CHAPTER 13: Lovebug

1577 Words
Hinawakan ni Jace ng mahigpit ang kamay niya na para bang hindi niya gustong pakawalan pa. Kaagad naman itong namula at pero nagpaubaya na lamang si Gwen na hawakan ni Jace ang kanyang mga kamay. "I always liked your hair. Turn on sa akin ang mga babaeng mahaba ang buhok." Pasimpleng sabi ni Jace na hindi nga nag-iba ng ekspresyon niya. He's always like that. He loves to give compliments without any emotions pero ang hindi niya alam ay nagdudulot ito ng kakaibang pakiramdam kay Gwen. Nakakagulat ang pakiramdam na bumibilis ang pagtibok ng puso niya sa tuwing ginagawa iyon ni Jace. That kind of feeling that's also becoming new to her because of what he's making her feel. "Sa buhok ko lang ba? How about me?" Sagot naman ni Gwen na awtomatikong nagpangiti kay Jace. "Gusto ko ang mga banat mo na 'yan!" Natatawang sabi ni Jace at pinisil ng kaunti ang kamay ni Gwen. She pouted her lips as she jokingly frowned. Sa tingin naman ni Jace ay gumaganda pa lalo si Gwen kapag ginagawa niya iyon o ipinapakita niya ang ekspresyon ng mukha niyang iyon kay Jace. "Kung pupuri ka kasi ng babae, dapat 'yung kumpleto para walang reklamo." "Okay, boss. Noted po yan!" Natatawang sagot ni Jace kay Gwen. Napahigpit pa lalo ang paghawak ni Jace sa kamay niya habang naglalakad sila sa mall na 'yun. Marami din ang napalingon sa kanila dahil bagay silang dalawa bilang couple. Jace, looking cool in his uniform pati ang jacket na suot niya ay bumagay sa kanya. Si Gwen naman ay parang model din sa kanyang uniform dahil sexy naman talaga siya. Kahit anong damit ay bumabagay sa kanya. Kasalukuyan silang papunta sa kinaroroonan ng bump cars. Nagbayad si Jace at sumakay na nga sila dito. Bakas na bakas ang kasiyahan sa dalawa. "Oy, andaya! binabangga mo ako sa likod!" Tawang tawa si Gwen habang pinapagalaw ang bump car niya na parang kinalabisa pa ang mga dapat pundutin sa sinasakyan nila. Animo'y parang hinahabol ang mga kabataan nila. "Try me!" Pang-asar namang sagot ni Jace habang binibilisan ang pagpapatakbo ng bump car niya na parang nanghahamon ng "mini race" sa pagitan nilang dalawa. "I'll get you in no time!" Tumawa siya at mas binilisan din ang pagpapatakbo sa bump car niya. Ilang minuto pa silang naglaro na parang hindi inaalintana ang oras. Hindi naman nila mapigilang tumawa palabas sa area na iyon pagkatapos ng kanilang nakakapagod na laro. Napahigh-five pa ang dalawa at tuwang tuwa sa nangyari kani-kanina lang. "You don't have to do all these things." Gwen finally said. Napakunot-noo naman si Jace habang nakatingin sa mata niya. "What do you mean? Ayaw mo bang maglaro tayo? Pasensya na ha. Napilit pa kita." "Hala, hindi naman 'yun yung point ko." Bahagyang napaiwas naman nang tingin si Gwen sa kanya. "Eh, ano nga ba?" Usisang tanong ni Jace. His tone is getting impatient, too. "Sorry sa pagpapalibre sa'yo ha. Wala kasi akong masyadong allowance sa galaan. 'Yung tama lang binibigay ng mga parents ko sa akin." Nahihiyang litanya ni Gwen habang naglalakad sila ni Jace. "Ok lang naman sa akin eh. Ako kaya ang nag-isip ng bump cars. Feeling ko masaya kasi doon, and don't worry may part-time job naman ako at may pera kaya walang kaso 'yun sa akin." Sagot ni Jace at panakaw na tinitingnan ang reaksyon ni Gwen. "Ah ganoon ba? I see...thank you ha." She said na medyo nahihiya pa. It was exactly 8:30PM at napagpasyahan na nilang umuwi. Habang binabagtas nila ang kahabaan ng mall stalls papuntang exit ay nahagip ng paningin ni Jace ang isang stall ng bilihan ng mga microponong pangvideoke. "Sir, try nyo po. Magaganda at latest po ang lahat ng mga songs na nakainstall na sa product namin." Nakangiting sinabi iyon ng isa sa mga nagbibenta at napalapit ito kay Jace dahil medyo napalapit din si Jace sa mga stalls at napatingin ng malapitan sa hile-hilerang mga produktong nandoon. "Opo! ita-try po namin!" Gwen suddenly grabbed the microphone and winked at Jace. He in return, flushed with embarrassment at the same time, excitement. Nababakas agad sa mukha niya na awkward at medyo nahiya siya sa tagpong iyon pero dahil kay Gwen ay naging malakas ang loob niya. "S-Sige...masyado ka 'atang bilib sa akin Gwen, pagbibigyan kita." Napangisi siya at kahit namamawis ang mga kamay ay nagsimula na siyang pumindot ng mga numero sa malaking wireless microphone. -- JACE'S POV Just a smile and the rain is gone Can hardly believe it (yeah) There's an angel standing next to me Reaching for my heart... I selected "I lay my love on you" by Westlife. Isa sa mga paborito kong mga kanta. Marami namang magagandang latest hits ngayon pero mas gusto ko kasi ang mga Whenever she's around, a smile will automatically flash on my face. Kakaiba ang idinudulot niyang kasiyahan sa puso ko, para siyang anghel na kusang dumating para bigyan ng kulay ang buhay ko, and I can't help but to fall for her more and more. Just a smile and there's no way back Can hardly believe it (yeah) But there's an angel calling me Reaching for my heart I know, that I'll be OK now This time it's real What if...this is love? Kung mahal ko na nga siya ngayon, ganoon din ba ang mararamdaman niya sa akin? Kung sasabihin ko ba sa kanya na nagugustuhan ko na siya, may pag-asa ba ako sa kanya? Kung sasabihin ko ba ang nilalaman ng puso kong halos baliw na 'ata sa kanya, maniniwala kaya siya? Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatitig sa kanyang mga matang nakatingin din pabalik sa akin habang nakangiti. Para bang ninanamnam niya ron ang bawat lyrics ng kanta. Nararamdaman ko ang katuwaan sa kislap ng kanyang mga mata sa tuwing sinasabayan ko ang background music. Sadyang pang-minus one ang piece na 'yun dahil boses ko lang talaga ang naririnig. Para namang lulubog ako sa kahihiyan dahil unti-unting nagkukumpulan ang mga tao na gustong makiusyoso sa kung sino man ang kumakanta. I lay my love on you It's all I wanna do Every time I breathe I feel brand new You open up my heart Show me all your love, and walk right through As I lay my love on you... "Ang galing grabe!" She cheered at me as she happily clapped her hands after I sing that song. I hope she knows that it is dedicated for her. Nababakas sa kanyang mukha na masaya siya dahil pinagbigyan ko siya sa kahilingan niyang iyon. Kung hindi lang dahil sa kanya, hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang pagkanta sa public places. Hindi kasi ako sanay na magprisintang kumanta kung ako lang. Likas kasi akong mahiyain at bihira lang ang mga taong makakahikayat talaga para mapakanta ako. "Kailangan ko 'yan galing sa'yo para maging walang hiya minsan sa pagkanta." Natatawang tugon ko sa papuri niya. "Maganda naman talaga eh..." Hindi na matigil ang mga papuri niya. Namumula pa ang mga pisngi niya at napayuko pa habang nakangiti. Hindi siya siguro sanay na pumuri ng isang tao ng harap-harapan. I took hold of her hand again. Pakiramdam ko'y unti-unting lumalamig ang mga ito habang hawak-hawak ko ngayon. Kinakabahan ba siya? "Uwi na tayo?" Masiglang tanong niya. "Kung pwede lang na hindi, di'ba?" "Ay baliw ka, alam mo ba 'yon?!" Napahampas naman siya ng marahan sa braso ko at natawa naman ako sa biglang sinabi ko sa kanya. Dahil medyo malayo ang lugar papunta sa kanila ay sinamahan ko na lang siya sa sasakyan. Kasalukuyan kaming magkatabi ngayon at ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigilang hawakan ang kanyang malambot na mga kamay. I can feel the sense of belongingness when I hold her hand. It's as if she's my everything from this point in time. Parang gusto kong maging madamot ngayon. Nakikita ko kasi na hindi niya tinututulan ang paghawak ko sa malambot niyang kamay. Parang sa mga sandaling ito'y ginugusto ng sistema ko na dapat mapasa-akin siya. She looked at me sheepishly. Palipat-lipat siya ng tingin sa mukha ko at sa kamay niya na hawak hawak ko na medyo nahihiya. "Sa maniwala ka't sa hindi, NGSB ako...kaya siguro kung maging tayo...you'll be my first." I nervously said na halos pabulong kasi medyo puno ang sasakyan. "P-Parang tayo na nga eh..." medyo mahina niyang sagot na tila nahihiya ngunit hindi iyon nakalagpas sa pandinig ko. "So, tayo na?" lakas-loob kong sabi. Pinatay ko na ang lahat ng hiya ko sa katawan. Hindi na naman mapakali si puso, bumibilis na naman ang kanyang pagtibok. "Oo...tayo na. " Nakangiti siya habang tinitingnan ako sa gilid ko. "Yes!" Halos pasigaw kong sabi na nagpalingon sa lahat ng pasahero sa amin ng panandalian. Hinampas ako ni Gwen ng mahina sa braso. "Aish...sumigaw pa talaga..." Mahinhin niyang reklamo pero natatawa na. "Masaya lang ako...masayang masaya. I love you Gwen." Halos pabulong kong sabi sa kanya na nagpangiti naman sa kanya ng todo. Ayos talaga! I took hold of her hand again. Iba pala talaga sa pakiramdam na akin na siya ngayon at ako'y sa kanya na rin. Pinisil ko ito ng marahan at sa tingin ko nama'y abot langit ang kasiyahan na naghahari sa puso ko ngayon. "Hanggang dito na lang ako Jace...marami kasing adik sa amin eh. I love you too." Sabay ng pagkasabi noo'y ninakawan niya ako ng halik sa pisngi bago tuluyang bumaba. Masasabi ko ngayon na ako na yata ang pinakaswerteng lalake sa balat ng lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD