Lumipas pa ang ilang buwan at naging mas malapit pa kami ni Candice sa isa't-isa. Gusto kong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko pero natatakot naman ako na baka ito ang maging dahilan ng pagkakalayo namin kaya sinasarili ko na lamang ang aking damdamin. Pero ngayon ay nakapag desisyon ako na anuman ang mangyari ay susubukan kong ipagtapat sa kaniya ang nararamdaman ko.
"Candice, sabay na tayong umuwi mamaya, may gusto sana kasi akong sabihin sa iyo." wika kong may pag-aalala na baka tanggihan n'ya ako lalo na at taxi lamang ang minamaneho ko.
"Sure!" nakangiti n'yang ani na ikinagulat ko.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba na tila ba may libo-libong kabayo na nagkakarerahan sa pagtakbo sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso.
"Wa-Wala akong sasakyan, pwede ba kitang ihatid gamit ang taxi na minamaneho ko?" nag-aalangan kong ani dito at ang t***k ng puso ko ay hindi na magkamayaw.
"Oo naman! Sige mamaya sabay na tayo umuwi!" sagot niya na ngiting-ngiti sa akin kaya huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay hihimatayin yata ako.
Shìt pakiramdam ko ay handa na akong umakyat ng 7th floor ng building ng school na ito at pagkatapos ay tatalon ako mula sa itaas hanggang sa first floor sa sobrang saya ko. Biglang may bumato sa likod ng ulo ko at ng hawakan ko ito ay bugok na itlog.
Nakita ko ang pag-ngiwi ni Candice dahil sa sobrang baho ng itlog na nabasag sa ulo ko at napatingin naman ako sa taong gumawa nito sa akin.
"Maligo ka nga pobre at ang baho-baho mo!" wika ni Frank habang nag-aalab ang mga matang nakatitig sa akin na tila gusto na akong patayin sa pamamagitan ng kanyang mga titig.
"Ano ba problema n'yo ha?" galit kong tanong sa kanila ngunit malalakas na tawanan lamang ang isinagot nila sa akin at mga pang-iinsulto. Naririnig ko pa ang mga sinasabi nilang hindi maganda sa akin at kay Candice. Nagtagis ang aking mga bagang dahil handa akong protektahan si Candice ngunit hinila lamang ako ni Candice palayo sa kanila.
"Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Candice sa lalaking 'yan, bukod sa mahirap na ay talagang namang mas mahirap pa s'ya sa daga." panglalait naman ng isa pang estudyante na hindi nakalagpas sa aming pandinig.
"Mahiya nga kayo sa sarili ninyo! Akala n'yo ang lilinis ng pagkatao ninyo samantalang ang totoo ay mas mabaho at mas nabubulok ang pag-uugali at pagkatao ninyo kaysa sa amoy ng bugok na itlog." galit na asik ni Candice sa kanila at pinigilan ko lamang siya upang huwag ng lumala pa ang problema at ayoko din namang madamay pa siya sa galit sa akin ng mga estudyante ng unibersidad na ito.
"Kaya umaabuso ang mga 'yan kasi hinahayaan mo lang sila na alipustahin ka! Minsan matuto kang lumaban, lalo na kapag alam mong tinatapakan na nila ang pagkatao mo!" wika n'ya sa akin na naiinis.
Pumasok ako sa loob ng locker room dahil may banyo duon, lilinisin ko na lamang ang sarili ko upang mawala ang mabahong amoy ng bugok na itlog. Pagpasok ko palang sa loob ay panay panglalait na agad ang isinalubong nila sa akin ngunit hindi ko naman sila pinansin at nagtuloy lamang ako sa paglalakad upang pumasok ng banyo.
Isang tulak sa aking likuran ang muntik ko ng ikasubsob at paglingon ko sa likuran ko lahat sila ay sa ibang direksyon nakatingin.
"Duon ka nga! Ang baho-baho mo!" panibagong tulak ng isang maangas na estudyante na halos ikasubsob ko na talaga ang gumulat sa akin ngunit hindi ko na lamang ito pinatulan pa.
Mabilis akong pumasok sa loob ng cubicle at agad na nilinis ko ang aking sarili ng biglang may nagbuhos ng harina sa may taas, sa may ulunan ko kaya napuno ako ng harina at inubo ng matindi dahil sa pagkakasingkot ko nito.
Malalakas na tawanan ang namayani sa loob ng banyo kaya napakuyom na lamang ako ng aking mga kamao.
'Makakaganti din ako sa inyo, tandaan n'yo ang araw na ito!' Bulong ko sa aking sarili ng may galit sa aking tinig.
Galit ako sa mayayaman dahil lahat sila ay masasama ang ugali maliban na lamang kay Candice. Si Candice ang nagpapatunay na hindi lahat ng mayayaman ay may masasamang pag-uugali.
Matapos akong buhusan ng harina ay tuluyan na akong naligo at pagkatapos ay kumuha ako ng damit sa aking locker at agad na nagbihis.
Pagkasuot ko ng aking uniform ay laking gulat ko ng mapansin kong maraming gupit-gupit at butas sa aking uniporme na pinag-ipunan pa ng aking ina upang maibili lamang ako ng bagong uniporme.
Lalong sumikdo ang aking galit ngunit ano ba ang magagawa ko? Isa lamang akong mahirap na nasa eskwelahan ng mayayaman ng dahil lamang sa scholarship na aking natanggap.
Paglabas ko ng banyo ay malalakas na tawanan ang sumalubong sa akin.
"Ang trapo, kahit idikit mo sa mamahaling gamit mas lalo lamang lumalabas ang pagiging trapo nito. Basura!" sigaw ng alipores ni Frank na hindi ko na lamang pinansin.
Hindi ko na sila pinansin pa at tuluyan na akong lumabas ng locker room. Nagkukuyom ang aking mga kamao sa sobrang galit na aking nararamdaman.
Graduating na ako, last semester ko na dito at gagraduate na ako ng Business Management kaya hindi ko sisirain ang magandang record ko ng dahil lang sa mga walang kwentang tao na katulad nila.
"Hindi ako makapaniwalang hinahayaan mo lamang sila na lait-laitin ka ng ganiyan." malungkot na ani ni Candice habang nakasakay kami sa taxing minamaneho ko habang ang kaniyang sasakyan ay sinusundan lamang kami na minamaneho ng kaniyang driver.
Hindi ako kumibo kaya narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga at tumingin ito sa gawing bintana.
"Malapit na ang 21st birthday ko at may party na gaganapin sa bahay namin, gusto ko sana ay nanduon ka ha." wika n'ya sa akin na ikinalingon ko sa kaniya at hindi ako makapaniwala na iniimbitahan niya ako sa kaniyang kaarawan.
"Talaga! Imbitado ako?" ani ko na tuwang-tuwa at hindi pa rin makapaniwala sa aking narinig.
"Oo naman! Ayokong mawala ka sa birthday party ko." wika naman n'ya sa akin na mas ikinatuwa ko.
Ipinarada ko ang aking taxi sa gilid ng kalsada at matamang hinarap si Candice. Nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa aking mukha.
"Candice, mahal na mahal kita, first year college pa lamang tayo ay mahal na kita." walang ka gatol-gatol kong ani sa kanya. Ito na ang pagkakataon ko para malaman niya ang nilalaman ng aking puso kaya hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataong ito.
Napatingin si Candice sa bintana at nawalan ng kibo na ikinalungkot ko, nakaramdam ako ng pagsisisi kung bakit sinabi ko pa sa kanya na mahal ko s'ya. Shìt namang buhay 'to oh!
"Gusto din kita Daz, kaya oo ang sagot ko," wika n'ya na ikinagulat ko. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig at kulang na lamang ay mag-tatatalon ako dito sa loob ng sasakyan.
"Oh my god! Totoo ba ang sinabi mo na mahal mo din ako?" masayang-masaya kong ani sa kanya na ikinatawa naman n'ya.
Nakita ko ang pagtango ng ulo niya kaya hindi ko na talaga napigilan pa ang kaligayang bumabalot sa katauhan ko at malakas akong napasigaw.
"Woooooohoooooo!" malakas kong sigaw dahil sa sobrang katuwaan ng aking puso.
"Hoy, ano ka ba! Nakakahiya sa makakarinig sa iyo," nag-aalala n'yang ani at napapatingin pa s'ya paligid. Sa sobrang katuwaan ko ay niyakap ko na lamang ito ng mahigpit at hinalikan ko sa kaniyang ulo. Ang saya-saya ko, hindi ko akalain na mahal din ako ni Candice.
Pagkahatid ko sa kanya ay hindi na n'ya ako pinababa, naiintindihan ko naman dahil alam kong wala pang alam ang kanyang mga magulang tungkol sa amin kaya hinayaan ko na lamang s'ya sa gusto n'ya.
"I love you babe! Tatawagan kita mamaya pag-uwi ko ha." malambing kong ani sa kanya at nginitian n'ya lamang ako.
Pagkapasok n'ya sa gate ay agad din akong umalis at masayang-masaya ang puso ko dahil sa wakas ay kami na ni Candice.
Ibinalik ko na ang taxi sa opisina at pagkatapos ay dumaan ako sa isang mall upang tumingin ng maaari kong bilhing regalo para sa kaarawan ni Candice.
Habang naglalakad ako sa loob ng mall ay nakasalubong ko ang grupo ni Frank na nakangisi sa akin na tila ba may kung anong kalokohan na naman ang iniisip na gawin sa akin.
"Ang kapal din naman ng pagmumukha mong pumasok sa ganitong lugar hampaslupa!" wika ni Frank sa akin habang napapailing ito ng ulo.
"Hoy basura hindi ka nababagay sa lugar na ito!" sita naman sa akin ng alipores ni Frank na hindi ko naman binigyan ng pansin.
Upang makaiwas sa gulo ay tinalikuran ko na sila at tinungo ko ang papalabas ng mall.
"Saan ka pupunta hampaslupa?" ani ni Frank sa akin habang tinutulak-tulak ako ng kanyang daliri sa likuran hanggang makalabas kami ng exit door ng mall.
Hindi ko pa rin sila pinapansin at pilit lamang akong umiiwas dahil ayoko ng gulo at ayokong madamay muli ang aking ina kung papatulan ko ang mga ito.
Malakas akong itinulak ni Frank dahilan upang ma-out of balance ako at bumagsak sa semento ng isang malaking boses ang sumigaw na nagpatigil kila Frank at agad din akong tumayo sa pagkakabagsak ko sa semento.
"Hey asshole! Leave him alone you bunch of frèaks!" sigaw ng isang boses na papalapit sa aming pwesto.
Tinawag ng lalaking tumulong sa akin ang guard ng mall at tila ba mga robot ang mga ito na agad nagsunuran at nagmamadaling lumapit sa amin, nagtakbuhan naman ang grupo ni Frank at bago ito umalis ay dinuro pa ako sa aking mukha.
"We are not done yet Hendrickson!" bulyaw n'ya sa akin at nagsilulan na sila sa kanilang mga sasakyan habang binibigyan ako ng dirty finger.
"Are you okay?" tanong n'ya sa akin. Tumango naman ako dito at nagpasalamat na din ako sa kaniya.
"Caspian." Pagpapakilala n'ya sa akin sabay abot ng kanyang kamay kaya naman mabilis ko itong inabot at nagpakilala din ako.
Narininig ko na ang malakas na pagdagundong ng kulog kaya napatingala ako sa kalangitan at nagsisimula na ngang dumilim ang paligid kaya naman nagpasalamat akong muli kay Caspian at pagkatapos ay nagpaalam na din ako dahil baka abutan pa ako ng malakas na ulan.
"Isasabay ka na namin ng kapatid ko, mukhang uulan pa naman kaya't ihahatid ka na namin." wika n'ya na ikinalingon ko sa kaniya at mabilis ko naman itong tinanggihan, ngunit mapilit ito at tila ba hindi ito aalis dito hangga't hindi ako napapapayag kaya napakibit-balikat na lang ako at tinanggap ko ang pagmamagandang-loob nito sa akin.
Nagpahatid na ako ng diretso sa mismong tapat ng barong-barong na tinutuluyan namin ng aking ina at ipinakita ko sa kanila na hindi ako nahihiya anuman ang katayuan ko sa buhay.
Palabas na ako ng kaniyang magarang sasakyan ng biglang magsalita ito at may iniabot sa akin.
"If you need anything, don't hesitate to call me okay." ani nya sabay abot ng kanyang calling card sa akin na tinanggap ko naman ito at nagpasalamat sa kaniya.
Pagpasok ko ng aming bahay ay nakita ko ang aking ina na nagluluto ng aming hapunan kaya agad ko siyang nilapitan at kinuha ang sandok na hawak niya. Kagagaling lamang niya sa sakit kaya ayoko itong mapagod.
"Nay, ako na po d'yan, sabi ko naman sa inyo huwag kayong masyadong magkikikilos dahil hindi pa naman kayo lubusang magaling." nag-aalala kong ani sa aking ina.
"Susmaryosep! Anak, ano nangyari sa uniporme mo? Napag-tripan ka na naman ba sa eskwelahan ninyo?" Gulat na gulat n'yang ani sa akin at ramdam ko ang matinding kalungkutan at pag-aalala niya sa akin.
"Huwag n'yo na pong intindihin 'yun nay, sanay na naman po ako." wika ko sa kanya habang tinatapos ko ang niluluto n'yang pritong galunggong at talong.
Hininaan ko ang kalan at naupo ako sa tabi ng aking ina, hinimas ko ang kaniyang likuran dahil tuluyan na itong napaluha.
Ipinaliwanag ko sa aking ina na wala siyang dapat na ipag-alala sa akin dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko lalo na at puro naman payatot ang mga taong kumakalaban sa akin, hindi ko lang sila talaga pinapatulan dahil ayokong mapahamak si nanay katulad ng nangyari sa kaniya nuon.
"Malapit na pala ang graduation mo anak, ilang buwan na lamang at makaka-graduate ka na." sambit ng aking ina.
"Opo nanay at pagka graduate ko ay agad akong maghahanap ng mapapasukang maayos na trabaho upang kahit papaano ay maiahon kita sa kahirapan." nakangiti kong ani sa aking ina.
"Naku anak huwag mo akong intindihin at sanay na sanay ako sa hirap!" mabilis niyang tugon sa akin.
"Pero nanay pangarap ko pong maiahon kayo sa kahirapan, kaya nga po ako nagpupursigi sa aking pag-aaral ay para po sa inyo." Ani ko naman sa kanya na ikinangiti niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Hay naku anak, ikaw na nga ang bahala! Napakabuti mong anak kaya alam kong pagpapalain ka ng ating panginoon." ani n'ya sa akin at pagkatapos ay ipinag-patuloy ko na ang aking pag-luluto upang makakain na kami ng hapunan at sigurado akong gutom na ang aking ina.
Pagkatapos naming kumain ay agad kong niligpit ang aming pinag-kainan at hinugasan ko na rin ito. Pasipol-sipol pa ako habang naglilinis ako ng kusina ng biglang magsalita ang aking ina.
"In-love talaga ang anak ko!" ani ng aking ina na ikinangiti ko. Ikinuwento ko kasi sa kaniya ang tungkol sa amin ni Candice at natutuwa siyang malaman na may babae ng nagpapasaya sa akin maliban sa kaniya.
"Magpahinga ka na po nay, pagkatapos ko dito ay maliligo na rin ako upang makapag-pahinga na rin ako dahil maaga pa po ang klase ko bukas dahil may exam po kami." wika ko sa kanya. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng gawaing bahay ay pumasok na ako sa aking silid at kumuha ng ilang gamit pang-paligo.