Chapter 8 Panggugulo ni Frank.

2027 Words
Dazzle's POV Mahihinang katok sa pintuan ng aking opisina ang pumukaw sa akin habang busy akong nag-eedit ng mga reports na ginagawa ko. "Pasok." mahinahon kong ani sa taong kumakatok sa pintuan ngunit hindi ko naman ito tinitignan dahil may importante akong ginagawa sa harapan ng laptop. "Sir, may mga naghahanap po sa inyo sa labas na customer. Importante daw po na makausap kayo." wika ng isa sa mga waiter na naka assign sa first-floor kaya kahit nagtataka ako ay lumabas din agad ako upang alamin kung sino ang mga taong naghahanap sa akin at kung ano ang importanteng tinutukoy ng mga ito. Habang papalapit ako ay namataan ko na agad kung sino ang mga taong ito kaya napahinto ako at tumingin-tingin sa paligid. Alam kong gulo na naman ang dala ng mga ito kaya nag-aatubili ako kung lalapitan ko ba sila o babalik na lamang ako sa aking opisina. Tumalikod ako at nagsimulang lumakad papalayo sa kanila ng isang malakas na sigaw ang aking narinig kaya napahinto ako sa aking paglalakad at pilit na nagtitimpi ng aking galit. "Hampaslupa, saan ka pupunta ha? Huwag mong sabihin na natatakot ka sa amin." sigaw ni Frank sabay tawanan nila ng malakas ng kaniyang mga alipores kaya huminga ako ng malalim at pilit kong pinapakalma ang galit na aking nararamdaman. Napatingin ako sa mga tao at napansin ko na halos lahat sila ay sa amin na nakatingin kaya unti-unti akong humarap sa mga ito ng nakakuyom ang aking dalawang kamao. "Lumapit ka dito pobre at may ipag-uutos kami!" sigaw na muli ni Frank sa akin habang panay pa rin ang tawanan nila. Huminga ako ng malalim dahil ayokong patulan ang mga ito at pagkatapos ay maayos akong nagsalita sa mga ito upang hindi na makaagaw pansin pa sa mga customers, nakakahiya naman kila Sir George kung ako pa ang magdadala ng gulo dito. "May mga waiter na nakatalaga dito sir, kung nais ninyong umorder ay magsabi lamang kayo sa kanila dahil hindi ko na ito gawain." wika ko at tatalikod na lamang sana ako ng biglang napatigil ako ng binato nila ako ng dalawang sunod ng bugok na itlog na ang isa ay tumama sa aking likod ng aking katawan at ang isa naman ay tumama sa likod ng aking ulo. Tang-ina! Hanggang dito ba naman ay may dala-dala silang bugok na itlog? Saan ba nila nakukuha ang mga ito at tila ba hindi sila nauubusan ng pinagkukuhanan nito? "Kahit saan ka talaga pumunta ay dala-dala mo ang amoy basura na 'yan Hendrickson. Hindi mo na 'yan matatakasan pa!" sigaw ni Frank sa akin at napatigil na rin ang malakas na musika dahil sa gulong ginagawa ng grupo ni Frank. Napatingin ako sa aking paligid at kahit gusto ko mang umalis na ay hindi ko na magawa dahil lahat ng tao dito ay pinapanuod na kami. "Pobre! Linisin mo nga ang lamesa namin at madumi na! Hubarin mo 'yang damit mo at 'yan ang ipamunas mo dito." ani naman ng isa sa alipores ni Frank sabay tawanan nila ng malakas. Napangisi na lamang ako sa mga ito at napapailing na lamang ako ng aking ulo. "Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" malakas na ani ni Hanz sa aking likuran. Dahil sa mga gulong ginagawa nila Frank ay hindi ko na namalayang nakalapit na pala ang mga ito. "Sino ang gumawa sa iyo n'yan Dazzle?" wika n'ya pang muli ngunit nananahimik lamang ako dahil ayokong gumawa ng gulo dito sa pag-aari ni George. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang galit sa akin ng mga taong ito, wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Lumayo na nga ako pero sila naman ang kusang lumalapit upang guluhin ang nananahimik kong buhay. "Sinong tarantado ang bumato n'yan sa iyo ha pare?" galit na asik naman ni Isaac at naglapitan na rin ang apat pa nilang kaibigan. Sinabihan ko sila na okay lang ako at bale-wala naman ito sa akin, kung tutuusin ay sanay na nga ako ngunit ayaw namang mag-paawat ng magkakaibigan at pilit pa rin nila akong ipinagtatanggol sa mga patpating nilalang na nakatayo sa harapan namin. "Sino ang nagbigay ng permiso sa inyo na manggulo sa teritoryo ko ha?" galit na asik ni George sa mga ito. Mababakas mo sa kanila ang matinding pagkabahala na tila ba kulang na lang ay isa-isa silang magsitakbo papalabas pero kahit mababakas ang takot sa mukha ni Frank ay nagmamatigas pa rin ito. "Hindi nababagay ang basura na 'yan dito sa bar na ito!" pangungutya naman ni Frank habang titig na titig sa akin. "At sino ang nababagay dito, ikaw? Kayo ang basura at kayo ang hindi nababagay sa lugar na ito kaya umalis na kayo bago pa namin kayo kaladkarin palabas ng building na ito." galit na ani naman ni Gabriel. Napapailing na lamang ako ng aking ulo ng makita kong nakikipag-matigasan pa rin sa kanila si Frank habang ang mga kasama nito ay tila ba nabahag na ang mga buntot. "Baka hindi ninyo ako nakikilala, nagkakamali kayo ng kinakabangga ninyo!" mayabang na ani ni Frank sa kanila na ikinatawa ng malakas ng magkakaibigan na tila ba isang joke ang sinabi sa kanila ni Frank. Lumapit sa kanya si Hanz at halos idikit na ang mukha sa pagmumukha ni Frank habang nakangisi si Hanz. "Kami ba nakikilala mo ba kami ha tukmol?" nakangising turan ni Hanz at kitang-kita ang paglunok ni Frank ng kaniyang laway at bakas sa kanyang mukha ang pagkabahala. "Do some research about us àsshole!" mapang-asar na ani ni Hanz habang nakangisi na may halong panghahamon. Hindi nakapagsalita si Frank, lumapit sa kaniya ang isa niyang alipores at may ibinulong dito kaya pagtingin muli ni Frank sa magkakaibigan ay tila ba ito unti-unting humihinahon. "Kaladkarin palabas ang mga basurang ito at mula ngayon hindi na maaaring makapasok sa bar na ito ang mga basurang 'yan." sigaw ni George sa mga bouncers habang lahat naman ng kanyang kaibigan ay nakangisi lamang na pinagmamasdan ang napapahiyang si Frank at mga alipores nito. "Daz kailangan mong matutong lumaban, huwag mong hahayaang maliitin ka ng mga walang kwentang tao na katulad ng mga 'yon." wika naman ni Isaac sa akin. "Hindi pa tayo tapos! Ang yayabang ninyo! Ikaw Hendrickson, yumayabang ka na dahil nasa panig mo mga ulol na 'yan. Hindi pa tayo tapos!" sigaw muli ni Frank kaya agad kong nilapitan ito at binigyan ng isang malakas na suntok sa panga na ikina-putok ng kanyang labi. "Mas ulol ka! Ang mga taong 'yan ay di hamak na nakaaangat sa iyo ngunit mabubuting tao, samantalang ikaw na naka amoy lamang ng kaunting karangyaan ay akala mo na kung sino kang hari kung umasta. Wala ka namang binatbat! Bagay nga kayo ni Candice dahil kayo ang mga tunay na basura." wika kong galit na galit sa kanya. "Aba at tumatapang ka na ha! Tignan lang natin kung hanggang saan aabot ang tapang mo basura ka!" wika n'yang may ngisi na tila ba may masamang pinaplano. "Tandaan mo bulate na hindi na nag-iisa si Dazzle, oras na may mangyari sa kaniya o sa kaniyang ina malalaman mo at makikilala mo kung sino ang tunay na hari." sambit naman ni Isaac at tila ba may takot sa mga mata ni Frank ng marinig n'ya ang sinabi ni Isaac. Malalakas na tawanan naman ang maririnig sa mga taong nasa loob ng bar matapos nilang marinig na tawagin ni Isaac na bulate si Frank kaya mas lalong nag-puyos sa galit si Frank lalo na ng magsigawan ang mga tao habang tinatawag siya ng bulate. Maging ako ay natawa na rin dahil sa tinawag sa kaniya ni Isaac. "Itapon n'yo na ang mga bulateng 'yan sa labas at umaalingasaw na dito sa loob ang amoy nila." maawtoridad na utos naman ni George at agad nga silang kinaladkad at itinulak palabas ng bar na ito. "The show is over! Magsi-inuman na kayo dahil itinaboy na ang mga bulateng nanggugulo dito." sigaw naman ni Ryven at agad na tumugtog na muli ang malakas na musika habang ako naman ay kinakabahan na baka may kung anong gawin na naman ang mga hayop na iyon sa aking ina. "Kung inaalala mo ang iyong ina ay huwag kang mag-alala dahil nakatawag na ako sa mga bodyguards ko na bantayan ang inyong tirahan, bukas na bukas din ay hahanap na muna tayo ng inyong matutuluyan pansamantala, hangga't hindi tayo nakakahanap ng maayos n'yong titirhan ay mananatiling nakabantay ang aking mga bodyguards sa iyong ina habang nasa trabaho ka." wika naman ni Isaac. Napakabubuting tao ng magkakaibigang ito, hindi ako nagkamali ng mga taong pinagkatiwalaan ko. Tama si inay, hindi lahat ng mayayaman ay masasamang tao at mga matapobreng katulad ng mga tao na nasa unibersidad na pinapasukan nila Frank. "Maraming salamat, isang araw ay makakabayad din ako ng utang na loob sa inyo. Pero duon na lamang kami nila nanay sa tirahan namin dahil hindi naman aalis si nanay duon, hindi niya iiwan ang ala-ala ng aking ama." sni ko sa kaniya na ikinatango naman ng kaniyang ulo. "Bro hindi mo kailangang magbayad ng kahit na ano, ginagawa namin ito dahil kaibigan ang turing namin sa iyo at lahat ng ginagawa namin ay walang kapalit." wika naman ni George na halos makapag-paiyak na sa akin. "Napakabubuti ninyong magkakaibigan. Maraming-maraming salamat sa inyo." wika ko at tinapik lamang n'ya ako sa aking balikat. "Tama na muna 'yang trabaho, halika at sumali ka sa amin sa 3rd floor, nag kakasiyahan kami duon." ani naman n'yang muli sa akin, hindi ko na sila natanggihan pa kaya nagpunta na muna ako sa aking opisina upang maligo, buti na lamang ay lagi akong may dalang extrang damit. Matapos ang buong gabi na pagtatrabaho ay agad akong umuwi sa aming tahanan at inabutan ko ang aking ina na kausap ang tatlong bodyguards na pinadala ni Isaac habang nagkakape ang mga ito. "Anak buti at dumating ka na, ito kasing mga kaibigan mo ay kagabi pa nandito at ang sabi nila ay pinapabantayan mo ako. Naku anak hindi mo naman kailangang gawin iyon! Okay lang naman kasi ako dito." nakangiting ani sa akin ng aking ina. "Hayaan n'yo lang po nay, gusto ko lamang po makasiguro na maayos kayo dito." wika ko naman sa kaniya habang nakayakap na ang aking ina sa akin. Inaya ni nanay ang mga bodyguards ni Isaac na kumain sa loob ngunit tinanggihan nila ang aking ina. Makulit si nanay kaya naman hindi ito tumitigil sa pag-aanyaya sa mga ito. "Halina kayo sa loob, simpleng agahan man ito ay makapagbibigay naman ito sa inyo ng dagdag enerhiya." nakangiti ko namang ani sa kanila kaya wala na din silang nagawa at pumasok na sa munti naming tahanan at sabay-sabay na din kaming nag-agahan ng niluto ng aking ina na piniritong itlog na may sibuyas, tuyo at longganisa at mabawang na sinangag kaya lahat kami ay maganang naubos ang lahat ng pagkain na nakahain sa lamesa. "Napakasarap naman ho pala ng agahang inihain ninyo, buti na lang at pinigilan kami ni Dazzle na umuwi agad." natatawang turan ng isa sa mga bodyguard ni Isaac. "Simple pero napakasarap hindi ba?" wika ko naman at nag fistbump pa sila sa akin. "Salamat ho, kailangan na din ho naming umuwi, maraming-maraming salamat po ulit sa masarap na agahan." wika naman ng isa sa kanila. Pagkasara ko ng pintuan ay napaupo na ako sa sofa, inihiga ko ang aking likod sa sandalan at ipinikit ko ang aking mga mata. "Anak hindi ka ba napapagod? Magdamag kang nagtrabaho tapos mamaya lamang ay papasok ka naman sa eskwelahan." nag-aalalang ani sa akin ng aking ina. "Nay, huwag po kayong mag-alala sa akin at ayos lamang ako. Konting tulog lamang po kailangan ko pagkatapos ay maliligo naman ako para marelax ang katawan ko. Apat na oras lang naman po ang pasok ko ngayon kaya mamayang pag-uwi ko ay may oras pa para matulog akong muli." nakangiti kong ani sa akin ina habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. "O s'ya sige na anak at matulog ka na sa loob upang makapag pahinga ka na!" Ani ng aking ina kaya agad din akong tumuloy sa aking silid upang ipahinga ang pagod kong katawan sa magdamag na pagtatrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD