Chapter 4 Ang pagdududa.

1243 Words
R18+ Mula ng may mangyari sa amin ni Candice dito sa Antipolo ay palagi na kaming pumupunta dito upang muling pagsaluhan ang aming matamis na pag-iibigan. "Ohhhhh!" ungol namin habang nakaupo siya sa ibabaw ko at ang dalawa ko namang kamay ay itinataas-baba ang kaniyang balakang habang gumagalaw siya aking ibabaw. Para akong mababaliw sa sarap na ipinaparanas niya sa akin habang mabilis itong gumigiling sa ibabaw ko. "Oh god baby! Ohhhhh!" ani niyang umuungol habang walang patid sa pag-galaw sa aking ibabaw habang nakapikit naman ang aking mga mata dahil sa kakaibang sensasyong aking nararamdaman. Idinilat ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang kahubdan ng aking kasintahan habang ang kaniyang dibdib ay halinhinang nagtataas-baba dahil sa kaniyang mabilis na pag-galaw sa aking ibabaw. Dinakma ko ang dalawa niyang matambok na dibdib at dahan-dahan ko itong hinimas upang mas lalo siyang makaramdam ng init ng katawan at pagkatapos ay halinhinan ko itong dinilaan at sinipsip. Malalakas na ungol ang pinakawalan niya habang ako naman ay sarap na sarap sa ginagawa ko sa kaniyang dibdib. "Babe, iikot ako, gusto kong ako naman ang umibabaw sayo." bulong ko dito na tinanguan naman niya habang halos tumitirik na ang mata niya sa sarap na nararamdaman nito kaya mabilis ko itong niyakap at pinapagpalit ko ang aming pwesto na hindi ko hinuhugot ang aking sandata sa loob ng kaniyang hiyas. Mabilis akong kumikilos sa kaniyang ibabaw habang malakas namang umuungol ang aking kasintahan, parang musika sa aking pandinig ang masarap niyang pag-ungol at ang tunog ng pagsasalpukan ng aming katawan. Tila ba wala kaming kapaguran kaya sa tuwing mararating namin ang sukdulan ay isang minuto lamang kaming nagpapahinga at muli na na naman naming pinagsasaluhan ang matamis naming pagmamahalan. "Ohhh baby... " bulong niya habang umuungol ng hinagod ko ng aking dila ang kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. Para akong hindi napapagod sa aming ginagawa. "Ang sarap mo baby, hindi ako magsasawa kahit araw-araw nating gawin 'to." bulong ko sa kaniya habang siya naman ay umuungol lamang. Walang humpay ang pag-ulos ko sa kaniya na sinasabayan na ng pag-indayog ng kaniyang balakang hanggang sa muli na naman naming narating ang sukdulan ng aming kaligayahan at tila ba ako nanghihina na napahiga na sa kaniyang tabi. Kinuha ko ang kumot na dinala ko at binalot ko ang hubad naming katawan. Hindi na namin namalayan na dahil sa matinding kapaguran ay pareho na kaming nakatulog at malakas na tunog ng kaniyang telepono ang pumukaw sa mahimbing naming pagtulog. "Oh my god!" bulalas niya ng mapatingin siya sa kaniyang telepono. Napatingin naman ako sa aking orasang pambisig at ganuon na lamang ang gulat ko ng makita kong mag-aalas sais na pala ng gabi. "Baby, lagot ako kay daddy." bulong niya habang natataranta ito sa pagbibihis. "I'm sorry babe, nakatulog ako hindi ko na tuloy namalayan ang oras." wika ko naman at tinulungan ko na itong magbihis, uuwi pa kami ng Makati, tapos traffic pa kaya siguradong gagabihin na kami. "Magdadahilan na lang ako na may tinapos akong proyekto." wika niya at nagmamadali na kaming lumabas ng kubo, binalunbon ko na lamang ang kumot at inihagis ko ito sa likuran ng taxi at pagkasakay namin ay pinasibad ko agad ang sasakyan. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa harapan ng malaki nilang bahay, walang alam ang mga magulang niya tungkol sa aming relasyon, ang akala lang nila ay regular taxi driver ako ng eskwelahan na naghahatid sa kanilang anak. Okay lang naman sa akin dahil sigurado akong ipapakilala naman ako nito sa kaniyang mga magulang sa kaniyang kaarawan. Hindi naman nagtagal ay nakauwi na rin ako, sinalubong ako ng aking ina ng may ngiti sa kaniyang labi. "Nakapagluto na ako anak, buti at nakauwi ka na." wika niya sa akin at sinalubong ko naman ito ng isang halik sa pisngi at tumuloy na ako sa aking silid. Pagkapasok ko sa loob ng aking silid ay binuksan ko ang aking telepono, pinagmasdan ko ang magandang mukha ni Candice na nakangiti sa akin habang nakahalik sa aking pisngi. 'Mahal na mahal kita Candice, pagkagraduate natin ay pakakasalan kita.' bulong ko sa aking sarili at nahiga na ako sa aking papag. Dahil na rin sa matinding pagod ay nakatulog na ako ng hindi man lamang naghahapunan. ──●◎●── Maaga pa lamang ay nagising na ako, napatingin ako sa aking orasan at pagkatapos ay nagmamadali kong tinungo ang banyo upang maligo, may pasok pa ako kaya pagkatapos kong maligo ay nagtungo naman ako ng kusina at nagluto ako ng agahan para sa amin ng aking ina. "Nak, hindi ka na nakakain ng hapunan kagabi, ginigising kita pero tulog na tulog ka na." ani ng aking ina. Humingi naman ako ng pasensya dito at nagdahilan na lamang ako na napagod ako sa pamamasada ng taxi na pinaniwalaan naman niya. Nang matapos akong magluto ay nag-agahan na kami at pagkatapos ay nagmamadali na akong pumasok sa eskwelahan. Nasasabik akong muling makita ang aking mahal na si Candice, hindi ko na siya natawagan pa kagabi dahil masyado akong napagod sa ginawa namin maghapon sa Antipolo. Nasa gate na ako ay panay lingon pa rin ako dahil hinahanap ko ang aking kasintahan ngunit hindi ko ito mahanap kaya nagtungo ako sa likuran upang tignan kung nanduon ba ito. habang papalapit ako sa malaking puno na lagi kong tinatambayan ay nakita ko si Candice na may kausap na tao, hindi ko makita ang kausap niya dahil nahaharangan ito ng malaking puno kaya naman napakunot ang aking noo kung sino ang kausap nito. Bigla akong kinabahan ng makita kong hinablot siya ng taong 'yon sa braso nito habang nagpupumiglas naman ang aking kasintahan kaya nagmamadali akong tumakbo at tinulak ang lalaking tila ba nananakit sa kanya. "Frank? Bakit mo sinasaktan ang girlfriend ko?" galit na galit kong ani dito ngunit tinawanan lamang niya ako. Akma ko itong susuntukin sa mukha ng bigla naman akong inawat ni Candice at humarang sa harapan ko payakap sa katawan ko. "Hayaan mo na ang walang kwentang tao na 'yan. Halika na at male-late na tayo sa klase natin." wika naman niya kaya tinitigan ko na lamang ito ng masama. "Malapit na Dazzle, konting araw na lang at isasampal ko sa mukha mo ang katotohanan. Hindi ba Candice?" sigaw ni Frank na ikinalingon ko dito. "Ano'ng katotohanan ang pinagsasasabi mong gago ka ha?" galit kong ani dito ngunit malakas na tawa lamang ang isinagot nito sa akin at tuluyan na itong umalis. "Ano'ng katotohanan ang sinasabi ng gagong 'yon?" tanong ko sa aking girlfriend. "Hindi ko din alam, hayaan mo na 'yon dahil nasisiraan na 'yon ng ulo." sagot niya sa akin kaya napabuntong-hininga ako at nagsimula na kaming lumakad patungo sa aming klase. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Frank, bakit pakiramdam ko ay natatakot ako sa sinabi niyang 'yon. May itinatago ba sa akin ang kasintahan ko? Alam kong malapit sila nuon sa isa't-isa pero ang sabi naman sa akin ni Candice ay naging kaibigan nya lamang ito at nagbago ang lahat dahil nakita niya ang tunay na ugali nito. Kung ano ang sinabi ng aking kasintahan ay 'yon ang pinapaniwalaan ko dahil alam kong mahal na mahal niya ako lalo pa at lagi naming pinagsasaluhan ang tamis ng aming pagmamahalan. Iwinaksi ko na sa aking isipan ang mga sinabi ni Frank dahil walang dahilan para pagdudahan ko si Candice. Alam kong mahal na mahal ako nito at pinatunayan niya ito sa akin ng ilang beses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD