CHAPTER 16: Scars from the past

1573 Words
Tumakbo si Jennica ng napakabilis palayo sa lugar na iyon...sa lugar kung saan nagdudulot ng napakatinding sakit sa kanyang puso. Inaamin niya, liberated siya, mapusok when it comes to showing her emotions. Ilang lalake na rin ang dumaan sa kanya. Others come and go, for her, that's never a big issue anyway. However, when she knew that Jace is having a girlfriend, doon niya napagtanto kung gaano na pala siya nahuhulog sa itinuturing lang siyang kaibigan. Yep. That word “friend”, or worst, “baby sister”? She doesn’t know how Jace treated her in the first place. Kung pwede lang sana na sabihin niya kay Jace ang sama ng loob na nararamdaman niya, gagawin niya agad. Kung pwede lang sanang sumbatan si Jace at tanungin kung bakit niya nagawang saktan siya ng ganoon na lang? Gustuhin man ni Jennica, alam niyang napaka-impossible. Paano niya magagawa iyon kung hindi nga alam ni Jace ang estado ng nararamdaman nito para sa kanya? She’ll appear as a big, fat joke at him when she will do it. Hindi niya napigilang mapabalik-tanaw sa nakaraan. Simula kasi noong winasak ng una niyang pag-ibig ang buong pagkatao niya ay ipinangako niya rin sa sarili na hinding hindi siya magseseryoso, not after she fell in love once again. How she hates it...palagay niya lahat ng sakit na naranasan niya sa nauna niyang pag-ibig ay unti-unting bumabalik. "Mahal na mahal kita...hindi pa ba sapat na binigay ko sa'yo lahat? Wala nang halos natira sa akin...please..." Halos hindi tinigilan ni Jennica noon ang pagsunod sa lalaking halos hindi niya na kilala. The way he would look at her is different. "Sorry Jen...pero marami na ang nagbago simula noon. Hindi ko na kayang magsinungaling pa sa nararamdaman ko. Hindi ko kayang paniwalain ka pa sa mga gusto mo lang marinig. Ayaw ko ding ipadama sa'yo ang mga bagay na sa huli ay baka pagsisihan natin pareho." Hindi na rin halos makapagsalita ng diretso ang lalaking iyon. Nakayuko lang ito habang hinaharap si Jennica na wala namang tigil sa pag-iyak. Hapon na noon at halos sila na lamang ang naroon sa sulok na iyon ng University. "M-Mahal mo ako hindi ba? pinangako mong hindi mo ako iiwan..." Unti-unting nagtama ang mga mata nila pareho ngunit hindi gusto ni Jennica ang pakikitungo ng kasintahan niya na sobrang mahal niya. Halos gumuho naman ang mundo ni Jennica noong mga oras na iyon. "Patawarin mo ako Jen. I don't love you anymore." She ran without any direction while tears ran down her cheeks. Everything got blurry because of the tears in her eyes but she didn’t care anyway. When she felt that her feet is already sore, she slowly paced down, panting and sweating a lot. Iniisip niya na sa mga pagkakataong iyon ay mukha lang siyang tangang umiiyak. "Hey? Jen? Why are you crying?" "S-Si Lance...hindi ko siya kayang kalimutan Jace." Nakayakap si Jennica kay Jace at napasamyo naman si Jace sa buhok nito. Likas kasing matangkad ito kung ikumpara sa kanya. "Hush now. Halika, may pupuntahan tayo." Hinawakan niya ang kamay ni Jennica at kumawala ito sa kanyang yakap. Natagpuan na lamang ni Jennica ang sarili sa fourth floor ng IT building. Sa sobrang kalungkutan, hindi na niya namalayan na nakarating na pala sila doon. Sila lamang ang tao sa mga oras na iyon. It was exactly 3:00pm at napakabanayad ng ihip ng hangin. The atmosphere is a bit cloudy kaya naman hindi masyadong mainit. "Drink this." "Huh?" Naguguluhang tugon ni Jennica habang inaabot ang tumbler ni Jace. Naramdaman ni Jennica ang lamig sa container na iyon. "Huwag kang mag-alala. Pampakalma 'yan." Ngumiti naman si Jace habang tinitingnan sa mata si Jennica. Bigla namang napaiwas siya ng tingin dito. Uminom si Jennica at natawa siya ng bahagya. "Tubig?" She's more than amused now because she felt just fine. Hindi niya rin mawari kung bakit. "Yep. It always does the trick. Kamusta na pakiramdam mo ngayon?" "Okey na okey!" Natawa na siya at tila ba nakisama sa trip ni Jace. "Halika..." Lumapit naman kaagad si Jennica sa kanya na nakangiti na ngayon. "Eto...yakapsule." Niyakap naman ni Jace si Jennica ng mahigpit at bilang ganti, she hugged him back. She never felt this good not until Jace let her feel it. Sa sobrang gaan ng pakiramdam niya ay napapikit na siya ng kanyang mata. Hindi niya naiwasang magbalik-tanaw sa mga pangyayari noon...of how Jace slowly helped her recover from a sudden heartache from the guy she used to love. Of how Jace replaced her wounded heart with his amazing care. Kaya naman hindi napigilan ni Jennica ang sarili na mahalin siya ng lubos...Hindi niya akalain na doon pala magsisimula ang lahat… Ikinuyom niya ang kanyang palad at ipinahid ang kanyang mga luha gamit ang mga kamay. She started to look at herself in the mirror inside the girl's CR. She found herself standing in front of the big mirror facing the cubes. Napahilamos din siya ng mukha para hindi siya nagmumukhang umiyak. She hurriedly got her pouch sa kanyang shoulder bag at nagsimulang magretouch. I wide grin then flashed on the mirror where she's staring at. "You should get used to it. Kakausapin ka niya at ikukwento sa'yo lahat...everything including his devotion for that nobody. Of how much he loved her. Well, you need to be strong enough to accept endless knives that may crush your heart for many times. You can do it honey." Nasabi na lang niya sa kanyang sarili. Humugot siya ng isa pang malalim na paghinga. Of course, that’s what’s friends are for, right? Of course she will be expecting that Jace will tell her everything, including his love life and all the happenings in his life. She will be expecting that from this day on as well, they will not be seeing each other quite often because he’s already taken by someone else...while Jennica is taken for granted. Malungkot ang kanyang mga mata...singlungkot ng panahon dahil nagbabadya na namang umulan. Nakita niya kasi ang repleksyon ng ulap na makulimlim sa maliit na siwang ng bintana sa mga oras na iyon na tila ba nakikisama din sa kanyang nararamdaman noong mga oras na iyon… Mabigat ang bawat hakbang niya palabas ng girl’s CR. May mas malala pa ba sa sitwasyon niya ngayon? May pagkakataong gusto niya na lang mawala at hindi na mahanap ng kung sino. Pakiramdam kasi niya, nawala na ang taong nag-aalala ng husto para sa kanya. Ang taong palaging nariyan kung kailangan niya. How she regretted not telling him what she felt for him in the first place. She might have prevented Jace from falling to another girl instead of her… --- "Jace? Are you okay?" Masaya si Gwen habang kinakausap ang nobyo. Kasalukuyan silang nasa cafeteria at kumakain ng breakfast ng mga oras na iyon. Tahimik lang kasi si Jace na kumakain at napapayuko pa minsan kaya naman hindi na rin mapigilan ni Gwen ang magtanong sa nobyo. "I'm good. May nangyari lang kasi kanina..." Tipid niyang sagot habang sumusubo ng kanin sa bibig. "What is it? May problema ba?" "It's...nothing.” “Oh, okay. You better eat a lot. Feeling ko, pumapayat na ang mahal ko.” Naramdaman bigla ni Jace ang pag-init ng kanyang pisngi. Parang nagulat siya sa sinabing iyon ni Gwen at napaubo ng kaunti.” “Oh my gosh, are you ok?” Hindi mapigilang matawa ni Gwen sa nakita. Bahagyang nabulunan kasi si Jace sa nginunguya niya ngayon. “Siguro hindi ko lang inasahan ang mga sinabi mong iyon. Parang hindi prepared ang puso ko. Sorry.” Nakangiti namang pinunasan ni Gwen ang gilid ng pisngi ni Jace ng maliit niyang panyo. Hindi napigilang mapahawak si Jace sa kamay ni Gwen. “By the way, hindi ba't nine o'clock ang klase mo? Ihahatid na kita sa room mo ha." Bumawi naman ng ngiti si Jace kay Gwen. It seemed like he wants to drift his thoughts away from Jennica kahit halatang nag-aalala ito sa kanya. Gusto niya munang makalimutan ang reaksyon na iyon ni Jennica na hindi niya makalimutan. Alam naman niyang makakapag-usap din sila ni Jennica at maitatanong nito sa kanya kung ano ba talaga ang problema nito. "Please...no. Ako na lang kasi may pupuntahan pa ako." Sagot naman ni Gwen na nagpakunot sa noo ni Jace. "Saan?" Bigla namang sumeryoso ang mukha nito. "We'll go to the library and do some research with my classmates kasi may reporting kami bukas." "Okay." Malumanay niyang sagot. Tiningnan niya si Gwen habang may katext ito sa cell phone. Umiba naman ang pakiramdam ni Jace sa mga sandaling iyon. Tila ba may naramdaman siyang iba sa ikinikilos ng nobya sa araw na iyon na hindi niya mawari. Tumayo na sila at nang akmang aalis na si Gwen ay hinawakan naman ni Jace ang kamay nito at inilapit si Gwen sa kanya ng kaunti. "I love you Bhe..." He barely whispered na nagpangiti naman kay Gwen. "I love you too! I'll text you and see you later ha!" Hinalikan naman ni Gwen sa pisngi si Jace at nagmamadaling umalis. Sinundan naman ni Jace si Gwen ng tingin habang papalayo sa kanya. There goes my only possession,there goes my everything...I promise to love and cherish you by all means. Hinding hindi mo pagsisisihan na naging nobyo mo ako, Gwen. Nasabi na lamang ni Jace sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD