Pasimple kong tinignan si Trina na halos nakanganga na sa tapat ko. Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa kaya biglang umayos.
"Sure. Hindi naman amin itong mesa," pagpayag niya at umusog pa ng kaunti para sa espasyong uukopain nila.
"Salamat."
Ngumiti si Jace sa akin at si Zale naman ay seryoso pa rin ang tingin bagaman hindi naman nakakatakot.
"You're Scarlett, right? Classmate namin sa first period?"
OMG! Kinakausap ako ni Jace!
"Ahh... Oo," namumulang sambit ko.
Gosh! At kailan pa ako nagka-ganito para sa lalaki? Sa sobrang cute at gwapo ba naman ng kaharap ko, pakiramdam ko ay may kaharap akong artista.
Gwapo din ang dalawang kaibigan nito. Jace looks like the bad boy type, Kenneth is the friendly type- at iyong tipo na mabait talaga ang itsura, angelic kumbaga. And lastly, si Zale na medyo matapang ang awrahan. Nakakatakot lalo na't madalas seryoso ang mukha kapag kaharap ko. Jace is the cutest but if we're going to talk about handsomeness, Zale is the most handsome among his friends.
Nakakapagtaka nga eh, sabi ng karamihan ay friendly siya, pero bakit hindi ko maramdaman kapag ako ang kaharap niya? Did he got a bad impression on me?
"I'm Jace"
"Yeah. I heard."
"How about you?" Kay Trina naman ito humarap.
"Trina Carbonel," pagpapakilala niya at iniabot pa ang kamay para makipagkamay.
"Nice name. Jace."
"Kenneth here," pakilala ni Kenneth kay Trina.
Siniko ni Kenneth si Zale para sumunod din na magpakilala kahit na mukha itong walang pakielam.
"Zale Adrian," pakilala niya.
Iyon na naman ang baritonong boses na seryoso pa ang dating. Boses palang mai-imagine mo na kung gaano ka-lalaking-lalaki ang itsura niya.
His ash gray eyes bore unto mine before making its way to Trina and then to his friends.
"Gwapo ng pangalan," hagikhik ni Trina na mukhang nakalimutan atang nasa tabi lang namin ang tinutukoy niya.
"Miss Crimson, would you mind giving me that water bottle beside you."
Tinignan ko ang bottle na tinutukoy niya. Paano naman iyon napunta rito?
Iniabot ko iyon sa kanya ng walang imik.
Something about Zale is making me nervous. Dahil ba sa pananalita niya? Sa itsura? Dahil maraming nagkakagusto sa kanya? I don't know.
"So second year kayo pareho?" tanong ni Kenneth na siyang katabi ko.
Si Jace ay nasa tabi ni Trina at si Zale ang nakaupo sa extrang upuan sa pagitan ni Jace at Kenneth.
"Yup, kumusta naman ang third year life?"
Mabuti nalang madaldal si Trina. Bahala na siya riyan. Kakain nalang ako.
"Nice. Same building tayo nakatira," ani Kenneth nang mapag-usapan kung saan kami tumutuloy ni Trina.
"Talaga?" I exclaimed.
"Oo, kalilipat nga rin ni Zale doon eh. And Jace is planning to move in too."
Maging si Zale ay naroon? Napatingin ako sa kanya pero nakatuon lang ang pansin niya sa pagkain at walang pakielam sa kahit anong pag-usapan namin.
"Let's have a dinner together some time," pagyayaya ni Trina.
Kenneth and Jace nodded while their friend has his own world.
Sa sumunod na araw ay ganoon din ang nangyari. Sumasabay sa amin si Kenneth at Jace. Si Zale ay naroon din at halatang napipilitan lang makisama dahil nandoon ang mga kaibigan niya.
"Pinapatawag ako ni Ma'am eh. Mauna ka na, Sky."
Ngayon ay mag-isa akong uuwi. Wala akong dalang payong at sobrang init bilang tirik na tirik ang haring araw. Ayokong gumastos ng taxi at mas ayaw kong makipagsikskikan sa jeep. Siguradong siksikan kapag ganitong oras.
Bahala na. Naglakad ako sa side walk habang nag-iisip ng malalim. Mukha akong kawawa na naglalakad mag-isa.
Pinunasan ko ang pawis sa nasa noo. Haist!
"Ate," kalabit sa akin ng batang lalaki. Madungis ito at medyo punit na ang suot na damit.
Nginitian ko ito bago kinausap, "Bakit?"
"Pwede ho ba kami makahingi ng pagkain?" Magalang ang paraan ng pagsasalita niya hindi tulad ng ilang mga bata na makakasalamuha mo sa daan.
Lumingon ito sa gilid at doon nakita ko ang tatlo pang bata na katulad niya'y hindi maayos ang damit.
My heat melted. Hindi kasi pera ang hinihingi nila kundi pagkain. Unlike other beggars who would ask you for money instead of food. Tapos ay makikita mong pambibili lang nila ng alak o 'di kaya ay sigarilyo.
I sighed. Sinenyasan ko ang mga bata na lumapit, pagkatapos ay umupo ako sa harap nila upang mapantayan ang kanilang paningin.
"Hindi pa ba kayo kumakain?"
Sabay-sabay silang umiling.
"Masakit na po ang tiyan ko," malungkot na ani ng batang babae habang hawak-hawak ang kanyang tiyan.
Inaya ko sila sa pinaka-malapit na karinderya at pinapili ng gusto nilang kainin. Nakakatuwa na hindi sila mapili at halos puro gulay na putahe ang kanilang pinabili. Dinagdagan ko nalang iyon ng dalawang luto ng karne saka ipinasupot.
Doon na daw nila kakainin sa bahay nila upang mabigyan ang ina na may sakit.
"Ayos na ba iyan sa inyo?"
Nag-aalala ako na baka kulang sa kanila ang mga pagkaing iyon.
Ngumiti sila at nagsalita ang batang lalaki na siyang nangalabit sa akin kanina, bahagyang nanunubig ang mata nito at kitang-kita ang sinseridad sa lahat ng kanyang gagawin o sasabihin, "Salamat po talaga. Hindi pa po kasi dumadating ang Tatay mula sa trabaho kaya wala kaming perang pambili ng makakain."
Aww.
Ginulo ko ang buhok nito, "Ayos lang. Eto oh, pambili ng gamot."
Naaalala kong sinabi nilang may sakit ang kanilang ina.
"Hindi na po..."
Inilagay ko ang 200pesos sa kanyang palad, "Sige na. Kailangan niyo ito."
Naluluha itong yumakap sa akin. Bagaman madungis ay napakasarap sa pakiramdam na may ganito ka-sinserong tao kung magpasalamat.
"Mauuna na kami, ate. Maraming salamat..."
"Salamat po," sabay-sabay na sabi nila.
Ngumiti ako, "Mag-iingat kayo.."
Nakangiti ko silang sinundan ng tingin hanggang mawala na sila sa aking paningin. Tumalikod na ako upang umuwi.
"What the...?" gulat na sambit ko ng makita sa harapan ko si Zale.
As usual ay seryoso ang itsura nito. Bagay na bagay talaga sa kanya ang buhok na dark brown at nakasuklay patungo sa likod. Modern slick back yata ang tawag sa ganoong hairstyle.
Nilagpasan ko siya bagaman malakas pa rin ang t***k ng puso ko dahil sa gulat.
"People will take your kindness for granted, lady. You do not need to help others always," aniya.
Sumunod pala ito at nakapamulsang sinabayan akong maglakad. Nagtataka ko itong nilingon. Bakit ba nandito ito?
"Dami mong pera ah. Namigay ka pa talaga," siya ulit.
Ang daldal niya yata?
I bit my lower lip before talking, "Wala na akong pera," tumigil ako at tinignan siya, "but I have the conscience. Hindi ako patutulugin ng konsensya ko kapag hindi ko sila tinulungan. Knowing that I can help them and I didn't... that's already a nightmare for me."
"Kindness is not for everyone."
Malungkot ako na ngumiti, "I'm sorry. But I grew up believing that kindness is for everyone."
At iyon ang gagawin ko. Bakit may mga taong mas pinipiling magbulag-bulagan kaysa tumulong? My heart broke at that thought. I can't imagine seeing someone bleed when I have the ability to help.
Nagkibit-balikat siya.
"Teka... Bakit ka nandito?"
"I saw you with those kids earlier. I'm afraid something stupid might happen so I followed."
Seryoso pa rin ang mukha at pananalita niya. Wala siyang suot na earbuds ngayon.
"Worried, huh?" I mocked him.
"Like you, I have a so-called conscience."
Natawa ako ng tignan ako nito ng masama. Bakit ba ang sungit niya? Although he's action tells otherwise. Mabait siya, that's all I know.
"Uuwi ka na?" tanong ko uli dahil nakasunod pa rin ito sa akin.
"Yeah."
Tumango-tango ako at hindi na nagsalita. Tahimik kami hanggang sa makarating sa building na tinutuluyan. Sabay kaming sumakay ng elevator, marami ding kasabay. Buti nalang because it would be awkward if it's only the two of us.
"Bye!" Nakangiting kumaway ako sa kanya ng bumaba siya sa second floor.
Hindi niya sinuklian ang ngiti ko pero okay na yung pagtango niya.
Pabagsak akong humiga sa sofa nang makarating ako sa apartment namin. Obviously ay wala pa si Trina- paboritong utusan iyon ng mga Prof namin, palibhasa ay medyo makapal ang mukha at madaling utusan sa kung ano-ano.
Sinindi ko ang TV saka pumikit- wala lang, gusto ko lang ng ingay para hindi naman ako masyadong lonely dito.
(Good afternoon, Miss Crimson.)
Napaayos ako ng upo ng sagutin ang tawag galing sa unknown number. Sa paraan ng pagsasalita nito ay mukhang pormal na tao ang kausap ko at pormal na konbersasyon ang gagawin namin.
"Good afternoon, Ma'am," bati ko kahit hindi ko sigurado kung sino ang nasa kabilang linya.
"This is Katie Lim from Love Coffee Shop, you've got accepted as our cashier, right?"
Tumango ako bagaman hindi niya naman nakikita, "Yes, Ma'am."
"We are gladly informing you that your uniform is now available. You can get it anytime here at the office."
Napangiti ako. Salamat naman at may magandang balita akong narinig ngayong araw. Kailangan ko na talaga ng trabaho dahil napaparami ang gastos namin ni Trina nitong mga nakaraang araw.
"Maraming salamat po," masayang bati ko at hindi mapigilan ang pag ngiti.
"We'll see you on Monday?"
"Yes, Ma'am. Thank you very much."
Halos mapatili ako ng maibaba ang tawag. Finally! Ayos na iyon para doon nalang ako kukuha ng allowance ko at pambili ng pagkain namin ni Trina.
"Yes! Yes! Yes!" tuwang-tuwa na sambit ko habang nakangiti sa harap ng TV na walang kamalay-malay kung bakit ako ganito kasaya ganong horror ang palabas.
"Saya natin, ah?"
Napatigil ako ng marinig ang boses ni Trina. Ni hindi ko namalayang nabuksan niya na ang pinto- hindi ko man lang narinig ang pagpihit niya ng doorknob.
"Triiii!"
Tumakbo ako palapit at niyakap siya, "Aray naman," reklamo niya.
Humiwalay din ako agad at hinarap ang nagtataka at weirdong-weirdo na tingin niya sa akin.
I smiled widely, hindi ko na yata mapigilan ang excitement ko, "May uniform na ako. And I'll start next week."
She raised her right brow, "Eh 'di ba alam mo namang magsisimula ka roon next week? What's the sudden excitement?" Aniya habang ibinababa ang mga gamit sa center table. Umupo ito sa sofa at itinaas ang kanang paa saka tumingin sa akin.
Pabuntong-hininga akong umupo sa tabi niya, "Eh syempre iba iyong may uniform ka na talaga noh!"
"Are you really sure about this, Sky?" naninimbang na tanong niya habang nakapalumbaba sa kanyang tuhod.
Sinsero akong ngumiti bago pinatay ang TV, "Oo naman. It would benefit the two of us."
Bagsak ang balikat na umayos siya ng upo at hinawakan ang dalawang kamay ko, "Sky, alam mong mahihirapan ka sa gagawin mo. Working student?" she sighed, "Please. Pag-isipan mong mabuti. How about you join me nalang sa online shop na gagawin ko? We're business ad students anyway."
I bit my lower lip. Alam kong alam niya na walang kasiguraduhan ang pagkakaroon ng online shop. May pagkakataong maraming bibili at may mga araw na wala. Hindi pwedeng umasa kami pareho roon.
"Trina, alam mo na ang sasabihin ko tungkol diyan."
Mariin siyang pumikit, halatang hindi pa rin sang-ayon sa akin. I know. She's just concerned about me.
"I can do this, Tri. Promise I'll stop if I can't handle it anymore."
Matagal niya akong tinitigan bago nagsalita, "Pangako iyan ah."
Tumango ako at nagtaas pa ng kanang kamay at umaktong nangangako sa kanyang harapan, "Pangako."