Candice's POV Tatlong buwan na kami dito sa apartment na tinutuluyan namin, marami na rin kaming nakilala at lahat naman sila ay mababait. Naging kaibigan ko din ang dalawang apo ni Lolo Gorio na sina Amber at Arman. Si Amber ang naging best friend ko dito habang ang kuya naman niya ay nagpapakita ng interes sa akin pero parang kapatid lamang ang turing ko dito dahil kahit ganito ang ginawa sa amin ni Dazzle ay hindi ko maikakaila na siya pa rin ang itinitibok ng aking puso. Nawalan na ako ng balita kay Dazzle, para itong isang bula na naglaho na lamang. Wala din akong balita kung ano na ang nangyari sa iba pang mga estudyante na nagmaltrato kay Dazzle, marahil ay mas higit pa ang dinadanas nila ngayon kaysa sa dinadanas namin ngayon ng aking mga magulang. "Candice pupunta ka ba ng bay