Chapter 3

1711 Words
R18+ Naging masaya ang relasyon namin ni Candice kahit na ba walang tigil ang pangungutya sa amin ng kapwa namin mga estudyante. Mahal na mahal ko si Candice kaya lahat ng ikaliligaya niya ay ginagawa ko, nararamdaman ko na mahal nya ako kaya hindi ko ito pinagdududahan. "Babe pauwi ka na ba?" tanong ko dito ng makita ko siyang kalalabas lang ng kanilang room. Masaya naman niya akong sinalubong ng may matamis na ngiti sa kaniyang labi at hinagkan ko naman ito sa kaniyang labi na ginantihan naman nito. "Eeew! Paano natitiis ni Candice na halikan ang isang hampaslupa? Nakakahiya, ang cheap ng taste!" pangungutya ng isang estudyanteng napadaan sa harapan namin na tinawanan lang namin kaya sa inis ng babae ay tinaasan lamang kami ng kilay. Mula ng maging kami ni Candice ay tila ba naging matatag ako at hindi ko na pinapansin pa ang mga taong walang magawa sa buhay kung hindi ang manglait ng kanilang kapwa. Dahil kay Candice ay nagagawa ko ng balewalain ang mga taong nabubuhay lamang dahil sa pang-iinsulto sa akin. Habang naglalakad kami ni Candice ng magkahawak kamay ay bigla na lamang akong bumagsak sa sahig dahil sa malakas na pagkakatulak sa akin, dahil magkahawak-kamay kami ni Candice maging siya ay bumagsak din ngunit maagap naman ang naging pagkilos ko at agad ko siyang nasalo sa aking ibabaw. Maingat akong tumayo dahil hawak ko ang aking kasintahan at ng makatayo na kami ay nasugod kong bigla si Frank ngunit may mga kamay na pumigil sa akin kaya napatingin ako kay Candice na hawak ako sa aking braso. "Huwag mo ng pag-aksayahan ng panahon ang mga taong katulad niya." wika niya sa akin kaya pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Napabuntong hininga ako at napatingin sa grupo ni Frank na masamang nakatitig lamang sa amin at pagkatapos ay tinalikuran ko na ang mga ito. "Ganyan nga basura! Magtago ka sa ilalim ng palda ni Candice." sigaw niya na hindi ko na lamang pinansin. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit sa akin ni Frank samantalang wala naman akong ginagawang kasalanan sa mga ito. Napatingin ako sa aking kasintahan na nakakapit sa aking braso at hinimas ko ang kaniyang pisngi. "Okay ka lang ba? Baka nasaktan ka?" tanong ko dito ng may pag-aalala. Ngumiti naman ito sa akin at isinandig ang kaniyang ulo sa aking braso habang naglalakad kami kaya napangiti na ako kahit ang totoo ay gusto kong balikan ang grupo nila Frank upang ilampaso ang pagmumukha nila sa sahig. "Babe, ihahatid na kita." wika ko dito na tinanguan naman niya. Pagdating namin sa parking lot ay inutusan niya ang kaniyang driver na umuwi na dahil may maghahatid na sa kaniya, nuong una at nag-aatubili pa ang driver niya pero kalaunan ay napapayag din niya ito. "Bago kita ihatid sa inyo ay may pupuntahan muna tayo, gusto kong makita mo ang paborito kong lugar, duon ako madalas magpalipas ng oras lalo na kapag may mga bagay akong iniisip." ani ko dito at pumayag naman ito. Pagkarating namin sa lugar na tinutukoy ko ay nagulat ito dahil may nakatayong isang maliit na kubo sa pinakagitna ng kakahuyan at malinis ang paligid, pag-aari daw ito ng aking ama pero hindi dahil wala naman kaming dokumentong hawak ay hindi rin naman namin maangkin ang lupaing ito. "Napakaganda naman ng lugar na ito." wika niya sa akin ng makarating kami dito sa Antipolo. Napangiti ako dahil nagustuhan niya ang nakikita niya, dinala ko siya sa may falls at ganuon na lamang ang pagkamangha niya habang pinagmamasdan ang kagandahan nito. "Kanino ang lugar na ito? Napakaganda naman dito." wika nya sa akin at nagtungo ito sa may mabatong lugar at inilubog ang kaniyang paa sa tubig. "Sabi ni nanay ay pag-aari daw ito ng aking ama pero wala kaming hawak na dokumento dahil namatay ito dalawang taon pa lamang ako. Pero sa tingin ko ay may nag-aalaga ng lugar na ito dahil sa tuwing pupunta ako dito ay laging malinis ang lugar na ito, hindi ko lang talaga natitiyempuhan pa ang taong naglilinis dito kaya hindi ko pa siya makausap." wika ko naman sa aking kasintahan. Laking gulat ko ng bigla niyang hinubad ang lahat ng kasuotan niya at tanging panloob lamang ang kaniyang itinira, pakiramdam ko ay biglang nag-init ang buo kong katawan habang pinagmamasdan ang napakagandang hubog ng katawan ng aking kasintahan. "Tara maligo tayo!" ani niya sa akin at bigla itong lumusong sa malamig na tubig. Napangiti naman ako dito at lumapit ako sa mga may malalaking bato at naupo ako dito. Pinanuod ko lamang ito habang masayang nagtatampisaw sa tubig. Pagkaraan ng mahigit tatlumpong minuto ay umahon din ito at ganoon na lamang ang pagkabigla ko ng makita kong bakat na bakat ang kaniyang dibdib maging ang pinaka pasas nito ay tila ba naghuhumindig at hinihikayat ako. Mabilis kong dinampot ang kaniyang mga damit at tumakbo ako palayo sa kaniya na ikinagulat niya. "Anong ginagawa mo? Ibigay mo sa akin ang damit ko at nilalamig ako." wika niya na tinawanan ko lamang at iwinagayway ko pa ang kaniyang damit sa ere. Tumakbo ito at hinabol ako habang malakas lamang akong tumatawa, samantalang siya naman ay inis na inis na. Huminto akong bigla at humarap sa kaniya kaya bigla itong bumangga sa aking katawan. Pakiramdam ko ay may libo-libong kuryente ang nagsimulang dumaloy sa buo kong katawan kaya walang sabi-sabi kong hinalikan si Candice na ikinagulat nito. Gumanti ito ng halik sa akin at ipinalupot niya ang dalawa niyang kamay sa aking batok kaya mabilis ko itong binuhat habang magkahinang pa rin ang aming mga labi. Dinala ko siya sa kubo na lagi kong pinagpapahingahan at inihiga ito sa papag, dumagan ako sa kaniya at sinimulan ko ulit itong halikan sa kaniyang labi pababa sa kaniyang leeg hanggang sa bumaba ang aking labi sa naghuhumindig niyang dibdib. Halinhinan kong isinubo ang kaniyang pasas na tila ba gutom na sanggol at dahil sa sarap na pinaparanas ko sa kaniya ay malakas na ungol lamang niya ang maririnig sa loob ng kabuuan ng kubo. Tinanggal ko ang natitira niyang saplot at tumambad sa akin ang napakaganda niyang kahubdan at dahil na rin sa init na aking nararamdaman ay hinubad ko na rin ang lahat ng aking kasuotan. Nakita ko ang pagkagulat at takot niya ng tumambad sa kaniya ang naghuhumindig kong sandata, alam kong mabibigla ito dahil hindi naman pangkaraniwan ang size ng sandata ko, siguro ay naman ko ito sa aking ama. "A-Ang laki Dazzle, ba-baka hindi magkasya." nangangamba niyang ani ngunit hinalikan ko lamang ito sa labi upang mabawasan ang takot na nararamdaman niya. Gumapang ang aking isang kamay at hinagod ang kaniyang hiyas kaya napapaliyad ito sa sensasyong kanyang nararamdaman. "Ohhhh..." mabibini niyang ungol na hindi na niya mapigilan. Bumaba ako sa kaniyang puson at sinimulan kong dilaan ang kaniyang pusod na ikinagulat niya. Dahan-dahan kong ibinuka ang kaniyang mga hita ay pagkatapos ay nagpadausdos ako ng bahagya upang tumapat ang aking mukha sa pagitan ng kaniyang mga hita. "A-Anong gagawin mo?" nag-aalala niyang ani sa akin. "Shhhhh... huwag kang matakot, paliligayahin kita baby ko." bulong ko dito at dinilaan ko ang kaniyang hiyas na ikinagulat niya ngunit napaliyad naman ito, ang mga mata ko ay hindi ko inaalis sa kaniya dahil gusto kong makita ang reaksyon nya sa ginagawa ko sa kaniya. Muli kong dinilaan ang kaniyang hiyas kaya lalo siyang napaliyad at napahawak sa aking buhok kaya napangiti ako at sinimulan ko ng kainin ang kaniyang p********e. "Oh my god! Ohhhh..." ungol niya habang hindi malaman kung saan niya ibabaling ang kaniyang ulo. "Ta-Tama na babe, naiihi ako." bulong niya habang hindi pa rin tumitigil sa kaniyang pag-ungol, pagkarinig ko ng kaniyang sinabi ay mas pinagbutihan ko pa ang pagdila at pagsipsip sa kaniyang hiyas na lalo niyang ikina-ungol ng malakas hanggang sa naramdaman ko na lamang ang panginginig ng kaniyang mga binti kaya sinipsip ko ang katas ng kaniyang kaligayahan. Tumayo ako at pinakatitigan ang babaeng mahal na mahal ko at halos hindi na niya maidilat pa ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya ay nanghihina siya, ngunit wala pa iyan sa susunod na ipaparamdam ko sa kaniya. Pumatong ako sa kaniya at muli kong sinibasid ang kaniyang dibdib habang ang aking sandata ay dahan-dahan kong ipinapasok sa kaniyang hiyas. "Ba-Babe... Ma-Masakit." ani niya ng nakangiwi kaya napahinto ako. "Dadahan-dahanin ko." bulong ko dito, hindi na ako pwedeng huminto dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako at gusto ko na siyang maangkin. Hinalikan ko siya sa kaniyang labi at sinubukan kong muling ipasok sa kaniya ang aking sandata hanggang sa pakiramdam ko ay kalahati na ang naipapasok ko, nakita ko ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata kaya hinalikan ko siyang muli at walang sabi-sabi na umulos ako ng malakas sa kanya kaya tuluyan ko ng napunit ang bagay na humahadlang sa aking sandata upang mapasok ko ang kaniyang p********e. "Ahhhh!" sigaw niya habang humihikbi na ito ng tuluyan ko ng mapasok ang kanyang yungib. "I'm sorry baby, mawawala din ang sakit promise at mapapalitan ito ng kakaibang kaligayahan na ngayon mo pa lang matitikman." bulong ko dito at tumango lamang ito sa akin. Dahan-dahan akong gumalaw sa kaniyang ibabaw at kahit nakikita ko ang pagngiwi niya ay hindi ko magawang tumigil dahil kapag ginawa ko iyon ay mas matatagalan pa ang sakit na nararamdaman niya. Hindi naman nagtagal ay naging ungol na ang mga impit niyang iyak kaya mas lalo ko pang binilisan ang aking pag-galaw sa kaniyang ibabaw. "Ohhhh! Shiiit baby ang sarap mo!" malakas kong ani habang umuungol ako kasabay ang pagsalpukan ng aming mga katawan. "Ohhhh!" mabibining ungol naman ang maririnig sa babaeng kaniig ko. "I love you baby, oooh damn!" ungol kong muli matapos kong sabihin sa kaniya na mahal ko siya. Halos ungol na lamang namin at ang pagsasalpukan ng aming katawan ang maririnig sa katahimikan ng paligid hanggang sa sabay naming marating ang sukdulan ng kaligayahan at sabay kaming napaungol ng malakas. Pabagsak akong napahiga sa ibabaw ni Candice at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nito kaya napangiti ako at hinalikan ko ito sa kaniyang labi. "Are you happy?" tanong ko dito at isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at tumango ito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD