"Gusto mong kape?" Nandito kami ngayon sa kusina. May pancake na naluto roon kaya sigurado akong si Trina ay nanggaling na rito. Hindi nga ako nagkamali dahil nang makababa siya ay bagong ligo na. Baka siya rin nagpapasok kay Zale. "Good morning!" "Kahit ano," sagot ni Zale at umupo sa upuang itinuro ko. "Kape, Tri?" Tumango siya at umupo rin sa kanyang upuan. Kumuha ako ng tatlong tasa at tinimplahan ng kape. I handed them the coffees after. Naglagay na rin ako ng platito at kutsara para paglagyan ng pancake nila. I served both of them. Trina's grin isn't funny though. Para bang tuwang-tuwa siya sa ginagawa ko. "Stop," mahinang singhal ko sa kanya. She pursed her lips together and looked at me innocently, "Bakit?" I didn't answer. Alam kong ako ang mapapahiya sa mga sasabihin niy