Kinaumagahan ay nag-jogging ulit kami ni Zale. Tag-isa na kami ng earbuds na suot at siya ang nagpapatugtog. I love his choice of songs. Iyong mga love songs noong 90's at mga calm songs na gawa ng mga magagaling na banda sa kasalukuyan. "Wait here. Bibili ako," aniya at pinabantay sa akin ang dala kaniyang tumbler. Medyo magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Ayos na kami ni Trina at habang tumatagal ay mas nagiging malapit kami ni Zale. I love how he courts me, iyong getting to know each other palang pero reyna na ang trato niya sa akin. His gentleness, his eagerness to know me more, the way he shows support, and more. "Buko juice?" Iniabot niya ang isang cup ng buko juice sa akin. Uminom ako at pinangalahatian iyon. Sarap! "May gagawin ka ba bukas?" Pinunasan ko ang bibig bago sinago