Dazzle's POV " Continuation" Naghiwalay na kami ng pupuntahan ni David, ako ay agad na tumungo kung saan pagdadausan ang graduation at siya naman ay nagtungo sa opisina ng eskwelahan, habang ako naman ay pumasok sa napakalawak na indoor sports center ng university kung saan gaganapin ang aming graduation. Ang lahat ay halos nandito na at lahat ay napatingin sa akin ng ako ay pumasok sa malaking pintuan ng event hall. Malakas na ugong ng bulung-bulungan ang maririnig sa loob ng sports center at halos lahat ay may panghuhusga sa kanilang mga titig sa akin habang ang iba naman ay tila ba may paghanga sa akin. "Wow si Dazzle ba yan! Ang gwapo-gwapo n'ya." Wika ng isang estudyante na nagniningning ang mga mata habang nakatitig sa akin. Napapailing na lamang ako ng aking ulo, ganyan pa rin ka