Sa starbucks kami huminto, siya ang namili ng pwesto namin kaya agad na akong nagpresinta na o-order pero dali-dali niya akong pinigilan. "No, sit here. Ako na ang o-order," mariing sabi niya at walang sabi-sabing tinalikuran ako at nagtungo sa counter. I sighed. Hayaan na nga. Baka lalo lang iyong mainis sa akin kung sakali. Ilang segundo lang ay muli siyang bumalik. Kakamot-kamot ang ulo na nagtanong kung anong order ko. Pinigilan kong matawa sa reaksyon niya. Cute! "Java Chip Frappe nalang," sabi ko at saka siya nginitian. He left and come back with the orders, um-order din ito ng makakain. "Thank you." He nodded while giving me my food. Humigop ako sa Frappe bago siya muling binalingan. Ang mga mata nito'y nakatuon lang sa kanyang inumin, wait... he has a tats on his wrist? Mal