Dazzle's POV "Saan ka ba laging nagpupunta at ilang araw na kitang hindi inaabutan dito sa opisina mo ha? Mula ng bumalik ka dito sa Pilipinas ay mukhang naging busy ka yata sa ibang bagay?" ani ni David sa akin. Limang araw na mula ng makabalik ako dito sa Pilipinas at limang araw ko na ring binabantayan si Candice sa lugar nila. Ako lang naman ang bumili ng malaking bahay sa harapan mismo ng inuupahan nilang apartment. Ilang araw na lamang at matatapos na rin ang bahay na ipinaparenovate ko at duon muna ako maninirahan pansamantala upang mabantayan ko ang mga ikinikilos nila. "No, you did not!" biglang ani ni David habang titig na titig sa akin. I knew he would figure it out somehow. I just continued to look at David while leaning back in my swivel chair. I remained silent, just star