"Okay ka na, Jace?" He looked up on me, then he smiled, "Oo. Napa-drama lang kahapon." Hindi nakawala sa aking paningin ang pagsulyap niya sa gawi ni Zale bago ibinalik ang tingin sa akin. "Sure ka?" "Bakit? Anong meron?" tanong ni Trina na halos hindi maintindihan dahil may nginunguya pa. Pinanlakihan ko siya ng mata. Nilunok niya ang pagkain bago inulit ang tanong. Si Kenneth naman ay parang patay-gutom na kumakain lang sa aming tabi. Nagutuman ata. "May problema ka?" bumaling ito kay Jace dahil hindi ko sinagot ang tanong niya. Umiling si Jace habang nakayuko at nakaharap sa kanyang pagkain. Trina's still looking at him, "Wala iyon." Nagpokus na rin ako sa aking pagkain bago pa muling magtama ang tingin namin ni Trina. Ayoko magsinungaling sa kanya pero ayoko ring pangunahan si