"Beer?" Umiling ako, "Water nalang." "Bihira lang uminom ng beer si Sky," nakangiting pahayag ni Kael na siyang katabi ko sa couch. Nandito kami ngayon sa unit ni Kenneth, katabi ng unit niya ay ang unit ni Jace, sa tapat naman ay kay Zale. Talagang inseparable ang tatlo. Napahagikhik ako sa naisip, napatingin tuloy sa akin si Kael na nagtataka. "Weird mo," bulong niya. "Oy! Oy! Ano iyang ibinubulong-bulong niyong dalawa diyan?" Nakataas ang kilay ni Trina sa aming dalawa ni Kael, nasa kabilang couch ito at may hawak na baso na may lamang beer sa kanang kamay. Umiling kami pareho at hindi na pinatulan pa ang sinasabi ni Trina. Kasalukuyan silang nagbibiruan ngayon- si Kenneth, Jace, Trina at Kael, paminsan-misan ay nakikisabat din ako. "Totoo? Wala kayong girlfriend? Or flings, gano