bc

Petrichor (TAGALOG)

book_age12+
787
FOLLOW
22.0K
READ
revenge
others
family
drama
comedy
bxg
humorous
enimies to lovers
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

Scarlett Crimson a.k.a Sky fell in love with Zale Adrian Martinez. Masaya sila pareho, they keep having fun and they stick together no matter what happen. Ngunit nagbago lahat ng iyon sa isang iglap. In a glimpse, they become each other's nothing. Sa insidenteng iyon gumuho ang mundo ni Sky. She never thought that Zale would turn out to be the man she thought he will never be. It broke her heart.

But in life, we can never be so sure of what will happen next. Paano kung malaman nito ang katotohanan sa kasinungalingang pinapaniwalaan? Would she risk everything again for the man she loves since day one?

O madadala na siya sa sakit na idinulot nito sa kanya?

Nawa ay mag-enjoy kayong basahin ang kwentong ito.

-MISS RAINE

chap-preview
Free preview
Prologue
It is raining on the 5th day of September. Kaarawan ngayon ng batang Crimson. Ang bunso at nag-iisang anak na babae. She's turning four years old. Dinig na dinig ang mala-musika sa ganda na pagtawa ng batang babae. Tuwang-tuwa ito sa suot na blue lacy gown at sa tiara na personal niya mismong pinili. She is a bubbly and cheerful kid, lahat ng tao ay gusto siya. She's the Crimson's gem. "Mommy do I look like a real princess now?" nakangiti at puno ng pag-asang tanong niya sa ina na nakatitig sa kanya ng buong paghanga ay pagmamahal. A tear of joy escaped from her Mom's eyes. Sobra-sobra ang kasiyahang nararamdaman ng ina sa mga oras na iyon. Niyakap niya ang kanyang prinsesa ng mahigpit, na tila ba makakawala ito ano mang sandali. She kissed her daughter's forehead making the little kid giggle, "You are always our princess, honey." Bumukas ang pinto ng kanilang hotel room at pumasok ang panganay na Crimson kasama ang kanilang ama. The eldest son is right years old already. He kneeled infront of her little sister. "Hi, baby." Ngumiti ito sa kapatid saka binati, "Happy birthday!" "Thank you, kuya!" Medyo hindi pa nito mabigkas ng malinaw ang mga salita subalit naiintindihan naman. "Laki na ng prinsesa ko ah," her father said. Binuhat nito ang anak at magiliw na isinayaw. Crimson family is so near of being perfect. Mayaman sila, ang mga magulang ay mababait at matutulungin. They were the kind family that you'll always wish having. Kaya hindi na nakakapagtaka na lalo silang pinagpapala. From a simple store, they now have a restaurant with five branches nationwide. It's been six years since they started their business. At nitong mga nakaraan ay mas lalo pang nagiging matunog ang kanilang restaurant. Not to mention that they are both chefs. "We'll go first to check the venue," paalam ng ama sa asawa. The woman nodded. Humalik ang asawa nito sa kanyang pisngi at ganoon din sa anak bago umalis. Isinama nito ang panganay. It's still hours early before the event. Medyo malayo ang venue pero kung walang traffic ay hindi naman aabutin ng kalahating oras. "Mommy..." naglalambing na yumakap ang batang babae sa ina. Her mom hugged her back, while whispering how much she loves and adore her little girl. The kid is sweet and bubbly. She was loved by many because of her sweetness. Mabait ito sa lahat, maging sa hayop at lalo na sa mga halaman na siyang hilig rin ng ina. Mukhang namana nito sa ina ang pagkahilig sa mga berdeng dahon at makukulay na bulaklak. Ilang oras pa ay sumunod na rin sila. Tanging driver lang at ang isang assistant ang kasama nila sa sasakyan. Masayang kumakanta ng 'happy birthday' ang batang babae habang nasa daan. Ang assistant ng ina nito ay hindi makamayaw sa pagngiti dahil sa panggigigil sa bata. She looks like a real princess. Perpekto na sana ang lahat nang biglang may humarang sa kanilang sasakyan. Armado ang dalawang lalaking lumabas roon at may takip ang mga mukha. Sinubukang iliko ng driver ang sasakyan subalit huli na ang lahat. Pinilit manlaban ng driver nang sapilitang buksan ng mga armadong lalaki ang sasakyan. The assistant is calling the police on her phone pero sa sobrang kaba ay halos hindi nito iyon mai-dial ng maayos. Ang bata ay nagtataka sa nangyayari, walang ideya at napaka-inosente. Her mom hugged her. Natatakot siya hindi para sa sarili kundi para sa anak niyang bunso. She's too afraid and scared to lose her. She's her gem, their princess. Ngunit huli na ng mai-dial ng assistant ang numero ng mga pulis. The driver was stabbed by a knife. Hindi nila hinawakan ang assistant at sapilitang kinuha ang batang babae. Umiiyak ito at ayaw kumawala sa ina. Her mother tried everything not to let go of her daughter's hand. Pero dahil sa pag-protekta nito sa anak, nasaksak din siya. "Mommy," the girl cried, asking for help while trying to reach her Mom's hand. Sumisikip ang dibdib ng ina habang nakatingin sa kanyang prinsesa. Pinilit nitong gumalaw ngunit halos hindi nakakilos. The woman's breathing hitched. Nag-hi-hysterical na rin sa pag-aalala ang assistant nito na halos paulit-ulit ang pagdi-dial ng numero ng kung sino-sino. Ipinasok ng mga armadong lalaki ang batang babae sa van. Halatang ito lang ang pakay nila sapagkat nang makuha ang bata ay dali-dali silang umalis doon. "Tiba-tiba tayo rito," ani ng isa sa kanila na sinundan ng mala-demonyong tawa ng mga kasama. One of them called their boss to say that they are already holding their prey. The little girl's eyes sparkled because of her tears. Inosente nitong tinignan ang mga kasama. They were all wearing face mask ngunit isa-isa nilang hinubad iyon. One of them is wearing a big snake tattoo on his cheeks. Another one has a piercing on his lips. And the two other guys are cute and handsome that no one would think they were evil. "Tito Zack?" Nakilala ng bata ang gwapong lalaki na kaibigan ng mga magulang. The man has an angelic face, maputi at may maliit na nunal sa pisngi. g**o-g**o ang buhok nito dahil sa pagkakatanggal ng suot na maskara. Zack, from what the child called him, smiled. Mabait at talagang mala-anghel ang paraan ng pag-ngiti nito. The little girl smiled back, walang kaide-ideya na kaya siyang saktan ng lalaki ano mang oras nito naisin. Hinaplos nito ang buhok ng bata, "Hello Scarlett." "Hello Tito. Why are you here po? Kayo po ba maghahatid sa akin? But why did you leave my Mommy?" Nakatingala ang batang babae sa kanya, naghahanap ng kasagutan ngunit walang bahid ng takot at pangamba. He smiled evilly, tuwang-tuwa sa reaksyong natatanggap. Pinaglaruan nito ang buhok ng bata, "Princess, huh." Aniya habang nakatingin sa tiara. "Yes po. Mommy and Daddy said that I'm their princess. Do I look like a real princess po ba?" Humalakhak ang mga kasama nitong lalaki. Zack laughed too, pagkatapos ay ngumisi ito, "Let's see." Kunot-noong tinignan ng bata si Zack. Nagtataka sa sagot nito na wala namang koneksyon sa tanong niya. Gayunpaman ay hindi ito nagsalita. The driver of the car speed up. Baka kasi mahabol sila ng pulis. Idinaan nito ang sasakyan sa parteng madilim. At dahil madilim ang parteng iyon, hindi nila napansin ang paparating na sasakyan. "f**k!" Nataranta sila ng hindi mailihis ang sasakyan. Masyadong mabilis ang takbo nila at hindi nga nagtagal ay bumunggo sila sa isa pang sasakyan. "Damn! Sira na! Paano ito?" Problemado ang mga kalalakihan. Two of them got out of the car with guns. "B-b***l?" Natatakot na tanong ng batang babae. She knows that guns can cause someone die. Ang turo sa kanya ay kapag hindi pulis, gwardya o sundalo ang may hawak ng ganoon ay masasama silang tao. Her uncle smirked, "Yes. Do you want to be shot too?" Nanginginig sa takot ang babae. Hindi malaman ang gagawin. She wanted to shout but the man beside her is holding a knife. Kaunting kibot ay tiyak na nakaratay na siya sa susunod. Tahimik siyang umiyak habang naghihintay ng mangyayari. Ilang sandali pa ay bumaba rin ang isang lalaki kasama ang Tito Zach niya. Walang naiwan upang magbantay rito. Kaya bilang matalinong bata ay dali-dali siyang lumabas. Nakita niyang nakikipaglaban ang mga ito aa mga lalaking sakay ng sasakyan. One of them saw her. Lumapit ang isang lalaki sa kanya. Gwapo ito, matipuno ang katawan tulad ng kanyang ama. Napaatras siya sa takot na baka saktan siya nito tulad ng ginawa sa kanyang ina kanina. "Anong ginagawa ng batang ito rito?" pagsasalita nito. Hindi malaman kung ang kausap ba nito ay ang sarili o siya. "Ayos ka lang ba?" lumuhod ito sa harapan niya upang kahit paano'y maglapit ang taas nila. Tumingala ang batang babae kasabay ng pagbuhos ng kanyang luha. Umiling ito bago putol-putol na nagsalita. "T-they are bad," tinuro nito ang mga lalaki na patuloy sa pakikipaglaban. Hindi napansin ng mga iyon ang pag-alis niya at marahil dahil sa dilim ay hindi rin nila napansin ang pwesto niya ngayon. Pinasadahan siya ng tingin ng lalaki. Suot niya pa rin ang tiara bagaman hindi na maayos ang pagkakakabit nito sa kanyang buhok. Her lacy beautiful dress is now messed up. Gayunpaman ay kitang-kita sa itsura ng bata ang karangyaan. The man infront of her figured it out already. "Sinaktan ka ba nila?" Mas lalong umiyak ang bata nang maalala ang itsura ng ina kanina. Ang akala niya ay wala lang iyon kanina ngunit ng makita at malamang masasamang tao ang kumuha sa kanya ay muling bumalik ang takot na akala niya'y wala lang. Pabuntong-hininga siyang binuhat ng lalaki. Sinenyasan siya nito na 'wag umimik kaya bagaman nahihirapan sa pagpigil ng hikbi ay pinilit niyang tumahimik. The man is very careful in every step that he is taking. May sugat ito sa baywang at umaagos na ang dugo dahil nasaksak ito kanina. Hindi niya ininda ang sakit at lahat ng atensyon ay nasa pagliligtas sa batang babae. The little girl looks like an angel. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung mayroong mangyayaring hindi maganda sa anghel na buhat niya. Ikamamatay niya ang sakit kung sa isa sa mga anak niya ito mangyayari. "Ang bata!" rinig niyang sigaw ng isa sa mga lalaking nakalaban nila. His breathing hitched. Hindi na niya alam ang gagawin. He'd rather die than giving this angel into those goons' hands.  Tumakbo siya papasok sa mapupunong lugar. Halos namanhid na ang sugat niya gayunpaman ramdam niya pa rin ang panghihina dahil nauubusan na siya ng dugo. He can sense that the guys are already coming. Nang alam niyang wala na silang takas ay ibinaba niya ang batang babae. For sure she can already run. "B-bakit po kayo nag-stop?" kinakabahan ang boses nito. He smiled when he heard her lovely voice. Tiyak na lalaki itong mabait at magalang. Tinitigan niyang mabuti ang bata sa harap niya na parang tinititigan ang anak sa huling pagkakataon. Sumikip ang dibdib ng lalaki sa naisip. Who know if it's already the end, right? But he can't risk it all. Gagawin niya pa rin ang nararapat at tamang gawin sa mga oras na iyon. "Can you run, little girl?" tanong niya habang palingon-lingon at nakikiramdam sa paligid. Tumango ang bata, "Yes. Why? Are we going to run po ba?" I wish I could run with you, aniya sa sarili. "I'll stay here. Tumakbo ka hanggang sa makahanap ka ng mga bahay-bahay and then you ask them for help, okay?" "Po?" tanong nito na tila naguguluhan sa nais niyang sabihin. Fuck! Nauubusan na sila ng oras. "Run. As fast as you could. Kailangan mong makaalis agad dito. And after this, you can go to your Mommy and Daddy na, okay?" The girl smiled, "Will I see my parents na po ba if I run?" Sumikip ang dibdib niya sa nakikitang pag-aasam sa magagandang mata ng bata. Hindi niya alam kung magkakatotoo ang sinabi niya pero alin man ang mangyari, natitiyak niyang may mga tutulong dito. "Yes. Now, if I count 1,2,3... you'll run okay?" "But how about you po?" malungkot na tanong nito. He stroked the girl's hair, remembering his own son. "Isasakripisyo lagi ng magulang ang sarili para sa kanilang anak. Natitiyak kong iyon ang gagawin ng mga magulang mo kung sila ang nasa posisyon ko," bulong nito- hindi nais iparating sa bata ang nais sabihin. "Basta tumakbo ka at 'wag magpapahuli kahit ano mangyari." Tumango ang bata. The little girl hugged him, like she knows that she owes him her life. Niyakap niya pabalik ang bata... "I'll see you again naman po, 'di ba? Ipapakilala ko po kayo kay Mommy at Daddy," masiglang sambit nito sa kanya. His heart break because of the hope that he can clearly see from the girl's eyes. "Let's see, princess. Let's see..." "Ano po pangalan niyo?" Kinakabahang lumingon sa likod ang lalaki. Hinarap niya ang dalaga at sinambit ang kanyang pangalan. Wala na talagang oras. Naririnig na niya ang parating na mga tao. Bumuntong-hininga siya at pinatakbo ang dalaga sa direksyong tinuro niya. The girl run as fast as she could. Natutumba-tumba siya subalit kailangan niyang magpatuloy. She's a strong little one. Namana niya sa ina ang pagiging matapang sa lahat ng suliraning makakasagupa. She's lovely and easy to talk with.  "Mommy," mahinang pag-iyak niya habang tumatakbo. Nakakatakot ang paligid para sa batang kagaya niya. Puro kakahuyan ang nakikita, may mga malalaking ugat ng puno sa paligid na nagiging dahilan ng pagkakatisod niya. Her supposed to be a wonderful day becomes the worse tragedy in her life... Hindi niya na namalayan ang layo ng tinakbo ngunit unti-unti ay naramdaman niya ang panghihina hanggang sa magdilim ang kanyang paningin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
4.7K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
188.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Unexpected Romance

read
40.4K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook