Chapter Three

1706 Words
"Sobrang nakakahiya talaga, Tri." Instead of making me feel better ay tinawanan niya pa ako. Tinignan ko siya ng masama pero wala siyang pakielam. Tuwang-tuwa pa ito at bahagya pang humahampas sa kung ano-anong mahahawakan niya dahil sa tuwa. Ano bang nakakatawa sa napahiya ako? Mabuti nalang talaga dahil dumating na si Sir pagkatapos ng nangyaring iyon. Pero gosh! I can't even look at anyone inside that room after that. "Eh kasi naman, bakit- hahaha- bakit kasi sinabi mo iyon?" Aniya. Halos hindi pa maintindihan ang sinasabi dahil sa kakatawa. Her face reddened. Tsk. I pouted, "Hindi ko naman alam na masasabi ko iyon eh. Nasa isip ko lang talaga iyon." Tumawa ulit siya. Mas lalo lang nadadagdagan ang inis ko dito kay Trina eh. Buti nalang naisipan kong dito ko nalang sa bahay i-kwento dahil kung sa school ko kwinento, tiyak maririnig iyon ng sangkatauhan and swear, hindi ko na nanaisin pang pumasok kapag nangyari iyon. "Bahala ka diyan," tumayo ako at akmang iiwan siya roon ng hinila niya ang braso ko at pinaupo sa pwesto ko kanina. "Sorry na," aniya habang pinipigilang maawa, "Pero ano na nga ulit itsura nun?" I shrugged, "Malay ko," sabi ko kahit na memorisado ko na ang bawat detalye ng mukha niya. Gwapo siya, but his looks doesn't show his Pinoy blood- kung may halo nga ba siya. Mula sa buhok, sa mata, sa ilong, bibig- as in lahat. Mukha siyang hollywood actor. "Eh bakit tulala ka diyan? Don't tell me pinagnanasaan mo na ang Zale na yun ha? Ganon ba talaga siya ka-gwapo sa malapitan, girl?" "Sira, hindi noh. Diyan ka na nga." Iniwan ko siya roon at nagtungo na sa kwarto. Tapos na kami mag-dinner at nakapag-shower na rin ako kanina kaya mag-a-advance reading muna ako ngayon sa mga lessons namin.  Alas-dos ang uwian namin parati. Kaya pagdating ng 3:00 hanggang 8:00 ng gabi ay sa coffee shop ako- although next week pa ang start ko dahil hinihintay ko pa yung uniform na hindi pa dumadating. I need to study now dahil baka mawalan ako ng oras sa mga susunod na araw. Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok kahit na medyo inaantok pa. Humihikab ako habang naglalakad papunta sa building namin. "Ugh," himutok ko sa sarili. Bakit ba kasi ako nagpuyat para basahin yung next lesson namin gayong hindi ko talaga siya maintindihan? Nakasimangot ako habang patuloy sa paglalakad. Pakiramdam ko ay nakalutang pa rin ako, parang babagsak ang katawan at talagang inaantok. "Hey," boses ng lalaki iyon mula sa aking likuran. Hindi ko pinansin dahil baka hindi naman ako ang kausap. Baka mamaya mapahiya na naman ako. "Hi, Miss," sumabay ang lalaki sa akin kaya ngayon ay sigurado na akong ako nga ang kausap niya. Nilingon ko siya at nginitian, "Hello." Teka...  He looks familiar. Right. Siya iyong kahapon. The one who called Zale. Gosh, naalala niya ako? It means he remember what happened yesterday din?  My cheeks reddened at that thought. The guy smiled back, maliwanag ang ngiti nito at maaliwalas ang mukha. He looks kind and friendly. "Ikaw iyong second year na kaklase namin sa first period 'di ba?" tanong niya. Tumango ako, "Uhh ako nga. Bakit?" "I'm Kenneth Lamerson. What's your name?" Kumunot ang noo ko subalit tinanggap ko pa rin ang kamay niyang iniabot sa akin. Tinanggal ko rin agad, "Nagpakilala ako the other day." Pasimple siyang nagkamot ng batok, "Absent ako noon eh. Kahapon lang ako pumasok. Same with Zale kaya hindi niya rin daw alam ang pangalan mo." Zale doesn't know my name? Ang ibig ba niyang sabihin ay hindi naaalala ni Zale iyong araw na una kaming magkasalubong? He even read my name loud. How come he doesn't remember it? I sighed. Baka nga hindi niya talaga maalala, after all that's the first time he heard about me, "Scarlett Crimson," pakilala ko. Ngumisi siya at lalo pang sinabayan ang bawat paghakbang ko. He looks harmless pero medyo naiilang ako sa pagiging feeling close niya, "Ang aga mo namang pumapasok," aniya. "Hmm. Na-late kasi ako noong first day, ayoko lang maulit." "Ang cute ng name mo, bagay sayo. Scarlette..." Nilingon ko siya, medyo natatawa. Para kasing sinasabi niya lang iyon para may mapag-usapan. "Anong cute doon?" "Ang cute kaya. Babaeng-babae iyong dating at ang angelic pakinggan." Umiling ako habang nakangiti, "Ewan ko sayo." Mayroon ng mga tao ng makarating kami. Naroon na rin si Zale na nakasuot ng earbuds at walang pakielam sa paligid. Nang makita ang kaibigan ay tumango ito at nakipag-high five ng magkalapit sila. Sumunod niyang tinignan ang pwesto ko, naglalakad na ako ngayon patungo sa aking upuan. Wala pa yung seatmate ko na hanggang ngayo'y hindi ko pa alam ang pangalan. "Scarlett pala pangalan niya bro," dinig kong sabi ni Kenneth na lumingon pa sa akin at ngumiti. Naroon pa rin ang tingin ni Zale sa akin. Seryoso pero hindi nakakatakot, I can't read what's going on with his mind. Blanko lang ang ekspresyon at parang malalim ang iniisip. Umiwas ako ng tingin at tinitigan ang ballpen na kalalabas ko lang mula sa aking bag. Wala naman akong isusulat pero magdu-doodle nalang ako habang walang magawa. "Pumasok na siya!" Bahagyang nag-ingay ang paligid. Tili ng ibang babae ang maririnig at malakas na kantyaw ng mga kalalakihan. Sinilip ko ang bagong dating na lalaki. Nakasuot ito ng itim na V-neck shirt at may maliit na print sa gilid. Ang buhok ay medyo nakataas, parang badboy ang dating na siyang kabaliktaran ng kanyang mukha. He has soft features that makes him looks like an angel. Ang gwapo! Ngumiti siya at lumabas ang maliliit at cute na mga dimples niya. Gosh! Pang koreano ang features ng mukha niya. Maputi, matangos ang ilong at aahh basta gwapo. "Excuse me," nilingon ko ang babaeng nakatayo sa gilid ko. Bahagyang nanlaki ang mata ko at tumayo upang padaanin ang seat mate ko. Sa sobrang pagtitig ko sa lalaki ay hindi ko na napansing nandito na pala siya. Nakakahiya! "Sorry," paghingi ko ng paumanhin. Ngumiti siya sa akin, "Ayos lang. Halos lahat naman ng nakakakita kay Jace ay ganyan ang reaksyon. Napapatulala." Mas lalo akong namula. Talaga palang nakita niya ang reaksyon ko. Pero ano daw? Jace ang pangalan? Bakit hindi kilala ng mga kaklase ko o ni Trina ang ganito ka-gwapong schoolmate namin? Sigurado akong type na type niya ang ganitong itsura ng lalaki. Sa hilig ba naman non sa mga koreano. "Jace," pag-uulit ko sa pangalan niya, "Classmate niyo na po ba siya dati pa?" Umiling ito habang may tinitignan sa loob ng kanyang bag. Nang makita ang notebook na hinahanap ay inayos niya muli ito at humarap sa akin, "Yes. Kaklase namin siya noong high school. Kaklase namin sila Jace, Kenneth, Zale at ilan sa mga tao rito- pero kaunti lang kaming magkakaklase." Huminto ito kapagkuwan ay itinuloy ang sinasabi, "Nag-transfer si Jace sa ibang bansa nang mag-kolehiyo. Ngayon ay bali-balitang uuwi siya rito at dito na mag-aaral at ayan nga, nandito na." No wonder medyo may kaputian siya kaysa sa iba. Sa ibang bansa ba naman nag-aral ng dalawang taon. Natigil ang pag-uusap namin ng dumating na si Sir.  "Oh, may bago tayo rito?" tanong niya ng mapansin si Jace sa pwesto nila Zale. Tumayo si Jace at nakipag-usap sa prof namin. Makalipas ang halos limang minuto ay pinaharap siya sa amin ni Sir upang magpakilala. Ngumiti ito at tulad kanina'y lumabas ang mga dimples niya at bahagyang lumiit ang mata, "Hello everyone, I am Jace Zamora and I'm your new classmate. Have a nice day!" Medyo nag-ingay ang paligid lalo na sa mga babaeng hindi yata mapigilan ang kilig. Ako naman ay pasimpleng pinipigilan ang pag ngiti. He's really cute! Halos buong klase yata ay nasa kanya ang atensyon. Buti nalang hindi nahahalata ni Sir. Ako naman ay nakikinig sa discussion bagaman pasimpleng natatawa sa rekasyon ng mga kababaihan na halos hindi matanggal ang paningin kay Jace. Hindi kasi nakakasawang titigan ang mukha nito. "Scarlett..." Nilingon ko si Kenneth habang nag-aayos ng bag. Naghahanda na ako para pumunta sa second class ko. "May klase ka?" tanong niya habang nakatingin sa bag ko. Ngumiti ako sa kanya at sumagot, "Oo. Mahuhuli na ako. Sige," paalam ko. "Ingat!" Hindi na ako nakasagot dahil baka ma-late ako ng tuluyan. Medyo maaga kasing dumadating ang second period prof ko at medyo istrikto kaya hindi ako pwedeng ma-late. At halos manlaki ang mata ko ng makitang halos sabay kaming paparating. Damn. "Good morning, Ma'am," I greeted her. "Good morning. Late ka Miss Crimson?" "Ah, katatapos lang po ng klase ko." "Oo nga pala at naiiba ka ng schedule. Oh siya sige, halika na." Naabutan kong nakikipag-chika-han si Trina sa iba naming kaklase. Nakataas pa ang paa ng gaga at feel na feel sa pakikipag-usap sa mga tao sa kanyang likuran. Akala yata ay nasa bahay lang siya. "Good morning class!" Sabay-sabay na umayos ng upo ang mga classmates ko. Lalo na si Trina na halos manlaki ang mata ng marinig ang boses ni Ma'am. I snickered. Tinignan ako nito ng masama saka binulungan, "Nandiyan ka na pala. Hindi ka man lang nagsabi." "Busy, teh?" Nagpa-recitation si Ma'am sa oras na iyon. Nang sumunod ay nagkaroon ng surprise quiz, mabuti nalang at absent ang teacher namin para sa susunod na subject kaya isa nalang ang klase namin pagkatapos ng lunch. "Nakakaloka. Wala pang isang linggo nakaka-stress na ang mga pinapagawa," nakabusangot na sabi ni Lia, kaklase namin. "Lalo na yung quiz. 'Di pa nga siya nagtuturo may pa-quiz pa siyang nalalaman." Natatawa nalang ako sa mga reklamo nila. Mabuti nalang talaga nag-aral ako kagabi. "OMG! OMG!" "Ano ba?" singhal ko kay Trina na halos hindi mapakali sa upuan niya ng makarating kami sa cafeteria. Wala pang limang minuto na nakaupo kami ay para na itong bulate na nilagyan ng asin. "Shucks! Ang ga-gwapo nila," aniya habang nakatingin sa likuran ko. Tinignan ko ang tinitignan niya at nakita ang magkakaibigang Jace, Zale at Kenneth. "Bakit ganyan lang reaksyon mo?" Takang tanong niya. I shrugged. "Kaklase ko ang mga iyan." "Ha?" "Si Zale iyong nakasuot ng earbuds, si Kenneth iyong katabi niya na may hawak na tray at si Jace iyong naka-black shirt." "Zale? Kenneth? Teka nga... Ang ibig mo bang sabihin ay iyang mga gwapong iyan ang tinutukoy ni Karla noong nakaraan?" Tumango ako at umayos ng biglang mapatingin sa pwesto namin si Kenneth. Kumaway siya at lumapit sa amin. Mula rito ay naririnig ko ang bulungan ng mga kababaihan sa paligid namin. At ang nakakainis pa ay itong kasama ko na hindi rin maitago ang pagkamangha sa mga lalaki. "OMG! They're going here." "Kenneth, dito may space pa." "Ang gwapo!" "OMG! Si Zale!" "Sino iyong isa? Ang cute!" Napailing nalang ako sa mga sinasabi ng nasa tabi naming mesa. Sana nga ay doon magtungo sila Kenneth. Pero mali ako... "Pwede ba makiupo rito?" tanong ni Kenneth habang nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD