CHAPTER 12: Can this be love?

1581 Words
"Are we all clear? questions?" Seryosong sabi ng EIC (Editor-In-Chief) ng publication na kinabibilangan ni Jace. "What time are we going out?" Napaangat ng kamay si Jace sabay sabi noon na ikinatawa ng lahat. "Jace Martinez, if you really want then we can go right away, as in ngayon din! natatawang sabi ni Helena, ang Editor In Chief nila. Jace grinned at tumaas-baba naman ang kilay niya habang tinitingnan si Gwen na natatawa rin. "Excited ang bata...minsan lang 'yan gumagala guys, pagbigyan!" tudyo naman ni Ken na malisyosong palipat lipat ang tingin kay Jace at Gwen. "Hmmm, but seriously though, aside from that, may mga tanong pa ba?" Natatawang tanong ulit ng EIC nila sa lahat. Nang halos lahat ng naroon sa room ay wala nang maisip na tanong, napatingin si Helena sa lahat ng naroon. "Very well then. If there are no questions, then this meeting is now over. Ayan na Jace, okay na." Dugtong pa ng EIC na halos nagpasigla sa lahat. Nagsitayuan na ang magbabarkada. Ang halos karamihan ay naghahanda nang lumabas suot ang kani-kanilang bags. Meron namang nag-ayos pa nang kaunti ng mga kalat sa kani-kanilang work tables na nakalaan sa bawat officers. Nang halos lahat sila'y naglalakad na palabas ng pintuan, nagulat naman si Jace ng biglang kumapit si Gwen sa braso niya. It's closer to hugging him. If only she knew that his heart is not behaving at this point of time! "Uy chansing ah..." Pasimpleng puna ni Jace kay Gwen habang nakatingin ng diretso sa pintuan. Napatawa ng marahan si Gwen at kukunin na sana niya ang kamay niya. Biglang inipit naman ni Jace ang kamay ni Gwen sa braso niya habang nakangiti sa kanya. "Aray!" Naging sagot 'yun ni Gwen sabay namula ang mukha nang husto dahil pakiramdam niya'y nagsimula na namang tumingin ang iba nilang kasama sa kanilang dalawa. Nakatingin na nga siya halos sa baba sa sobrang kahihiyan habang hinahawakan siya ni Jace. "Joke lang...I want it that way, huwag mong tanggalin. Tara na." Sagot niya sa namumulang si Gwen. Naging kumportable naman ito agad dahil friendly naman talaga si Jace. Kahit na sinong makakasama niya ay makakaramdam agad ng security dahil napaka-gentleman niyang nilalang. He always have a lot to offer. "Gwace loveteam kami!" Nasabi na lang ni Trisha, isa sa mga staffs na kanina pa kinikig sa sulok. Pinagdugtong na Gwen at Jace na pangalan ang gusto niyang tawag sa dalawa. "Ang sagwa pakinggan. No malice mga bruh, di'ba Gwen?" Masiglang sabi ni Jace. "Y-Yeah...barkada lang ano ba kayo! anlakas ninyong maka-yiihiiee diyan ah." Sagot naman ni Gwen at sinabayan pa niya ito ng pag-ngiti niya. Hindi rin natigil ang mga kantiyawan dahil kapag mamumula ang mukha niya, talagang mapapansin ng halos lahat ng makakakita sa kanya sa ganoong sitwasyon. Masayang silang nakarating sa Mall na kanilang binabalak na puntahan. Halos sabik ang lahat sa group bonding dahil alam nilang hindi sa lahat ng oras ay nakakagala ang mga officers dahil sa dami ng gagawin at deadlines. at hindi sila magkamayaw sa pagpasyal sa mga gusto nilang subukan at puntahan sa mall na iyon. Mababakas ang labis na kasiyahan sa kani-kanilang mukha. Walo silang magbabarkada ang nagpasyang pumunta sa mall para maglibang nang kaunti. Nakangiting pumasok sila sa Jollibee at katulad nang inaasahan, magkatabi naman silang umupo ni Gwen at Jace. "M-May dumi ba ako sa mukha?" Napatigil ng nguya si Gwen nang mapansin niya ang matang nakatitig sa kanya. Nang makita niya si Jace na nakatingin sa kanya sa gilid, hindi niya napigilang bitawan ang mga kubyertos at napatakip sa kanyang mukha. "Ay sorry, wala naman." Nakangiting sagot ni Jace. Siniko naman siya ni Ken ng palihim. "Ay, okay. Kain tayo." Nagpatuloy ulit ng pag-nguya si Gwen ng spaghetti niya habang sinubukan naman ni Jace na kainin ang pagkain niyang one-piece chicken joy with palabok. Pagkatapos nilang kumain sa isang fastfood restaurant ay agad silang napunta sa Quantum at nagpareserve pa ng room para sa videoke. "T-Thanks." Medyo nahihiyang napaupo si Gwen sa tabi ni Jace dahil sa panay naman ang usog ng iba nilang mga barkada hanggang sa ang natirang espasyo ay sa tabi ni Jace. Napangiti naman ito habang sinasalubong ang mga mata ni Gwen. Kaagad namang ibinigay ng mga kasama ni Jace sa kanya ang microphone at nagpindot na ng numero sa controls para sa kakantahing kanta niya. -- JACE’S POV Fallin' out, fallin' in Nothing's sure in this world no, no Breakin' out, breakin' in Never knowin' what lies ahead We can really never tell it all no, no, no Say goodbye, say hello To a lover or friend Sometimes we never could understand Why some things begin then just end We can really never tell it all no, no, no... Nakangiti akong kinakanta iyon habang napapasulyap sa kanya na siya namang ngiti niya bilang tugon. Ang mapuputi niyang ngipin na animo'y perlas na nagkikislapan sa aking paningin, ang kanyang mga matang sing banayad ng mumunting alon sa dalampasigan na kay sarap tingnan at ang mapupulang labi niya na kay sarap hagkan... But oh, can't you see That no matter what happens Life goes on and on So baby, just/please smile Coz i'm always around you And ill make you see how beautiful Life is for you and me... Naririnig ko pang nakikisabay sa aking pagkanta ang mga kasamahan ko pero ewan ko ba, hindi nahihiwalay ang paningin ko kay Gwen at kahit namumula na rin ang mukha niya ay nakangiti pa rin siyang hinaharap ako at nakikisabay din sa kanta. Lalo akong naaakit sa kanya dahil maganda din kasi ang boses niya dahil kumakanta at nagcocompose din siya ng mga kanta kapag trip niya. Take a little time baby See the butterflies color's Listen to the birds that were sent To sing for me and you Can you feel me This is such a wonderful place to be Even if there is pain now Everything would be all right For as long as the world still turns There will be night and day Can you hear me There's a rainbow always after the rain... Kinakanta ko ang "Rainbow" na ikinanta ng Southboarder. Maganda kasi ang lyrics ng kantang ito para sa akin. Napahawak na naman siya sa braso ko at napasandal dito ng bahagya, at eto na naman si puso, hindi na kumakalma. Putik! Kainis! Minsan, hindi ko na naiintindihan ang nararamdaman ko kapag nariyan siya sa paligid. Awtomatikong napapabilis ang pagtibok ng puso ko na animo'y tinakbo ko ang milya milyang lugar kapag nag-uusap kami. Nagugustuhan ko rin na kapag nakikita niya na masyadong awkward sa pagitan namin ay binabawi niya iyon sa pamamagitan ng friendly gestures. I always like her humility and simplicity. Biglang napasok sa isipan ko si Jennica… Sa kadahilanang malapit ako kay Jennica ay hindi ko mapigilang maipaghambing silang dalawa ni Gwen.I should say, she's her exact opposite in nature. Maingay si Jennica, palakwento ng kung anu-anong mga bagay bagay at pangyayari sa buhay niya. She's a girly type na medyo may pagkapasaway minsan dahil 'yun nga, spoiled sa nanay at tatay niya at halos lahat ng gusto ay nakukuha. Palibhasa nagtatrabaho sa ibang bansa ang mga magulang ni Ken at Jennica kung kaya't hindi nila masyadong alam ang mga nangyayari sa anak nila dito sa 'Pinas. Ang nakakatandang kapatid lamang nila ang kasama nila sa bahay niya at ang dalawa nilang pamangkin. May kaya sila sa buhay at may dalawang kasambahay na pupwede nilang utusan kahit na anong oras nilang gugustuhin. Marami na rin siyang naging boyfriend at papalit-palit pa minsan sa isang linggo. Bigla ko namang naisip ang mga maaaring gawin niya sa buhay niya. Napalapit na rin kasi siya sa akin, I always care for her so much, that as much as possible, ayaw kong nakikita siyang umiiyak sa mga maling lalaking umaabuso rin sa kabaitan niya at pagmamahal. Tss, oo nga pala...hindi ko alam kung pagmamahal ang nararamdaman niya doon. Base kasi sa pag-uugali niya, masasabi ko ring hinding hindi siya magiging stick to one pagdating sa mga lalaki. "Jace, guys are awesome! the more the merrier!" Naulinigan pa niya ang minsang nasabi ni Jennica sa kanya noong kakahiwalay niya lang sa lalaking masasabi kong playboy ng campus. She's saying that bitterly between her tears noong nag-uusap kami. "Uy!" Biglang pukaw naman ni Gwen sa diwa ko. Kasalukuyan kaming naglalakad lakad at marami akong iniisip ng biglang nilagay niya ang kamay niya sa harapan ko na siya namang ikinagulat ko. "Ha?" "We're you listening Jace? Nagtext ang ilan sa mga kasama natin na mauuna na daw sila kasi gumagabi na..." Masigla niyang turan. She's too patient to wait for whatever I will decide to do while looking at me with her glistening eyes that always meant "happiness" for me. "Ah, ganun ba? May gusto pa sana akong gawin eh..." Medyo nahihiya kong sabi. "I'm thinking about going home pero ano ba 'yun? maybe I can go with you a little bit." Tipid niyang sagot at nakangiti pa rin. Bakit kaya gustong gusto niyang ngumiti? Tss. Kung alam niya lang, sa tuwing ngumingiti siya, hindi ko rin mapigilan ang loob kong mas mahulog pa sa kanya. "Bump cars?" I confidently said na medyo nagpatamlay sa aura niya at medyo napayuko pa siya. "Kasi ano eh..." Napaiwas pa siya ng tingin. I lift his chin up and pinch the tip of her nose that made her chuckle. "Akong bahala...tara!" I said as I firmly took hold of her hand like she's already mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD