Candice POV "Miss, magkano 'yang paninda mo?" ani sa akin ng isang mag-asawang ngayon ko lamang nakita sa lugar na ito, marahil ay may binisitang kamag-anak sa lugar na ito. Halos kilala ko na kasi ang lahat ng nakatira dito pero ang mag-asawang ito ay ngayon ko lamang nakita. "One hundred twenty po kada kilo ng isda." ani ko at nginitian naman nila ako. Hindi ko alam kung bibilis ba sila o hindi dahil ngiti lamng sila ng ngiti sa akin. "Sige ibalot mo lahat ng paninda mo at bibilhin na namin, lahat 'yan pati mga gulay mo ay bibilhin na namin." ani niya na ikinagulat ko. "Lahat po ng ito? Bibilhin po ba talaga ninyo ang lahat ng ito?" ani ko na hindi pa rin makapaniwala sa kanila. Ang sabi nila ay may simpleng restaurant daw sila at hindi naman nalalayo ang presyo ng mga isda ko sa bin