CHAPTER 21: A road to getting over

1552 Words
"Jace?" Nangungunot-noong tanong ni Jennica habang nakaupo sila sa isang sikat na fast-food restaurant. Napagpasyahan niyang itext ang kaibigan dahil hindi pa rin siya halos makapaniwala na nag-away na naman sila ni Gwen. Hindi niya namalayan na nakatulala na pala siya habang hinihintay ang order nila na iserve. "H-Ha?" Napabalik naman ulit siya sa kanyang huwisyo at nagtama ang kanilang mga mata. Awtomatikong napangiti naman si Jennica at parang matatawa anytime. "Ang cute mo kapag ganyan ka. Kailan ka pa natutong magseryoso? As in 'yung tipong seryoso talaga na hindi ka na namamansin." Kalmadong saad nito. Kaharap naman niya si Jace sa pagkain. Napangiti rin ng pilit si Jace ngunit sa loob-loob niya ay iba ang kanyang pakiramdam. Parang masakit at sasabog siya anumang oras. Mixed emotions. He was thinking about what happened earlier...of how Gwen ended their day together. Mahal na mahal niya ito. Alam niya sa sarili niya. For how many months of them being in a relationship made him realize that to love and to be loved back is one of the most amazing feelings that you will feel for as long as you live pero ngayon, tila ba naiiba na rin ang ihip ng hangin sa pagitan nila. "P-Pasensya ka na Jen. Ikaw 'yung unang-una kong naisip kanina. Pasensya na kung naistorbo kita." "Ano ka ba, Jace? Alam mo magtatampo ako kapag hindi naman ako ang maisipan mong isama. Libre 'to eh...alam mo naman ako!" Jen tried to crack a joke but then Jace answered it with a sigh. Bumalik naman sa pagiging seryoso si Jennica. "Sorry." Dugtong naman ni Jennica at napayuko pa. "Naku, huwag. Ako ang dapat humingi ng pasensya sa'yo, sa abala. Sige ano pa ang gusto mong pagkain? Sabihin mo lang." Medyo ngumiti si Jace ngunit alam naman ni Jennica na malungkot siya. His eyes clearly expressed signs of sadness and anxiety. "Nag-away na naman ba kayo?" Jennica said while offering him some fries nang mai-serve na ang kanilang hinihintay na order. Kumuha naman ng ilang piraso si Jace at saka nito sinubo at nginuya pero seryoso pa rin ang expression ng mukha niya. "Bakit ganyan kayong mga babae nuh? Hindi ko kayo ma-gets. Minsan, ang sweet ninyo, minsan magsusungit, mang-aaway o di kaya'y magwa-walk out na lang basta-basta. Hindi niyo rin kami iniintinding mga lalake. Kahit paano naman may damdamin din kami, bakit kayo lang ba ang nasasaktan?" "Hala grabe ka naman kung makapag-judge sa aming mga babae..." Jen even clicked her tongue and pouted her lips because she’s partly disagreeing to Jace’s sudden, general remarks when it comes to girls. " Oo. Masyadong marami ang ugali ninyo. Minsan, 'yung mga sinasabi naman ninyo sinusunod namin pero kabaliktaran pala 'nun ang ibig ninyong sabihin. Ang sakit na minsan sa ulo. Nakakawala kayo ng pasensya." Iritadong saad ni Jace at tumitingin pa ng direkta sa mata ni Jennica. Napahawak naman sa dibdib si Jennica at natatawa na tumataas ang kilay. "Ikaw alam mo, namumuro ka na diyan sa "kayo" ninyo sa mga babae ha. Excuse me Jace, every girl is unique. How dare you to just assume that we’re all the same?!" ‘Abnormal lang ako pero hinding hindi kita magagawang awayin ng ganyan. Love kaya kita…’ Sa isip-isip ni Jennica na gustung-gusto naman niyang sabihin kay Jace ngunit mas pinili niyang isigaw na lamang ito sa puso niya at sa loob-loob niya. 'Mahirap na. Kaibigan mo lang ako.' As she looks at Jace, she can’t help but to wish she’s the girlfriend that he’s having right now. Iniisip niya na kung siya ang nobya nito, hindi siguro siya maiistress ng ganito. Malungkot na ngumiti si Jace. Hindi naman makayang tingnan ni Jennica ang mahal niya ng ganoon na lang kaya nakaisip siya ng ideya. Ganoon na lamang ang pagkabigla ni Jace 'nung isinubo ni Jennica ang burger sa bibig niya. “Oooy...akin ‘yan ah, bakit mo kinagat?” Hindi napigilang mapatawa ni Jace sa inaktong iyon ni Jennica. “You’re too busy being sad, sayang kasi ang burger eh. I assumed that you’re not gonna eat it, so…” Jennica said as she winked at him. Natawa naman siya ng bahagya sa ginawa niya at hinawakan niya ang kamay ni Jennica at kinuha ang burger sa kamay nito. Nagsimula na siyang kumain ng medyo mabilis. "’Eto na oh, kinakain ko na ‘yung sa akin. Grabe ang takaw mo naman. Wala ka na palang burger kasi ubos mo na ‘yung sa’yo." Sagot naman ni Jace na natatawa pa. Bigla namang nakaramdam ng kasiyahan si Jennica dahil kahit paano’y nakita niyang naibsan ang kalungkutan ng mahal niya...ng palihim. "Magiging okay din kayo." Ngumiti si Jennica at napahawak sa balikat ni Jace. ‘I hope not, at all.’ Ang huling linya ay nasabi na lamang ni Jennica sa sarili. Gustung gusto talaga niya na magbreak na sila ni Gwen para mapasakanya na ang lalaking pinapangarap niya sa simula pa lang. ...........................X JENNICA’S POV She's smiling as she lay on her bed. Inaamin niya sa sarili niya na pagkatapos ng ilang buwan, ngayon siya ulit sumaya ng ganito. Magsisinungaling naman siya kapag sasabihin niyang malungkot talaga siya sa nangyayari sa magkasintahan. She knew that it's her chance to have a role now in the life of the man he truly loves. Alam niya na may pag-asa at posibilidad na maghiwalay sila base sa nakikita niya. Nakangiti siyang tumitingin sa kisame ng kwarto niya. "Oh, and you're jealous now? C'mon Jace! Alam mong classmate ko lang si Jerald." "Wala. Hindi ako nagseselos at bakit ko gagawin iyon? May tiwala naman ako sa'yo. Gusto ko lang sana kahit man lang itext mo ako para hindi na ako mag-aalala kung nasaan ka o ano na ang ginagawa mo." "Wow! So, you're saying that I must inform everything I'm doing with my life, right, Jace?" Pagkainis at galit ang pumapagitna sa kanilang dalawa. Nagsimula nang tumaas ng bahagya ang boses ni Gwen. "Bakit Gwen? Wala na ba akong karapatan na mag-demand sa'yo ng ganun? Boyfriend mo pa ba ako?" "Oh my gosh!" Napatakip ng bibig si Trina nang bigla siyang hablutin ni Jennica patalikod sa lugar kung saan kasalukuyang nagkakasagutan ang magkasintahan. "Shhhh...ang ingay mo tween!" Saway naman niya. Padaan na sila ng mga oras na iyon sa mini-forest nang napansin agad ni Jennica ang dalawa kaya naman mabilis pa sa alas-kwatro silang nagtago sa likod ng building na medyo malapit sa mini-forest. Naririnig nila mula doon ang sagutan ng dalawa at hindi naman napigil ang pag-ngiti ni Jennica. Tiningnan naman siya ni Trina na may panunuya. "Ang saya niya, grabe. Evil!" Napabungisngis ng mahina si Trina. "Huwag ka ngang maingay, Tween. Panira ka ng moment eh...hayaan mo muna sila. Dito lang tayo." At sinundan pa nila ang tingin ng papalayong si Gwen na bigla na lang nag-walk out nung mga oras na iyon. Napasabunot naman ng buhok si Jace sa sobrang inis nang mga sandaling iyon. Maya-maya pa ay tumunog ang cell phone ni Jennica. 2 missed calls from Prix. 1 text message from Jace. Inasahan na niya na hahanapin siya ni Jace dahil nag-away na naman sila ni Gwen pero hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon. It’s been a long time that they’ve dated together with just the two of them, without Gwen and she can’t help but be excited and giddy her heart started to beat really fast. Hindi niya pinansin ang missed call ni Prix, instead, she excitedly read Jace's text message. Jen? Wr ka? Kain tayo Mcdo. Nagugutom ako. My treat. "Oh my gosh!" Napapadyak si Jennica habang pinapatingin kay Trina ang text message. Napahalukipkip naman si Trina at tiningnan agad ng masama si Jennica. "Tss..." Umiling-iling naman si Trina sa inaakto ng kaibigan pero ngumiti naman ito para sa kanya. Napahawak naman ng mga balikat ni Trina si Jennica at niyuyugyog iyon tanda ng kilig niya sa mga sandaling iyon. "Paano, mauuna na rin pala ako sa'yo Tween. Uuwi na ako, nagtext na rin si Papa na andun na sila ni mama sa waiting shed at hinihintay ako. Alam ko naman na hindi ka na rin namin maisabay pauwi kasi may date ka." "Sige tween. I love you. Take care. I love you!" Natatawa at sabik namang tugon ni Jennica. Marahil sa sobrang saya niya sa nasaksihan ay parang nababaliw na siya sa inaakto niya. "I know, I know. Masaya ka lang ngayon eh...oh siya, cherish your "friendship" with him. Wala pa ring forever, kay Harry Potter my husband ko lang." Natatawang umalis si Trina at napanguso naman si Jennica sa kaibigan. Dali-dali naman siyang pumunta kay Jace at nagsimula na silang maglakad papalabas ng school. What a night. How she loved recalling that incident that she’d been wishing for so long. Masayang masaya siya habang binabalik-tanaw ang nangyari a while ago. She's been hoping for it to finally happen. Nararamdaman niya sa sarili na umaayon sa kanya ang lahat lahat ng mga nangyayari sa pagitan ng magkasintahan. She grinned. Oh my gosh, at last. It is really happening. It’s my luck this time. I’d risk everything if I have to.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD