Candice's POV Ilang linggo na ang nakakalipas mula ng makabangga ko si Frank sa loob ng palengke at ngayon ay naninirahan na siya kasama sila Arman. Malaki ang pinagbago ni Frank. Naging masipag at matulungin siya at nakabawi na rin ang kaniyang katawan. Namamasada na rin siya ng taxi tuwing Biyernes hanggang Linggo samantalang mula Lunes hanggang Huwebes naman ay si Lolo Gorio ang namamasada. Naging mabuti rin kaming magkaibigan ni Frank at kinalimutan na namin ang mga nakaraan kaya sabi nga ng karamihan, panibagong buhay, panibagong pag-asa. "Candice anak nandito si Frank hinahanap ka!" Tawag sa akin ng aking ina habang nagpipirito ako ng tinapang galunggong. Napalingon ako sa aking likuran kaya agad kong hininaan ang kalan at mabilis akong nagtungo ng salas. "Oh, Frank napadaan