Kinabukasan ay medyo nahuli ulit ako ng gising. kung hindi pa ako ginising ni Trina ay malamang nananaginip pa rin ako hanggang ngayon at naglalaway sa higaan ko.
I barely had a good sleep last night. Excited kasi akong kuhanin ang uniporme ko at iniisip ko rin ang mga sinabi ni Trina. Paputol-putol ang tulog ko dahil sa dami ng iniisip kaya heto ako ngayon, humihikab at parang zombie na naglalakad sa loob ng campus.
"Good morning, Scarlett," tulad ng dati ay halos magkasabay kaming dumating ni Kenneth.
Nginitian ko ito, hindi masyadong nagulat sa presensya niya dahil malalim ang iniisip ko- medyo inaantok pa talaga. Nang lingunin ko siya ay nakita kong kasama pala nito si Zale. Seryoso at malalim ang tingin sa kung saan. Hindi ko na inabala pang alamin iyon.
"Sky nalang," sambit ko. Masyado kasi akong nahahabaan sa pangalan kong Scarlett at parang pang-sosyal ang pangalan na iyon na batid kong hindi ko bagay.
Ngumiti siya at lalo pang sinabayan ang bawat hakbang ko, "Okay, Sky."
I yawned again before stepping on the first step of the stairs, mukhang napansin nila pareho ang kanina ko pa pag-hikab hikab. What can I do? I'm really sleepy and I still feel so tired. Ugh.
"Hindi ka nakatulog?" hindi na yata napigilan ni Kenneth ang pagtatanong niyon. Batid kong kanina niya pa iyon nais itanong.
I pouted while nodding. Bahagya ko pang ginusot ang aking mata upang pigilan sa pagpikit.
"Saklap niyan bro, nakakaantok pa naman ang klase ni Sir."
I chuckled. Palibhasa ay boring magturo ang teacher namin doon kaya niya nasabi iyon. Pero wala naman kaming magawa dahil major ang subject niya at hindi mo pwedeng basta-basta absent-an o 'di kaya'y tulugan. Isama mo pa na may pagka-istrikto ang teacher na iyon.
"You can sleep," napasinghap ako sa gulat ng magsalita si Zale. Kaunting salita lang pero ramdam mo ang napakaraming emosyon sa bawat salitang binibitawan.
His baritone voice sounds so manly. Nilingon ko ito at ayun na naman ang seryosong mga mata niyang nakadapo sa akin.
"Of course I cannot. Major iyon at isa pa, medyo masungit iyon."
"He doesn't bite though," ani Kenneth na sinamahan pa ng tawa.
"Come," para akong papel na nagpatangay sa kanya. His hands are holding my wrists pulling me somewhere.
Nilingon ko si Kenneth na kumaway lang at ngingisi-ngising naglakad patungo sa classroom namin.
Teka, saan ba ako dadalhin nitong Zale na ito? Baka nakakalimutan niyang ilang minuto nalang ay magta-time na?
"Huy, saan ba tayo pupunta?" hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin sa paglakad.
Nakakatawa na sa kabila ng paghila niya sa akin ay napakalambot at walang higpit ang pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan. It's like he's holding something that is too fragile to hold in a harsh manner.
Tuloy ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kung ano sa aking damdamin. I cannot name it. Para akong nata-touch gayong hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Not until he stopped in front of the...
"Infirmary?" taka ko siyang nilingon at inalis ang kamay niya sa akin, "Sinong may sakit?"
He opened the door like he didn't hear me.
"Huy!"
Humarap siya sa akin at muling hinawakan ang aking palapulsuhan at hinila sa isang higaan doon. Sinalubong kami ng isang Nurse. Medyo kinabahan pa ako dahil baka mapagalitan kami rito. Una ay wala naman kaming sakit. Pangalawa ay wala namang kahit na sino rito upang dalawin. At pangatlo, may klase pa kami. This is consider cutting.
"Zale, anong ginagawa mo rito?" tanong ng babaeng Nurse na siguro'y nasa mid-30's na ang edad. Maganda ito at morena ang kulay ng balat. Mukha naman siyang mabait pero hayon pa rin ang kaba ko sa dibdib.
Siniko ko si Zale at binulungan, "Huy. Ano ba kasi ginagawa natin dito?"
Tinanguan ni Zale ang nurse. The woman left us alone. Huh?
"You can sleep here for an hour and a half."
"Ha? Eh paano ang klase ko?"
Naiiritang nagbuga ito ng hininga, "Do you really think you can listen with that condition of yours?"
Tama naman siya. Pero at least, may attendance ako.
"Sleep here, Sky," aniya sa mahinahong tinig.
This is the first time he called me 'Sky'. Hindi ko rin maiwasang isipin kung gaano kahinahon ang paraan ng pagkakasabi niya niyon. It's like he's talking to someone younger than him. Well, I'm younger than him, anyway.
Ah, basta. Bakit ba natutulala ako sa harap niya? He's just Zale Adrian, a classmate, a... well, are we friends? Aish!
"But..."
"Don't be stubborn. Siguradong mapapahiya ka roon kung matutulog ka sa klase. I'll send you my notes later so you don't need to worry over that."
I bit my lower lip, trying to suppress the smile that's slowly forming on my lips.
"Why, though?"
His brows shot up, "Anong why?"
"Why are you helping me?"
He shrugged, "I'm just a concerned classmate. Isa pa, I think we're kind of friends."
Sinsero akong ngumiti sa kanya.
"Fine. We're friends."
Inirapan niya ako. Gosh, what a male specie rolling his eyes in front of me.
"Napipilitan ka?"
I laughed. Nakakatawa kasi ang reaksyon niya, "Nope. Sige na, male-late ka na."
"Shooing me away after I helped you," sarkastikong saad niya.
Pinanliitan ko siya ng mata, "Eh kasi po, mahuhuli ka na sa klase mo."
"I'll go now."
Tumango ako at hindi na siya pinansin. Agad din akong hinila ng antok kaya hindi ko na namalayan ang pag-alis niya. Kinausap niya pa kasi ang nurse na naka-duty. I think they're close, or feeling ko lang iyon?
-----------
Magkahawak ang kamay namin ni Trina na bahagya pang sine-sway iyon habang naglalakad.
"Kael called me yesterday pala. Nagyaya lumabas bukas."
Sumimangot ako, "He called you? Bakit sa akin hindi man lang nagpaparamdam ang isang iyon?"
Nakakapagtampo talaga ang lalaking iyon. Ang huling usap ko pa sa kanya ay noong huli kaming nagkasalubong sa Mall with his girlfriend. Nag-break na sila ng babaeng iyon at lahat-lahat pero hindi niya pa ako kinakausap, tinatawagan o kahit text man lang.
"Gaga, syempre busy iyon. Kahapon lang din naman nagparamdam sa akin iyon noh. Alam mo na, busy engineer natin."
Still, nakakatampo siya.
Mikael Cruz a.k.a Kael, is our highschool friend. Closest guy sa amin ni Trina. Mas matanda si Kael sa amin at nasa 3rd year college na siya ngayon sa kursong civil engineering. Magkakapit-bahay kami dati kaya ka-close namin siya. Isa pa, Kael has a lively personality, pwedeng kuya-kuya minsan, pwedeng kunwari boyfriend para walang magbalak manligaw, pwedeng kaibigan kapag kailangan ng kausap. Gosh, nakaka-miss ang lalaking iyon.
LOVE COFFEE SHOP
Romantic ang itsura ng coffee shop, medyo may kaliitan kung ikukumpara sa mga coffee shop sa malalaking siyudad. Nasa-trenta katao lang ang kakasya sa loob na customer. Iba-iba ang disenyo ng upan.
May four-seater na upuan sa bandang kaliwa at nakapatong sa kahoy na floor na medyo mas angat kaysa sa normal na sahig ng coffee shop. Dalawang set ng upuan iyon. Sa baba naman, sa may tiles na mala-kahoy din ang istilo ay may apat na set ng sofa sa gilid, may mga throw pillow at ang katapat nito at mga upuan tulad ng makikita sa mga fastfood.
Bale apat na set ulit iyon ng mesa't upuan. Sa gitna ay may counter top at mga high stool, magandang pwesto kung mag-isa mo lang na dadayo. Although pang limang tao ang kasya roon. Sa tabi naman ng counter ay may four-seater ulit na upuan.
Warm white ang kulay ng mga ilaw na nakapalibot sa lugar na nagpapamukhang vintage sa buong kwarto. Sa tabi ng counter ay may pintuan, iyon yata ang office at dressing room na din ng mga staff.
Halos puro teenager ang mga naroon ng makapasok kami, tumutugtog rin ang isang malamyos na musika na napakasarap sa pandinig- oh wait, nakalimutan kong sabihin na meron ding maliit na stage sa isang side. May mga instruments doon at mikropono para sa mga bandang tumutugtog kapag gabi o kapag may event.
"Welcome to Love Coffee Shop, Ma'am," bati ng guwardya na naroon nang pagbuksan kami ng pintuan ni Trina.
"Salamat, Kuya," sabi ko habang si Trina ay busy sa paglingon-lingon sa paligid.
"May wifi po ba kayo?" bigla ay tanong nito kay Kuyang guard.
"Meron ho, Ma'am. Ang password po ay nasa counter."
Siniko ko si Trina nang makapasok kami, "Internet pa talaga ang tinanong mo."
She shrugged, "Para dito nalang ako mag-po-post ng mga i-o-online sell natin kapag. Oh 'di ba?"
Kunot-noong nilingon ko ito at mas lalo pa akong nagulat ng seryoso lang ang mukha niya at walang halong pagbibiro, "You mean you'll come with me here everyday?"
Sumimangot siya, "Eh ano ba dapat? Iiwan mo ako sa bahay mag-isa?"
"Pero Tri--"
"Please..."
Umiling nalang ako. Bahala siya.
"Good morning Ma'am, how can we help you po?" ani ng babaeng nasa counter.
Maganda ang pagkakangiti nito at bahagyang kumikislap pa ang mata. She's pretty!
"Uhm, Kukuhanin ko sana ang uniform ko? I'm Scarlett Crimson," pagpapakilala ko.
Medyo nagulat siya roon. Ilang sandali pa ay tumango ito at nagpaalam sandali upang kuhanin ang unipormeng tinutukoy ko.
"Girl, green house tayo later," bulong ni Trina habang ang paningin ay nasa grupo ng kalalakihang nagkakantahan sa isang gilid.
Tumango ako bagaman hindi niya nakita. Namamangha kong tinignan ang kabuuan ng coffee shop. Tiyak na magandang tumambay rito dahil malamig at maganda ang ambiance. Napadapo ang mata ko sa isang babae na nagbabasa mag-isa sa gilid. May kape ito sa kanyang tabi, nakasalamin at nakatuon ang pansin sa libro at tila walang pakielam sa paligid.
May mga couple naman na nagdi-date rin.
"Miss Scarlett, ito na po ang uniform niyo. Kayo pala iyong bagong cashier? Same tayo ng schedule," banggit ng babae pagkatapos ay ngumiti ito ng malapad.
I smiled too, "Talaga?" Kinuha ko ang isang plastic bag mula sa kanya, "That's great, then."
Atleast may kakilala na ako agad. Isa pa, mukha talaga siyang mabait. Working-student din kaya siya?
"Ako nga po pala si Cassie," sa itsura at pananalita nito ay batid kong mas bata siya sa amin.
Maganda talaga ito, kutis porselana ang balat, at ang totoo ay mukha siyang pamilyar. Hindi ko lang malaman kung saan ko siya nakita.
"I'm Scarlett pero you can call me Sky nalang," ngumiti ako at tinapik si Trina sa tabi namin upang humarap siya sa amin, busy kasi ang gaga sa pakikinig sa jamming session ng mga lalaki sa isang tabi.
"What?"
"This is Trina, my sister," pakilala ko kay Cassie, "And Trina, this is Cassie, my soon to be workmate."
Ngumiti si Cassie, bahagyang nahihiya sa paraan ng pag-ngiti niya. Trina on the other hand grinned widely, "Ang gandang bata nito. Ilang taon ka na?"
"Seventeen po, pwede ko ho bang lagyan ng ate ang tawag ko sa inyo?"
Ngumiti ako at bago pa makasagot ay naunahan na ni Trina, "Oo naman."
Ilang sandali pa umalis na rin kami, may mga dumating na rin kasing bagong customer at tiyak na makakaistorbo na kami. Malapit lang ang greenhouse dito, restaurant iyon na kulay green ang pintura, karamihan din ng gamit ay kulay green.
"Na-miss ko kumain sa greenhouse," ani Trina habang ang kamay ay nakasukbit sa aking braso.
Sumimangot ako, "Hmm. Pero may sarili naman tayong lutuan."
"KJ mo talaga."