Dazzle's POV Mahigit isang taon na mula ng umalis ako ng Pilipinas at hanggang ngayon ay hindi pa ako bumabalik. Alam ko rin kung ano ang ginawa ni tatay sa mga taong nang alipusta sa akin dahil naroroon ako mismo ng mga oras na iyon at pinagmamasdan ang pagtangis ng babaeng minsan ay minahal ko ng buong puso. Hinayaan ko lamang ang aking ama sa kaniyang ginagawa ng araw na iyon habang kami ni David ay nakaupo lamang sa loob ng sasakyan at pinapanuod ang mga nangyayari sa kanila. Nararapat lamang sa kanila ang mga sinapit nila sa buhay dahil kung tutuusin ay kulang pa nga ang mga iyon kumpara sa ginawa nila sa akin. Ngayon ay natitikman na nila kung paano ang maging isang hampaslupa at basura katulad ng kung paano nila ako itinuring nuon. Alam ko din na nagtabi ng pera si Candice sa saf