Frank's POV Hindi ako makapagsalita, pakiramdama ko ay daig ko pa ang naputulan ng dila, marahil ay sa sobrang takot na aking nararamdaman at muli akong napatingin sa lahat ng tao, lahat sila ngayon ay nakakaramdam ng takot sa kung ano ang maaaring mangyari sa amin pag-gising namin ng umaga. Hindi ko inakala na ang ginawa naming pang-bubully sa isang inaakala naming pobre ay isa palang malaking pagkakamali. Isang malaking pagkakamali na mukhang pagsisisihan namin ng panghabangbuhay. Tinalikuran kami ng tanyag na si Mister. Hendrickson at pinuntahan ang kaniyang anak na ngayon ay napapalibutan pa rin ng kanilang mga tauhan. Mga tauhang handang pumatay at mamatay maprotektahan lamang ang kaisa-isang anak ng tanyag na si Mister. Hendrickson. Matinding takot ang aking nararamdaman at alam k