Umihip ang malakas na hangin kaya agad akong napapikit bago pa mapuwing. Sinara kong muli ang bintana at tumagilid upang humarap sa gwapo kong driver. "Saan tayo pupunta?" Tulad ng mga nauna kong tanong ay ngiti lang ang sinagot niya. I pouted. Sobrang nacu-curious na ako kung saan kami pupunta. Isang oras na kami mahigit na nagbabyahe, mag-a-alas sais na. Medyo nagugutom na rin ako kahit maaga-aga pa naman para sa hapunan. Tumingin siya sa kaniyang relo bago bumaling sa akin. "Mga 6:30 tayo makakarating doon. Do you want to eat first or doon na?" "Hmm. Doon nalang so we can rest too." Tumango siya. Humalukipkip ako at muling sinulyapan ang daan. Nagpatugtog si Zale sa speaker ng kotse na sinasabayan naming dalawa. We laughed, sing, and smile throughout the ride going there. Wala pa