Candice's POV Nagising ako sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ng aking ina kaya mabilis akong lumabas ng aking silid upang alamin kung ano ang mga nangyayari. "Oh my god honey, honeeey!" sigaw ng aking ina habang umiiyak at tinatawag ang aking ama. "Ano 'yon hon? Bakit ka sumisigaw, ano ba ang nangyayari sa iyo ha?" nag-aalalang ani naman ng aking ama at sinalubong agad nito ang aking ina na naghihisterikal na. "May mga tao sa labas at pinapalayas na tayo sa sarili nating pamamahay! Ang daming mga pulis sa labas at mga taong armado!" wika nya habang umiiyak at nakayakap sa aking ama. Para akong nabingi ng marinig ko ang sinabi ng aking ina, ang ama ko naman ay gulat na gulat at hindi rin makapaniwala sa sinasabi ng aking ina. "Anong pinag-sasabi mo, bakit nila tayo palalayasin sa saril