Halos maiyak na ako sa kahihiyan samantalang si Zale ay ngingiti-ngiti pa akong sinenyasan na sumunod na kay Ma'am sa loob. My face heated as I remember how Ma'am said those words. Parang gusto ko nalang mawala na parang bula ngayon. Ito na yata ang pinaka-embarassing moment sa buong buhay ko. Nagdi-discuss si Ma'am ng panibagong lesson pero hindi ako nakikinig- nasa isip ko pa rin iyong nangyari kanina. Pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin at nanunuya pero hindi naman. "Huy, tapos na klase tulala ka pa rin," siniko ako ni Trina kaya bumalik ako sa ulirat. "Ha?" "Hanggaling! Tulala ka buong oras? Ano ba nangyayari sa 'yo?" Umiwas ako ng tingin at hindi sinagot ang tanong niya. At kahit gustuhin ko man ay hindi ko yata kayang ikwento sa kanya ang insidente kanina. "Good morning,