CHAPTER 9: Emotions taking me over

1554 Words
JACE'S POV "Oh those lovers...this love rain..." Nauulinigan ko pa ang mga katagang iyon nang pauwi ako sa bahay. Mula kasi iyon sa mga estudyanteng nakapaligid sa amin habang naglalakad kami sa gilid ng daan. They are dreamily saying that to them as they observe us a while ago. It was a very fine evening ever since the rain had stopped. Masyadong malakas ang buhos ng ulan at malamig ang hangin na bumabalot sa aming katawan pero 'nung umalis naman si Gwen ay tila nawala ng parang bula ang makakapal na ulap sa kalangitan. Unti-unti na ring nawawala ang pagpatak ng mga tubig mula sa itaas. Napaangat ako sa mga ulap at napansin ko ang mangilan-ngilan na mga bituin na nagsisimulang magkislapan habang ang ilan sa mga ulap ay nahawi,tila ba papalayo na sa isa't isa. Hindi na rin natatakpan ang napakagandang bilog na buwan na nagsilbing liwanag habang tinatahak ko ang daan ilang hakbang na lang sa pintuan ng bahay namin. Nagsimula na akong maglakad ng mabilis dahil alam kong madilim at pagabi na. Medyo malapit lang kasi ang bahay namin sa University at nakagawian ko nang lakarin na lamang iyon. Hmmm..pero ano nga ba ang love rain na sinasabi nila? Kinabukasan, dahil sa sobrang kuryosidad ay marami akong napagtanungan kung ano ang ibig sabihin ng katagang iyon. Kung pamilyar din ba sa kanila ang "love rain" at napangiti ako nang malaman ko na title pala iyon ng isang sikat na korean drama. Siguro gusto lang nilang ikumpara ang nangyari kagabi sa isang eksena doon sa palabas. "Thank you...ang sweet natin!" Tila naririnig ko na naman ang boses niya na bumihag ng puso ko. Ito ba talaga ang pakiramdam ng "in love"? Parang naririnig mo ang boses niya saan man sulok ka pumunta? Simula nang magkausap kami ng matagal at madalang, parang ang dating ng boses niya sa akin ay maihahalintulad sa musika. Maganda at sobrang nakaka-adik. Ito 'yung pakiramdam na gugustuhin mong marinig nang paulit-ulit na hinding hindi ka magsasawa. Halos hindi rin ako makatulog dahil hindi ko naman mapigilan ang aking sarili na balikan ang mga tagpong iyon kagabi. Naalala ko, noon, tinitingnan ko lang siya sa malayo, ang mga ngiti niyang hindi ko lubos aakalaing masisilayan ko sa malapitan habang nagiging malapit din kami sa isa't isa. Ito na siguro ang sinasabi nilang katuparan ng mga pangarap. Mula noong nakasama ko siya at nakakausap ng malapitan, hindi na siya nawala sa aking isipan. Hindi ko makakalimutan ang araw na sinimulan ko siyang pangarapin na balang araw, may "kami" rin. Naging kasiyahan ko na rin na makita siyang masaya at nakangiti. Nakakatuwa siya dahil kahit na corny ako minsan sa pagtapon ng mga jokes sa kanya ay magiliw niya pa rin itong tinatawanan. Masasabi ko rin sa sarili ko na hindi siya mahirap patawanin dahil mababaw lang ang kaligayahan niya. She's truly one of a kind. She's undeniably humble and approachable at the same time. From her sweet,innocent looks down to her being simple and being cool in all things.. No wonder, she's the girl that you would always wish to be yours because she's gonna be worth it. JENNICA'S POV "Tweeeeennnnn!!!" Halos pasigaw kong niyakap si Trina ng mga sandaling iyon. Sino siya? Well, siya talaga pinakabestfriend ko sa lahat, best friend ko na tipong napapagsabihan ko ng lahat lahat sa akin, including my kabaliwan kay Jace. To give you a heads up,siya ang tipong walang pakialam sa mundo. She's the listener type of a girl na medyo trip magpaka-weird ng kusa at tumahimik sa isang sulok, lalong lalo na kapag bored. Simple, walang kaarte arte sa katawan, geeky s***h nerdy din minsan kasi nga ang boyfriend niya daw ay si Harry Potter at ang mga best friends niya bukod sa gitara niya, ay mga libro at encyclopedia. She's really my opposite in nature, marahil iyan ang mga naging rason kung bakit naging magbest friends kami sa halos katagalan.Marahil ang pagiging schoolmates namin noong high school ay isa rin sa nagpabuklod talaga sa samahan namin. I've known her and she knows a lot more about me too. Sabi nga nila negative equals positive type ng mga ugali ay nagki-click talaga palagi. She's really a trusted friend bukod sa mga kabarkada ko na talagang mahihilig sa night outs. Iba naman ang mga budhi at kaluluwa ng mga iyon. "What?" She muttered,her usual way of responding or answering my questions. Pinataasan pa ako ng kilay. Kahit nakayakap na ako at tuwang tuwa sa ichi-chika ko sa kanya, hindi pa rin niya inaalis ang mata sa makapal na libro na baon niya araw-araw. "What ka diyan...shemay lungs amiga! syet syet syet!!!" Patili kong sabi sabay hampas sa braso niya. Napasimangot naman siya sabay halukipkip and she's giving me that whimsical look. She finally stopped focusing on her book as she looks at me and my funny and crazy facial expression. "May plano ka ba talagang sabihin sa akin ang "something" na 'yan o ano?" Naiinip niyang turan. "Oo naman...wait..." Nakangiti ako at nag inhale, exhale muna bago sumagot. Hindi makuha-kuha ang ngiti ko habang dinidetalye ko ang kaabnormalang nagawa ko kagabi. Gosh, kahit nakakahiya man 'yun para sa akin, at least best friend ko itong si Trina. She will completely understand this side of me. "Huwwaaaatttt????!!!" Bulalas niya pagkatapos kong maikwento lahat sa abot ng aking pagkakaalala. I smiled triumphantly. Napatakip naman siya ng bibig at napalaki pa ang mga mata niya na medyo natatawa. Sinabayan ko rin ang pagtawa niya pero may halong kilig na 'yun. I really can't help it! "Oh my goodness my dear! I never thought you're too desperate!" Pabirong sabi niya. Natatawa pa rin siya na para bang hindi niya gustong paniwalaan na nagawa ko nga 'yun kay Jace. "Well, that's him, my dear. My God, Treen...halos mahimatay ako that time. Alam mo 'yung feeling na..." Pinukulan ko siya ng nakakatawang tingin sabay sabing... "Hinahalikan mo si Harry Potter your boyfriend!" Sinabayan ko iyon ng tawa na may bahid pang-aasar sa kanya para naman ng sa gayon ay makakarelate siya sa nararamdaman ko. Napatakip din siya ng bibig sabay tili na animo'y pigil na pigil. "That exact feeling of reaching the star...reaching your dreams and making it come true before your very eyes. Parang nakahalik ako sa artista..." I dreamily said while touching my lips at ngumisi na naman. "Ew...ang halay ha! Gaga ka talaga girl! buti na lang talaga bumenta sa kanya ang excuse mo na lasing ka "kuno". Kung hindi naku lagot talaga...awkwardness to the highest level ha!" Natatawa niyang litanya. "Well, breezy moves tawag 'dun amiga. Alam mo ba, kahit mamatay na ako ngayon. Ang saya saya saya talaga! It's really too much!!!" I excitedly shrieked. Nakita ko naman na masayang masaya ang kaibigan ko sa sinabi ko sa kanya. "Ganyan ba talaga kapag nagmamahal ka? Nagiging luka-luka ka at baliw? Mabuti na lang talaga nagmamahal ako sa non-existent na nilalang. Fictional character lang ok na ako. No pressures and no heartaches. Tipong wala akong mapapalang disappointments." She grinned at tipong nagpaparinig lang. I smiled at her. Well, hindi ko naman masisi si Trina. Iba ang opinions niya compared to my other friends. Hindi pa siya nagkaka-boyfriend kaya naman inasahan ko na ring marinig 'yun sa kanya. "Weird ka talaga. Eh alien ka naman eh. Wala kang puso at hindi ka normal dahil mga fictional characters ang minamahal mo.." I boastfully answered na nagpataas din sa kilay niya. "Tsk. Read a book and you'll see. You'll not crave for more because all the guys that you're dreaming of are perfectly here you'll not ask for anything more." She said in a defensive tone. "Hindi mo naman mahawakan o manakawan ng kiss." Pabirong sagot ko. Natatawang naaasar bigla ang mukha ni Trina. "Pssshhh friendzoned naman...duh!" Pang-asar niya na halos hindi rin papatalo. "Well..." Napasimangot ako at napaisip at dahil doon at nakikita ko na naman sa ekspresyon niya na parang matatawa siya assuming that her "friendzoned" thing can discourage my argument from failing. Mas okay kaya si Jace kung ikumpara sa Harry Potter niyang hindi nga maappreciate ang isang "Trina Belmonte". "Mas masakit kayang ma-friendzoned." Hindi pa rin siya tumitigil. Ha-ha-ha!" Binigyan niya ng diin ang kanyang "hahaha" na sinasabi, batukan ko kaya ito? "At least si Jace totoong tao, si Harry Potter mo kahit tatanda ka at mamamatay waley siya...isa siyang imagination!" I smiled mockingly. "At least ako alam ko, sa puso ko nagmamahalan kami ni Harry Potter, ramdam ko amiga! Kung ikumpara naman dyan sa Jace mo na kung kani-kanino sumasama!" Napangiti bigla ang kaibigan ko sa akin nang napakamahulugan. Parang napadilat naman bigla ang mata ko sa gulat. "What did you just say?" I exclaimed as my way of response. Trina folded her arms and gave me a look as if thinking of something before she can finally spill it out. "Oh my! you haven't heard the rumors and news spreading yet?" Napakunut-noo pa ito habang nakatingin sa akin. "What news?" I gave her a puzzled look. Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabing iyon ni Trina. Parang may mali. "Your Jace is walking with a girl under the rain, sharing one umbrella. Marami pa ngang nagsabi na sweet daw sila, as in." I was stunned in a brief moment...then, I find myself closing my fist after hearing that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD