CHAPTER 10: His love, her pain

1547 Words
JENNICA'S POV "Oh my! you haven't heard the rumors and news spreading? the who ang girl na kasama niya sa iisang payong kagabi habang pauwi!" I was stunned in a brief moment...then, I find myself closing my fist after hearing that. It's like hearing what she said for endless times. Hindi ko napigilang sumimangot ng husto sa harap ni Trina. Pakiramdam ko'y nag-aapoy na ako ngayon dahil sa matinding pagseselos. Napaisip pa ako ng malalim at tila ba napakaraming tanong ang biglang nagsulputan sa aking isipan. Sino ang babaeng kasama ni Jace? Sino ang ka-share niya sa payong na 'yun? 'Ni hindi ko nga halos naalala na may naikwento siyang babae o nililigawan, kahit classmate niya, o barkada o kahit nakilala niya pa 'yan sa kalsada. Bigla naman akong natigilan sa mga pinag-iisip at sinaway ko naman ang sarili ko. God, Jennica! why would he even tell you all those things in the first place? ano ka ba niya, girlfriend? Umayos ka! On the other hand, alam ko naman sa sarili ko na kaibigan din ang turing niya sa akin at napakaimposible naman 'ata na hindi niya iyon masabi o maibanggit sa akin. "Parang" close naman kaming dalawa kapag nag-uusap ah...or assuming lang ako? Saglit na napakunot ang noo ko. 'All I know my dear Jace is one, cold, ignorant type of a guy. Hindi niya talaga trip ang mga ganyang pakikipagsalamuha, lalong lalo na sa mga tagahanga niyang mga H&H (hipon and hito, combined)' tanging nasabi na lamang ng isipan ko. "Whuy...'edi natalo ka?" sabi ni Trina na nagpabalik sa diwa ko. May "tulala" moment pa akong nalalaman. Natatawa naman siya sa inakto ko. Tiningnan ko naman siya na para bang kakainin ko siya ng buhay. Halatang nag-eenjoy naman si Trina sa nakikita niyang pag-iba ng mood ko dahil sa sinabi niya. Masasampal ko itong babaeng ito makikita niya talaga kung sino ang niloloko niya! "I know you're just saying that kasi sinisiraan ko ang non-existent mong boyfriend..." Nagsimula nang sumeryoso ang aking mukha at napahalukipkip na humarap sa kanya. Salubong ang mga kilay ko at nakakuyom pa rin ang mga kamay ko. Nakakainis talaga! Nararamdaman ko rin na unti-unting namamasa ang aking pilikmata at dahil doon ay napakurap pa ako ng mas mabilis at napatingin ng bahagya sa taas. Marahas kong pinunas 'yun ng mga daliri ko. I can't seem to accept what I just heard. Parang ayaw pang mag-sink in sa utak ko, parang ayaw tanggapin ng sistema ko na may ibang kinakausap na babae si Jace, well bukod sa akin. "Totoo Jen. Marami ang kumakalat na balita na may girlfriend na daw si Jace. Ang sweet sweet pa nga nila ng girl eh. Akalain mo 'yun? umuulan ng malakas pero sila naman anlakas ding makipagharutan sa isa't isa akala mo solo nila ang world!" Pabirong tumili si Trina dahilan para batukan ko siya agad ng medyo mahina. Sumimangot naman ito habang minamasahe ang ulo niya habang nakatingin sa akin. This brat even pouted her lips. Seryoso, parang maiiyak na talaga ako dahil sa selos. Knowing Jace, he's not easily swayed sa mga babaeng umaaligid sa kanya. Never will he waste his time on them. Isa siyang snob at walang pake sa mundo but then, what the hell?! "Trina...I never thought I could hate you this much! I can't believe gagawa ka ng kwen--" Bago ko pa man ipagpatuloy ang mga sasabihin ko pa nang biglang ipinakita niya ang touch screen phone niya sa harap ko. May larawan ni Jace habang nakahawak sa payong ang isang kamay at bahagyang nakayapos naman ang isa sa beywang ng babae, at ang babae ay nakahawak naman sa braso niya. Nakatingin pa sila sa isa't isa habang nakangiti. "Bwisit!!!!!!" Mahina kong nasambit iyon kasabay ng mga luhang pinilit kong pigilan sa harap ng kaibigan kong si Trina. Parang sa pagkakataong iyon,biglaang sakit sa puso na aking nadarama, literally... As I look at their picture, pakiramdam ko'y para akong tinraydor ng lalakeng minamahal ko. Minamahal ko ng palihim at ako lang ang nakakaalam. Mas hindi ko pinansin ang mukha ng babae sa kadahilanang mas gugustuhin ko pang tingnan si Jace at ang ekspresyon ng mukha niyang masayang masaya habang kausap ang babae. Kakaiba ang kasiyahan na nakita ko sa mga mata niya. Oo nga't masasabi ko na parang 'yung girl pa 'yung nagmumukhang madaldal pero parang hindi iyon alintana ni Jace. The way he look at her is so different I can't even imagine it. I've never seen that adoring look and glistening eyes coming from my Jace whenever we talk, or even laugh at each other when he would crack jokes and some sort of stuffs compared to what I am seeing now. His smile is different as she looks at the girl. Hindi ko aakalaing makikita ko si Jace at maikukumpara ang reaksyon niya sa mga napapanood ko sa mga pelikula. 'Yung tipong kahit anong ginagawa ng babae, o kung gaano man ka haggard o kapangit ang sitwasyon niya,magiging sapat na siya. Kahit sabihin man ng ibang tao na pangit ang babae kung mahal talaga siya ng lalaki, hindi niya ito alintana. A girl will always be beautiful to a man's eyes if he truly loves her. Thinking about only this makes my heart and soul crushed to bits. Nakakapanghina. She's giving me a worried look at the same time while she's waving her palm at me.Naku, isa pa 'tong abnormal kong best friend... Tulala lang ako ng mga sandaling iyon. Napansin ko rin na nagpalipat-lipat naman ng tingin si Trina sa akin at sa kanyang phone. She hurriedly locked her the screen of her phone at ibinulsa ito. Ewan ko lang kung dahil ba iyon sa sympathy niya sa sitwasyon ko o natatakot lang siya na baka itapon ko agad ang phone niyang iphone 6? "Friend...alam mo, kalimutan mo si Jace, okay? tingnan mo ang sarili mo? Is he even aware that you're getting miserable because of him? Hindi kayo "in-a-relationship" so don't act as if you're one, jealous girlfriend!" she said in her most neutral way of dealing with situations. Napayakap ako kay Trina as I cry my heart out. Masyadong bago ang ganitong pakiramdam para sa akin. Seldom would I cry for a guy for a particular reason. I am always confident that they are after me but this one's different. The pain of being the least desired of the one that you only love is just too real you wish you will not love once more... --- Napagkasunduan ng mga kasamahan ni Jace sa publication na magkaroon sila ng group date sa kalapit na Mall sa kanilang University sa araw na iyon. Halos lahat ay excited dahil patapos na iyon ng maraming gawain din sa office. "Are you going?" He nervously asked Gwen pero hindi niya iyon pinahalata. "Yeah...as if I had a choice." Pabirong sagot niya habang nakangiti kay Jace. 'Damn...Gwen, bakit kasi ang ganda mo, lalong lalo na kapag napapangiti ka? kakaiba naman ang pintig ng puso ko...kainis!' Jace kept that thoughts to himself habang nakatingin kay Gwen. "Hey, don't look at me like that. N-Nakakahiya..." mahina at halos pabulong niyang sabi kay Jace. Kasalukuyan kasi silang magkatabi sa upuan dahil may pahabol na meeting pa ang Editor In Chief nila bago sila umalis sa office. "Kasi eh...marunong ang aking mata na umappreciate ng magagandang view." Jace moved his head closely to Gwen that made her smile a lot more. "Baliw!" Napahampas naman ng marahan si Gwen sa braso niya as she chuckled. Nagulat silang pareho nang mapadako ang tingin ng halos lahat ng mga kasamahan nila sa room sa kanilang dalawa. "Uuuyy.." tudyo naman ni Ken habang sinisiko si Jace. Magkatabi naman sila sa isang side dahil nasa gitna si Jace nakaupo. "Looks like we're having a different kind of "meeting" here, huh..." Hindi napigilang kumento ng kanilang Editor-in-Chief habang nakangiti. "Nangangamoy love life ka na pre ah..." Nakangising bulong ni Ken na masayang masaya para sa kaibigan. "Sorry po, EIC." Mahinang sambit naman ni Gwen habang tilang nahihiyang ngumiti sa lahat. "I will accept your apology if you answer the question that everybody is dying to know about..." Nagtaas-baba pa ng kilay ang EIC nila na siya namang kinagulat ni Gwen. "Ano po 'yun?" Halatang kabado ang kanyang boses. "Well, I heard that someone wants to know if you're in a relationship right now or not yet?" Napasinghap naman ang halos lahat sa diretsahang tanong ng kanilang EIC. Natawa naman ito sa naging reaksyon ng karamihan. "A-Ah, hindi pa po. Studies first." Tipid na sagot ni Gwen habang nakangiti sa lahat. "Aawwww..." Halos sabay na sabi ng halos lahat. Nang mapansin nilang lahat na halos sabay na sila sa pagsambit, natawa na lang silang lahat. Namula naman sina Gwen at Jace at medyo napaiwas ng tingin sa isa't isa at napaupo sa kani-kanilang silya ng matuwid. Marami kasing mga matang nakatutok na ngayon sa dalawa dahil sa pagiging malapit na nila sa isa't isa. Napanakaw pa ng isang sulyap si Jace ngunit siya pa ang nabigla sa mga sandaling iyon. That exact feeling of trying to steal a gaze from the one that you admire and then you caught off guard knowing that person that you're stealing a gaze with is already looking at you from the very start!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD