CHAPTER 20: Contagious conflict

1577 Words
"Once upon a time, there was a girl who fell in love with someone who loved somebody else. It's hurting her but she seemed to not care at all because she's willing to be foolish enough and wait even in vain. Oh,love indeed." Umiling-iling pa si Trina kasabay ng litanya niyang iyon habang nakatingin kay Jennica na humahaba na naman ang leeg sa kakasunod ng tingin sa dalawang lovers na napadaan sa harap nila. "Shut up." She bluntly replied while looking at her friend. Tiningnan niya ito ng napakasama. Nakagawian na siyang asarin ni Trina pero hindi niya rin maiwasan na hindi mapikon sa kaibigan minsan sa mga patama nito sa kanya. "Sorry naman." Trina heave a heavy sigh and smiled as if easing the building tension between them. Napayuko naman si Jennica at naging malungkot. Kahit siya, hindi na rin alam ang gagawin sa nararamdaman niya sa sitwasyong kinasasadlakan niya ngayon. “Do you think you’re helping yourself if you always look at them, being sweet or happy together? Hindi ka ba nasasaktan sa ginagawa mo?” “This is my life, Treen.” “Buti sana kung ikaw lang mag-isa ‘yung nag-eemote jan. Minsan nadadamay ako.” Palambing na patama ni Trina sa kanya. Lumingon naman siya sa bestfriend niya na may lungkot sa kanyang mga mata. “You can leave any time. You don’t have to accompany me, Treen. Sorry for ausing all these trouble” “And this is the part when my conscience will always haunt me. Nakakatakot ka kasi kung masaktan baka ano pa magawa mo.” Jennica sighed as she held her best friend’s hands. Ramdam niya na concerned talaga ang kaibigan niyang ito sa kanya. She remembered venting out to Trina na gusto niyang mag-suicide dahil ang sakit makita na masayang masaya sina Jace at Gwen kahit habang naglalakad sa isang parte ng University, o ang pagiging napaka-maaalahanin nito sa nobya. Iniisip niya na kung hindi lang niya girlfriend and babaeng iyon, paniguradong sa kanya ito gagawin ni Jace. It kills her to think na sa iba niya na ito ginagawa. Ang kaibigan naman niya ay tila sineryoso ang “venting out moment” niyang iyon at todo bantay o buntot talaga sa kanya kahit saan man siya magpunta. She doesn't want for Trina to accompany her but she can't see that her friend can't help it. Nakikita niyang nag-aalala talaga ito nang husto. May isang part sa sarili niya na ginugusto nang palayain ang nararamdaman at hayaan na lang si Jace kay Gwen. However, no matter how she tried, hindi niya talaga makakayang gawin iyon dahil para sa kanya, si Jace lang sapat na. Alam niya kasi sa sarili na si Jace lang ang halos lahat sa kanya. She love him so much that she can wait for him no matter how long the sake of her love for Jace. She’s always secretly hoping that Jace and Gwen will break up for her to finally confess her feelings for the guy of her dreams. "Ilang months na nga sila?" Trina asked seriously as if wanting her to realize something. "Seven months and twenty days." Walang kagatul-gatol niyang sagot sa kaibigan. "Oh, I see. So, wala ka talagang planong kalimutan siya? Wala na bang "move on" sa vocabulary mo, Jen?" "Wala eh. Ayaw ko." Halos hindi niya rin matingnan ng diretso sa mata si Trina. Mas gugustuhin niya sa sarili na maghintay at magmahal na lang kay Jace kahit sa malayo na lang. "Okay. Ginusto mo 'yan. I am also the kind of friend who can tolarate someone na pinapauso ang word na "katangahan". D'yan ka masaya eh. Wala naman akong magagawa kundi suportahan ka na lang." Natawa ng bahagya si Jennica na nagpatawa din kay Trina. That frustrating gesture-turned joke na sabay nilang tinawanan at ginawaran pa ng high-five ang isa't isa. "Thank you,Tween." Umiling-iling na lamang si Trina bilang tugon. Tutal, wala naman na siyang magagawa para sa kaibigan kaya go with the flow na rin siya. She knows that at the end of the day, it’s her bestfriend’s happiness that always matter. "I just realized one thing: This "love" indeed can really make someone really, really stupid." She said as she shrugged in front of Jennica who is still looking from afar. Malayo ang tingin, wala namang tinatanaw... --- "Where have you been?" Seryosong panimula ni Jace ng usapan pagkadating na pagkadating ni Gwen sa usual meeting place nila sa isa sa mga sementadong tables and chairs sa mini-forest. Nakatayo lang ito habang kinakausap siya. "Ah, kasi may ginawa lang kaming project with my classmates bhe." Mahina at hindi halos makatingin sa mga mata ni Jace si Gwen. He's been waiting for her for two hours already but then he seemed to notice na parang wala lang ito sa nobya. Nakita niya rin na parang wala itong ganang makipag-usap sa kanya at tila ba may iniisip pang iba. "Hindi ba may load ka naman pantext? Hindi mo man lang inisip na gawin iyon? Hindi mo ba alam kung anong oras akong naghintay dito?" Sunud-sunod namang tanong ni Jace. Kalmado pa rin ang boses niya ngunit halatang pigil na pigil na ito sa inis na nadarama. "Hindi ka ba makaintindi? Busy nga ako eh. Nakakainis naman. If you're mad, spill it out! Hindi 'yung mangungunsensya ka diyan as if I am the bad guy here." Napahalukipkip sa sobrang inis si Gwen at hinarap ang nobyo. Hindi na nga siya nag-abalang umupo sa harap ng sementadong silya na paharap din kay Jace. "Kinakausap kita ng matino, Gwen. At tsaka, sino 'yung palagi mong kasama kapag pumupunta ka sa cafeteria? Ang sweet ninyo." Pang-uuyam niya na nagpaiba sa mukha ni Gwen. Halata ang pagkainis sa mukha niya sa mga oras na iyon. Nabigla naman si Gwen sa narinig. "Oh, and you're jealous now? C'mon Jace! Alam mong classmate ko lang si Jerald." "Wala. Hindi ako nagseselos at bakit ko gagawin iyon? May tiwala naman ako sa'yo. Gusto ko lang sana kahit man lang itext mo ako para hindi na ako mag-aalala kung nasaan ka o ano na ang ginagawa mo." "Wow! So, you're saying that I must inform everything that I am doing with my life, right, Jace?" Pagkainis at galit ang pumapagitna sa kanilang dalawa. Nagsimula nang tumaas ng bahagya ang boses ni Gwen. She can’t help but to be disappointed because Jace is implying that he can’t trust her with smaller things. "Bakit Gwen? Wala na ba akong karapatan na mag-demand sa'yo ng ganun? Boyfriend mo pa ba ako?" "I hate your immaturity Jace! Nakakasakal at nakakapikon ka na minsan! Hindi na kita maintindihan!" Bahagyang tumalikod si Gwen at napabuntong-hininga sa sobrang inis. Napakuyom pa siya ng palad habang si Jace ay napatayo na at napalapit ng bahagya sa kanya. "I should get you home. Hapon na. Ihahatid na kita." Hahawakan sana ni Jace ang balikat ni Gwen ngunit mabilis naman niyang kinabig ito. "Huwag na huwag mo akong hahawakan. Sa tingin mo, okay tayo?" "Sorry." He can't even put into words what he ought to say. "You said sorry but did it change a thing?." Sarkastiko niyang tanong na medyo ikinalma ang boses para hindi makaagaw pansin sa mga nakatambay din sa bahaging iyon ng University. Inayos ni Gwen ang bag niya sa gilid at hindi halos nilingon si Jace. "This is you when we're having an argument or something. Sorry ka nang sorry without even justifying yourself. You are trying to end what I am starting by that damned sorry pero hindi mo nga magets 'yung pinupunto ko kapag may problema tayong ganito." "Ano ba ang gusto mong mangyari, Gwen? I am resolving our conflict. Nagpapakumbaba na ako at lahat, ano pa ang gusto mo? Na tuluyan tayong masira?" "Hindi mo na ako naiintindihan at nakakapagod na sobra, alam mo ba 'yun?" She said, this time gathering all her strength to face him. "You're stopping our usual way of making things clear, Jace. Gusto kong pag-usapan minsan ang mga away natin. I want to clear things out and I am expecting you'll do the same thing by explaining yourself further! Again, hindi ko kailangan ng sorry mo,Jace. That damned "sorry" na nakakairita na minsan sa sistema ko!" Sunud-sunod niyang sabi na ikinalungkot nang husto ni Jace. Mababakas sa mukha niya ang stress at ang kagustuhang matapos na ang argumento nila ni Gwen. "Ihahatid na kita. Ayaw ko na ng away. Gusto kong okay tayo palage, bhe. Please naman oh." Mahina na at kalmado ang boses ni Jace at inabot ang kanang kamay nito sa kanya. He attempted to intertwine his fingers to hers pero nabigla siya 'nung iwinaksi ito ni Gwen. Napatingin pa ito sa kanya para ipakita kung gaano ito naiinis kay Jace. She looked disappointed because she also thinks that Jace is not understanding her side, too. "Alam mo na strict yung parents ko. Hindi ka pa nga nila kilala bilang boyfriend ko. Huwag mo na akong ihatid. I can manage to go home all by myself." At tuluy-tuloy na itong lumakad papalayo at tinalikuran si Jace na napaupo sa simentadong silya at napasabunot na lang ng kanyang buhok. "What did I do this time?" Hindi niya rin napigilan ang sarili na maging emosyonal sa mga sandaling iyon. Everything got blurred from his sight as his gaze followed Gwen as she hurriedly walks away from him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD