. Kahit anong pigil ni Trina sa kanya na huwag puntahan ang dating place nila Gwen at Jace ay nabigo ito kaya naman natatatwa na lamang siya nang makitang miserable ang kaibigan. “Look, you’re not helping.” Naluluhang sagot ni Jennica sa bahagyang pagtawa ni Trina. “Sorry besh…” Agad namang napatikom ang bibig nito. She offered Jennica her handkerchief and she immediately receive it and used it to wipe her tears. Trina sighed loudly for Jennica to hear. She smiled bitterly at her best friend in return. They were silent for a while when Trina can’t help but to ask her something that’s bothering her for a long time. "Ilang buwan ka na bang nagtitiis?" Naiinip na turan ni Trina na halatang naiinis sa inaakto ni Jennica. "Tween..." Nakatingin pa rin si Jennica sa kanang bahagi malayo sa kinaroroonan nilang shop katabi ng KTV kung saan nakatambay sina Jace at Gwen. Nanatili silang nakatayo doon ng ilang oras hanggang sa nasaksihan mismo ni Jennica na masayang naglalakad ang dalawang magkasintahan papunta sa malayo na nakahawak kamay. Jennica can’t help but to cry once more. For her, this is too much to bear. "Bakit ba ganyan na lang ang pagiging obsessed mo kay Jace?" Humalukipkip naman si Trina na naroon sa tabi ni Jennica. "No, it's not an obsession Tween. Alam mo 'yan. I love him so much that's why it hurts so bad." Nakakuyom ang mga palad ni Jennica at inis na ipinahid ang mga luha gamit ang panyo na ipinahiram ni Trina sa kanya kani-kanina lang. "I can't seem to understand you. Marami ka namang lalake. Marami namang sumasama at nakikipagdate sa'yo... why Jace? Hindi kaya't ang ego mo ay masyadong natamaan dahil siya lang 'yung hindi natablan ng charisma ni Jennica?" Sabi ni Trina na nakakunot pa ang noo. "No. I love Jace simply because I love him. No other reasons Tween." Malungkot na sagot niya sa kaibigan. "Pwes, sinasabi ko din sa'yo Tween...itigil mo na 'yang malabo mong pangarap. As you can see, he love Gwen more than anyone else." "Hindi ba pwedeng mahalin ko lang siya, Tween? I am contented by the thought of just loving him." Wala sa sariling tugon ni Jennica na hindi pa rin tumitigil sa kakatanaw sa papalayong couples hanggang sa nawala na ang mga ito sa kanyang paningin. Kumawala naman si Jennica ng isang mahabang buntong hininga. "Yeah, right. Para ka na ring kumuha ng kutsilyo at paulit-ulit na nagsu-suicide, friend. Oo nga't nagmamahal ka pero hangga't one-sided 'yan, masasaktan at masasaktan ka pa rin." "I can't unlove him Tween, Jace would be Jace. Siya 'yan eh...and I will not stop loving him 'til I'll get tired. Hayaan mo na lang ako." Jennica said between sobs. Hinawakan naman ni Trina sa magkabilang balikat si Jennica. "Uso magpakatino dai. Huwag tanga sa pag-ibig all the time. Isipin mo din ang kapakanan ni heart at brain baka tuluyang magmalfunction 'yan." "I'll be okay Tween." "Okay mo mukha mo. Hindi mo nga mapigil 'yang mga luha mo, okay ka? Sino ang niloloko mo, Jennica?" Napayuko na lang siya sa itinuran ng kaibigan at hindi niya rin napigilang mapayakap dito. "Sino bang kaibigan ang gugustuhing makita ang kaibigan niyang umiiyak? Oo nga't inaamin ko kahit sumasama ang loob ko sa pang-aaway mo kay Harry Potter my husband, eh hahayaan na lang din kita dyan sa Jace mo na wala ngang ka-alam alam na mahal na mahal mo pala. Ang saklap!" Napatawa ng marahan si Jennica sa sinasabi ng kaibigan niya sa kanya. "Thanks for being here, Tween. Salamat at palagi kang nariyan whenever I feel miserable." "Sana nga mapag-isipan mo na ring ibaling ang atensyon mo sa iba. I always want you to be happy." Hinigpitan din ni Trina ang yakap sa kaibigang naluluha na naman. "I hope that's very easy as 1,2 and 3 pero hindi Tween eh, hindi 'yun ganun ka dali, but I will give it a try." “You have to move on, besh. Please...maawa ka naman sa sarili mo.” Napatingin naman si Jennica kay Trina. She never thought that sentence will hit her hard this time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD