CHAPTER 8: Her smile, my world

1577 Words
"I was actually looking for you." Medyo nahihiyang sabi ni Gwen. Napayuko pa ito ng bahagya at tipid na ngumiti. "Bakit? Parang wala ka namang nakalimutan kanina sa study shed..." Sagot ni Jace na parang nauutal pa. He’s trying his best not to sound awkward but he failed. Sino ba naman ang hindi maiilang kung kaharap mo na ang crush mo? Kasalukuyan silang nasa labas ng publication office at nakaharap sa logbook. When Gwen glanced at it, she took hold of a pen and opened the logbook and started to write down her name. "Pa-log in ha!" sabi niya as she tried avoiding Jace's gaze. Napangiti na lamang itong tumango. "May balita ka rin pala sa paramihan ng log-ins ha. Akala ko kasi ako lang ang may alam niyan." Natatawang sambit ni Jace. Napalagay naman si Gwen ng iilan sa mga hibla ng buhok niya sa gilid ng tenga niya at napataas ng kilay at ngumiti pabalik sa kanya. "Yup! sayang din ang prizes galing kay EIC eh. Balita ko mayaman siya and this is actually a good way to encourage a good attendance sa mga staffs and to keep them very responsible. No wonder, marami na kayong natanggap na awards for being one of the sought-after orgs sa school." Sagot naman ni Gwen at naunang pumasok sa office. Napansin naman ni Jace na napalibot ng tingin si Gwen sa kabuuan ng opisina. “Alam mo ba, ngayon ko lang talaga napansin ang ibang detalye ng office na ‘to. Kapag talaga hindi ka nagmamadali, magagawa mong pansinin ang pinakamaliit na bagay.” “Tama ka.” Sagot naman ni Jace sa kanya. "Actually, I was thinking about you the whole time, too...that's why I decided to go here." Dugtong pa niya kay Jace na nakasunod din sa likod niya. Bigla namang napahinto si Jace at hindi na malaman kung ano ang susunod na sasabihin na maaaring tugon sa sinabing iyon ni Gwen. For him, she is one, straightforward kind of girl. Unti-unti na rin niyang nagugustuhan ang ugali nito sa kadahilanang nagiging kompurtable siya kapag kaharap o kausap si Gwen dahil hindi halos ito nauubusan ng topiko. Based on his own observation, she can really make every topics more interesting kasi matalino siya at halos open-minded sa lahat ng bagay. “Talaga ba? Ang swerte ko naman kung ganoon.”. Sa likuran naman ay halos nanginginig at namamawis na ang mga kamay ni Jace habang binubuksan ang kanyang computer. Doon na siya halos dinala ng diwa niya sa PC niya malapit lang sa pintuan ng office sa loob. "I don't know why either pero magaan ka kasing kausap." Naglibut-libot naman siya ng kaunti habang si Jace naman ay nagsimula na sa naiwan pa niyang mga gawain. Binuksan niya ang sariling PC sa isang sulok. Nakita ni Gwen na kumuha ito ng lapis at bond paper na nasa nakapatong lang sa desktop table niya at nagsimula na itong magsketch. Napangiti siya habang lumalapit kay Jace na kasalukuyang nagbo-browse ng mga designs na natapos niyang guhitin sa computer. "I liked that one. Mysterious na medyo gothic pero hindi naman nawawala sa theme." Napaturo si Gwen sa monitor ng PC ni Jace. On the other hand, Jace can smell her sweet, fruity cologne. Tipong magaan lang sa pang-amoy at isama mo pa ang conditioner niya na kapit na kapit ang halimuyak sa mahaba niyang buhok na nakalugay. "Thanks." Tipid niyang sagot. Napangiti naman si Jace sa sincerity ng boses ni Gwen na tipong namangha talaga ng husto sa designs niya. "Malinis ang pagkakagawa. Parang may hugot at kwento ang bawat gawa mo. The picture and designs itself brings the life out of every articles na gagawan mo ng designs. I really like them." She cheerfully said as she sweetly smiles. "As much as I don't want my works to be overly complimented, salamat na rin. Perfectionist kasi ako. Kung nakikita ko naman na parang basura ang iilan sa mga designs ko, binubura ko kaagad." Jace said as he continued browsing some of his several best designs or themes. Naramdaman naman niya sa likod niya na medyo lumalapat ang katawan ni Gwen sa likod niya. Hindi niya mapigilang mapangiti ng lihim sa ganoong sitwasyon. "Ganun? ang lupit mo pala sa designs mo." Natatawang sabi ni Gwen. "No. Actually nagiging honest ako sa self ko. Kung sa tingin ko naman na irereject lang ni EIC ang gawa ko, better not to pass it. Gwen, late na pala. Tara uwi na tayo." Masiglang tugon ni Jace. Napatayo ito sa kinauupuan niya sabay shutdown ng PC niya. Binuksan naman ni Gwen ang bag niya at parang may kinukuhang kung anong bagay sa loob nito sabay tingin sa bintana. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala habang palipat-lipat ang tingin sa mukha ni Jace at sa hinuhugot niya mula sa kanyang bag. "Umuulan na pala. Nakalimutan ko pa ang payong ko, badtrip naman oh!" Napasimangot ng kaunti si Jace habang nakatingin sa labas lang ng bintana. Napangiti naman si Gwen at napaharap kay Jace. "Jaraaan! Girl scout kaya 'to!" She happily presented her red folded umbrella kay Jace at napatawa naman ito ng marahan. Payong pala ang bagay na dinudukot niya kani-kanina lang sa kanyang bag. "Let's go, then?" aya niya kay Gwen at lumabas na nga sila sa office. Mag-aalas siyete na iyon ng gabi. Iilan na lang ang mga estudyanteng papalabas sa gate at silang dalawa naman ay halos magkadikit na dahil ayaw nila parehong mabasa. Lumalakas na rin ang ulan kasabay ng malamig na hangin na bumabalot sa kani-kanilang katawan. "Gwen, alam ko namang payong mo 'to, pero huwag mo naman sana akong itulak palabas, basa na ako oh!" Pabirong sabi ni Jace habang mabagal nilang nilalandas ang basang kalsada papuntang exit gate ng University. "Hala...sorry naman! Usog ka pa dito." She chuckled instantly. How he loves it when she's doing that! She grabbed his arms and pulled him closer to her. At dahil papalakas ang ulan ay naging mas malapit pa sila sa isa't isa. Feeling their warmth on a cool, rainy evening. Naramdaman ni Jace ang pag-init ng pisngi niya habang nakahawak si Gwen sa kanyang braso at dahil si Jace ang tagabitbit ng payong ay hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay ng malaya. Inaalalayan naman siya ni Gwen. "Grabe ang ulan, walang patawad. Feeling ko hindi na tayo nagpayong eh." Nanlulumong sabi ni Gwen. "Sorry ha...iisa lang ang payong ko." "Ako nga ang nahihiya sa'yo eh. Epal lang ako na naki-share pa sa payong mo. Lagay mo na lang sa harapan mo ang bag mo para hindi talaga mabasa ng tuluyan. Titila din ‘to." He assured her. Jace helped remove her girly backback on her back. He put the straps in front of her to secure everything. Napaangat si Gwen ng mukha niya kay Jace dahil medyo matangkad ito sa kanya sabay ngiti dito. Pilit namang iniiwas ni Jace ang tingin sa maamong mukha ng crush niya. Pakunwa’y tinitingnan niya ang backpack ni Gwen para i-check kung may nabasa ba o wala. "Thank you. Ang sweet natin." Sagot naman ni Gwen na halatang ikinagulat ni Jace. He can feel his heart beating fast once again. "Oo nga eh...salamat sa ulan." Dugtong ni Jace at napatawa silang pareho. Nang mapadaan sila sa iilang estudyante ay narinig pa nila ang kaunting bulungan ng mga iyon. "Ang sweet nila...parang lovers in the rain." "Oo nga eh...umuulan pero nagkukulitan pa sila." "Oh, those lovers...this love rain." Dreamily said the others. May napatili pa ng mahina dahil first time ng ilang estudyanteng makita si Jace na may kasamang babae na sa wakas. "Narinig mo 'yun?" Masiglang sabi ni Gwen habang nasa labas na sila at binabagtas ang mahabang eskinita. "Yeah...mga malisyosong mga tao. Walang magawa eh." Medyo nahihiyang sagot ni Jace na natutuwa rin. "See? sabi ko sa'yo eh...ang sweet natin." Medyo seryoso si Gwen sa pag-ulit ng mga katagang hindi na nagpapabalik sa normal na pagtibok ng puso ni Jace. Every words coming from her mouth is making his heart race very wild. "I agree. Sige na nga, tayo na ang sweet." Ulit na sabi ni Jace na nahihiyang napangiti na naman. "Copycat!" She pouted her lips as she faced him while laughing. "Wala bang copydog?" Ginaya ni Jace ang tono ng pananalita ni Gwen ngunit iniba niya ang mismong salita. Hindi na napigilang mapatawa ni Gwen ng marahan. Ilang minuto pa silang naglakad nang mapansin ni Jace na napapalingon na si Gwen sa paligid kung saan sila naroon. May nakabantay na pala doon na jeep sa eskinitang iyon na papunta sa bahay nila. Sa sobrang aliw nila sa pag-uusap ay hindi na nila namalayang nakarating na pala sa sakayan papunta sa kani-kanilang lugar na uuwian. "Ay, paano ba 'yan? mauuna na ako sa'yo Jace. Tumila na rin ang ulan oh. Tamang-tama lang. Salamat sa oras, masaya ako ngayon at nakapag-usap na tayo. Mabait ka naman pala eh. Now, I realized hindi ka pala snob!" She pinched his cheek at nauna ng pumasok sa loob. Nakangiting bahagyang napahaplos si Jace sa pisngi niya habang tinitingnan at sinisigurado na nakapasok at nakaupo ng maayos si Gwen. She waved him goodbye nang nagsimula ng gumalaw ang jeep.Sinundan pa ng tanaw ni Jace ang papalayong jeepney noong mga oras na iyon. "I hope that goodbye means a lot of hello's these days. It's nice to meet you, my miss bright smile." He smiled as he said that to himself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD