Dazzle's POV Maaga pa lang ay inabutan ko na ang aking mga pinsan na si Rouge at Braxtyn Hendrickson. Anim silang mga pinsan kong barako na puro kalokohan ang mga inaatupag sa buhay at puro pang-bababae at kabilang na sa kanila si David na mahilig din sa babae. "Pinsan, balita ko ay inimbitahan ka ng mga Moore kagabi sa isang hapunan. Kamusta naman ang hapunan ninyo?" nakangising ani ni Rouge na tumabi pa sa akin sa sofa at inakbayan ako. Alam ko naman kung bakit nandito ang mga kumag na ito, nabalitaan kasi nila kay David na sa unang pagkakataon ay pumayag akong pumunta sa bahay ng girlfriend ko na kaylanman ay hindi ko ginagawa. "Disaster." matipid kong sagot sa kanya na ikinatawa naman nila kaya napapailing na lamang ako ng ulo. "Why a disaster? Don't you dare tell me they wanted