Nag early dinner lang kami roon at umuwi na rin pagkatapos. Nasa living room kami ngayong dalawa. Siya ay busy sa cellphone samantalang ako ay nagbabasa ng libro ni Stephen King- I love english novels. Umaayos lalo ang reading comprehension ko at natututo ako iba't ibang lesson in life as well as new english words na unfamiliar sa akin before.
"Look at this one," ipinakita niya sa aking ang kanyang phone. May dress doon na kulay puti at maganda ang disenyo, simple lang.
"Online shopping na naman," nakairap na sambit ko sa kanya.
Hinampas niya ako, "Hindi noh! Naghahanap kasi ako ng murang supplier ng mga damit na pwedeng i-online selling."
Hindi ko siya pinansin at nagbasa nalang ulit. Pero ilang minuto pagkatapos niyon ay may pumasok sa isip ko na ideya kaya agad akong humarap sa kanya. Naka-indian sit ito sa sofa at ako ay nasa sahig, nakasandal sa sofa.
"What?" nagtatakang tanong niya ng mahuli akong nakatingin.
I playfully smiled, "How about selling your old clothes?"
Her lips parted, and then she rolled her eyes. Malamang ay hindi ito sang-ayon. Mahal na mahal niya lahat ng gamit niya kahit hindi naman na naisusuot.
"f*****g no!"
Tinampal ko ang legs nito, "Bibig mo."
Umiiling siya at umirap sa akin, "Whatever, Sky. Magbasa ka na nga lang diyan--"
"Hep! Come to think of it, Trina. Marami tayong mga damit, bags at sapatos na magaganda pero hindi na nagagamit. May mga ilan pang naliitan na natin. Magkakapera ka na, mababawasan pa ng kalat."
"No," she said, still not convinced.
Tumayo ako at tumabi ng upo sa kanya, tuluyan ko ng naisara ang librong binabasa, "Come on, Tri. We can buy new things in exchange of those. I-model mo ang mga iyon at kukuhanan kita ng larawan."
Umiling-iling siya, "No freaking way."
Matalim ko siyang tinignan. We both know na hindi namin kailangan ang mga gamit na iyon.
She sighed, "Fine! I'll check it later."
I hugged her, "Yey!"
Nakasimangot pa rin siya, "Isusumbong talaga kita kila Nanay!"
Napangisi ako. Linyahan ko iyon noon dahil madalas ang ginagawa niyang kalokohan, I can't believe she'll use that line against me now.
"Aww, wait... Kenneth followed me on insta," she exclaimed while staring at her phone.
Ipinakita nito sa akin ang profile ni Kenneth sa i********:, kenlamerson ang gamit nitong username. In fairness ha, ang dami nitong followers, it's almost 12k which is unusual dahil hindi naman siya modelo o artista. Wala pang 200 ang finofollow nito. Naka-public ang profile niya unlike mine. Naka-private ang i********: ko na siyang kaisa-isang application na ginagamit ko.
Trina followed him back. Paboritong application ni Trina ang i********:, sa hilig ba naman nitong magdesign ng mga flatlay at magpicture ng mga tungkol sa fashion ay talagang makakasundo niya ang application.
Trina has almost 10k followers, ang daming nauuto ng babaeng ito sa mga picture na pinopost niya. Karamihan sa likers niya ay mga teenagers na naghahanap ng outfit sa araw-araw.
She's using lovetrina as her username and I'm using justsky as mine. Nasa 700 lang ang followers ko at ang mga inaaccept lang na mutuals ay mga kakilala sa personal. Hindi naman ako tulad ni Trina na mahilig makipag-mingle sa mga taong sa internet lang nakikilala.
"Omg, ang gwapo ni Kenneth dito. Wait... is this Jace and Zale?"
Ipinakita niya sa akin ang throwback picture nilang tatlo, bata pa ang itsura nila rito, siguro mga bandang kasisimula ng high school? Ang cute!
Ini-stalk niya pa si Kenneth hanggang marating ang account ni Jace and Zale na kapwa nasa 15k mahigit ang followers. Wala pang sampu ang post ni Zale at si Jace naman ay marami-rami ang post. Finollow niya rin ang dalawa.
"Magbasa ka nalang ng notes, Tri kaysa magbabad sa cellphone mo."
Ngumuso siya sa akin, "Teka, I'll just make an account for our online shop. Ano magandang name?"
Mukhang hindi na yata mawawala ang pagkahilig ni Trina sa mga ganoong bagay kaya hinayaan ko nalang siya.
Kinabukasan ay lumabas kami para makipagkita kay Kael, sa Mall namin naisipang maglakwatsa. Ililibre daw kami ng loko, aba dapat lang.
"Nagtatampo sayo," rinig kong bulong ni Trina kay Kael nang makita namin ito sa Mall.
Lumapit si Kael sa akin at niyakap ako mula sa likod, "Sorry na, Sky. Medyo busy lang talaga."
Umirap ako kahit hindi niya nakikita dahil nasa likod ko siya, "Maski text wala?"
"Sorry na nga po," malambing niyang sabi pagkatapos ay humiwalay sa akin at hinila ako palapit kay Trina.
"Saan niyo gustong kumain?" tanong nito sa amin.
"Kain agad? Ang aga pa, nood muna tayong sine," ani Trina
Tumingin si Kael sa akin, naghihintay ng permiso sa suhestiyon ni Trina. Trina raised her right brow to me, signaling me to say yes.
"I'm fine with anything," pagod kong sambit.
Trina giggled. Nauna pa itong naglakad patungo sa cinehan at si Kael ang kasabay ko.
"Still mad, hmm?" biglang sabi ni Kael sa tabi ko at iniakbay ang kamay sa aking balikat.
Tinignan ko siya ng masama, kapagkuwan ay ngumiti, "Just be sure you're always safe and fine."
Ngumiti siya at nanggigigil akong niyakap. Kael is usually sweet, pareho sila ng ugali ni Trina. Minsan nga ay naiisip kong boy at girl version nila ang isa't isa. Naiintindihan ko naman si Kael, he's also the captain of their basketball team at dean's lister din ito, natitiyak kong sobrang busy niya. Isa pa ay malayo ang university niya sa amin.
"Ako na bibili ng ticket guys," sambit ni Trina at tuluyan na ngang nawala sa dagat ng mga tao sa bilihan ng ticket.
Umiling ako, "Tiyak na hindi mo magugustuhan ang pipiliing palabas non."
"It's fine. Bili tayong popcorn."
I rolled my tongue inside my mouth before answering him, "Tara nalang sa grocery. Junk foods nalang bilhin mo."
He playfully patted my head, "U-huh. Someone still hates popcorn."
Natawa ako sa sinabi niya. Hindi talaga ako mahilig sa popcorn, ewan ko rin kung bakit.
"How are you, Sky?" bigla ay sumeryoso ito.
Ngumiti ako at humarap sa kanya, papasok na kami ngayon sa grocery store, "I'm very fine, Kael."
He sighed, tila hindi kumbinsido sa sinabi ko, "Come on, Sky. Kilalang-kilala kita. You're always selfless. I know you're hiding your own pain to Trina."
Totoong nasasaktan pa rin ako sa pagkawala ng mga magulang namin, pero alam kong mas nasasaktan si Trina. Totoong nahihirapan ako sa sitwasyon namin ngayon, but I'll be fine. Lilipas din ito.
Hindi ko nalang pinatulan pa ang sinabi ni Kael. Namili nalang ako ng ilang pagkain at inilagay sa basket na hawak-hawak niya. Nararamdaman ko pa rin ang titig niya sa akin.
"Kael, I'm fine," nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi pa rin kasi ito kumbinsido na ayos lang ako. Nag-aalala pa rin ang mga mata niya.
He sighed. "Make sure to call me when something's going out of control, hmm?"
Tumango ako para na rin umayos ang pakiramdam niya. Tinulak ko na siya patungo sa cashier. Good thing walang pila dahil tiyak na hinahanap na kami ni Trina ngayon.
"Sky?"
Sabay kaming napalingon ni Kael sa tumawag sa akin. It's Kenneth. Kasama nito ang dalawa, may tulak-tulak itong cart na may lamang beer at ilang tinapay. Ngumiti si Jace sa akin at tumango lang si Zale. Himala at wala itong earbuds na suot ngayon.
"Hi, guys," I greeted them.
"Sino iyang mga iyan?" bulong ni Kael.
"My classmates," bulong ko pabalik.
Sumunod kong narinig ang pagtikhim ni Kenneth, "Kain tayo sa unit mamaya, magtatagal pa ba kayo rito?" aniya, nanantiyang tumingin sa kasama ko.
Ngumuso ako at tumango, "What time?"
"Siguro after lunch nalang or early dinner," si Jace ang sumagot, ngumiti ito pagkatapos magsalita tuloy ay lumabas ang dimples niya.
"Your boyfriend should... join too," mabagal na pagkakasabi ni Kenneth.
Sakto naman ay natapos ng magbayad si Kael at sila Kenneth na ang susunod.
"Wanna join?" tanong ko rito.
Tumango siya, "Sure."
Hinintay naming matapos ang binabayaran nila kapagkuwan ay sabay-sabay lumabas ng grocery store, "By the way guys, this is Kael," hinawakan ko ang balikat ni Kael at sunod namang itinuro isa-isa ang tatlo, "This is Kenneth, Jace and Zale..."
Nag-high five sila isa-isa. Ganoon yata ang batian kapag lalaki, dunno?
"Uhmm.. paano guys, sunod nalang kami later? Manonood pa kasi kami," paalam ko.
Kenneth nodded, "Sure. Alam niyo na unit number namin, 'di ba?"
Tumango ako at kapagkuwan ay tuluyan ng nagpaalam. Nahagip ko ang mariing titig sa akin ni Zale, nang mapansing nakatingin ako ay umiwas siya. What's wrong with this one?
Nginitian ko siya ngunit hindi na niya pinansin pa.
"Hindi ba't 3rd year na ang mga iyon? Paano mo naging kaklase?"
Naguguluhang nilingon ko si Kael, "Huh? Paano mo nalaman?"
"I know Zale, but not quite familiar with the boys he's with."
"Hmm," tumango ako, "May subject lang na kaklase ko sa kanila."
Masama ang tingin sa amin ni Trina ng makarating kami sa cinehan, "Bumili lang kami ng snacks," itinaas ni Kael ang dalang plastic bag upang ipalusot kay Trina.
"Whatever," pagmamaldita nito na tinawanan nalang namin.
Umakbay ako sa kanya at hinila na papasok sa movie theater, "Tara na..."
Madaming tao nang makapasok kami sa cinehan, mukhang nasaktohan pa namin ang oras na maraming nagde-date. Tuloy ay sa halip na sa movie magco-concentrate si Trina ay naroon at inis na inis siyang nakatingin sa mga magjo-jowa sa loob.
"Stop it, nakakahiya," ani Kael kay Trina. Si Trina kasi ay nasa gitna namin pareho.
Trina sneered. "Look, kulang nalang ay maglampungan sila rito. It's nakakadiri kaya."
Tinapik ko siya at itinuro ang malaking screen, "Concentrate ka nalang sa movie, Trina."
Humalukipkip siya at sinunod ako pero maya't maya pa rin ang pagrereklamo niya sa mga kasama namin sa loob.
Nagkatinginan kami ni Kael, nagkibit balikat siya at sabay kaming natawa. Trina doesn't look pleased though. Ang arte talaga ng kaibigan ko kahit kailan.
Pagkatapos manood ay naghanda na rin kaming umuwi. Hindi na kami kumain dahil kila Kenneth na kami didiretso. Good thing same building lang kami kaya madali naming naibaba ang mga gamit sa aming unit bago tumuloy doon.